CP38:Bad Blood

19.7K 791 189
                                    

Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng Meeting Hall habang abala lahat sa pag-aayos sa kanilang gagawing plano. Pumasok sa loob ang isang babaeng mayroong hatak-hatak na trolley, nakapatong dito ng maraming masasarap na pagkain. May pancakses, stuffed breads, fried rice, eggs at kung ano-ano pa. Suot ng babae ang isang matamis na ngiti habang inilalapag ang kanyang mga dala sa malawak na lamesa. 


"Mukhang marami kang niluto ah?" Magalak na bati sa kanya ni Zero.


"Oo eh, gusto ko kasing maging okay ang lahat." Bulong ni Sakura sa kanya.


"Handa ka na ba?" Tanong sa kanya ng binata.


"Sa totoo lang, hindi pa. Kinakabahan ako." Nanginginig na sagot ni Sakura.


"Tinanggal na pala tayo sa paaralan simula nang umalis ako roon. Nakalimutan ko lang ipaalam sa'yo dahil sa mga nangyare. P-Pero 'wag kang mag-alala, mayroon pa rin naman akong mga mata sa loob ng eskwelahan." Wika ng binata. Napailing at napangiti lang si Sakura sa kanyang narinig, kaya naman tinaasan siya ng isang kilay ni Zero habang nakapokerface.


"Oh? Mukhang masaya ka pa yata na natanggalan tayo ng trabaho?" Nagtatakang tanong ng binata. Tinignan siya ni Sakura sa mga mata at hinawakan sa balikat.


"Hindi ba't ikaw ang dahilan kung bakit ako nagtrabaho ron? Hindi ba't ikaw ang nag-aya sa akin gawin ang planong 'to? Natatandaan ko pa nga ang sinabi mo, na with your plan, Justice will prevail." Natatawang wika ni Sakura.


"Uhhmm, Okay?" Awkward na wika ni Zero, pagkatapos ay inaya niya na ang mga studyante para kumain ng kanilang almusal. Isa-isang umupo ang mga studyante sa kanilang mga bakanteng upuan, kapansin-pansin ang mabilis na paglagas ng kanilang bilang simula nang dumating sila rito. Isa-isa mang nawawalan ng pag-asa ang bawat isa, naniniwala pa rin silang maayos ang lahat. Hindi na rin sila nakabalik sa eskwelahan dahil masyadong mapanganib. Lalong-lalo na't sila ang pinupunterya ng mga Mendoza.

Magsisimula na sana sa pagkain ang mga studyante nang biglang aksidenteng natabig ni Lee ang malaking juice jar, dahilan para tumapon ang lahat ng laman nito sa sahig. Napatingin ang iba sa kanyang kaclumsyhan, ang iba'y tinatawanan siya't may mga binubulong tungkol sa kanya.


"Ano ba naman 'yan Lee, ang clumsy mo!" Naasar na wika ni Skye, pagkatapos ay kumuha siya ng basahan para punasan ang sahig.


"Lee, pagpasensyahan mo na si Skye ah? Mainit lang talaga ulo nun, kagabi pa kasi siya nag-iisip kung kailan maayos ang lahat ng 'to. Birthday kasi ng younger sister niya sa Sunday." Bulong ni Venice sa kaklase. Tumango lang si Lee at nagbow sa harapan ng kanyang mga kaklase.


"Sorry for what I did, hindi ko sinasadya." Malumanay na paumanhin ni Lee, pero halata pa rin kay Skye ang pagkaasar sa dalaga.


Hindi pa nagtagal ay nagsimula na ang lahat kumain. Sa gitna ng kanilang pagtitipon, nagsalita na si Zero. Gusto niyang maisakatuparan ang kanyang plano ng maayos, nang walang namamatay sa kanila. Ayaw niya nang maulit pa ang nangyare sa nakaraan. At mas lalong hindi niya na gugustuhin pang mangyare ang mga ito sa hinaharap.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Where stories live. Discover now