CP27:Do or Die (1.2)

24.9K 895 295
                                    

Nakatayo si Red sa isang malawak na kwarto kung saan kasama niya sina Blake at Nadine. Isang makapal na salamin lamang ang naghahati sa kwartong kanilang kinalalagyan. Saa tapat niya, mahimbing na natutulog ang dalawa niyang kaklase, napakunot ang kanyang noo dahil siya lamang ang walang tali sa kanyang katawan. Nakakulong si Nadine sa isang malaking glass box habang nakatali ang kanyang mga kamay at paa sa gilid nito. Nakatali naman gamit ang isang makapal na leather rope si Blake sa isang upuan. Nagdesisyon ang binata na iikot ang kanyang mga mata upang magmasid sa paligid, at magbaka sakaling makahanap din ng lagusan palabas ng kwarto. Wala siyang ibang makita kung hindi kulay puti, bahagyang napangiti ang binata nang makita niya ang isang pintuan sa pagitan ng kanilang kwarto, ngunit ito'y mayroong malaking padlock na kailangan mabuksan. Mariing napalunok si Red nang makita niya ang isang malaking kahon na nakabitin mula sa kisame, sa loob nito, naglalaman ang isang susi. Susi na maari nilang magamit upang makalabas ng kwarto. Maputla at nanghihina, iyan ang maglalarawan sa mukha ng binata sa kanyang mga nakikita. Dahan-dahang lumakad palapit sa makapal na salamin si Red, pagkatapos ay pinagtatapik niya ito ng malakas upang gisingin ang dalawa niyang kasama.


"N-Nadine, B-Blake! Magsigising kayo! T-Tulungan niyo ko rito!" Pagsusumigaw ng binata habang malakas na ipinapalo ang salamin. Hindi naman nagtagal nang nagising na rin si Nadine gawa ng malalakas na yabag ng salamin. Naalipungatan ang dalaga at halatang wala pa siya sa kanyang wisyo.


"Ha? A-Anong nangyayare?" Naguguluhang tanong ni Nadine habang pinipikit-pikit ang kanyang mga mata. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang kanyang sitwasyon.


"B-Blake! R-Red! Nasaan ako? Nasaan tayo?!" Biglang sigaw ng dalaga, hindi niya na nakayanan ang sarili at nagpanik na. Sinubukan magpumiglas ni Nadine sa mga tali sa kanyang katawan ngunit hindi sadyang mahigpit ang pagkakatali sa kanya rito, hindi siya makagalaw ng husto, hindi niya magawang maalis ang mga tali sa kanyang katawan.


"Blake! Gumising ka! B-Blake!" Sigaw ng dalaga. Hindi naman nagtagal ay nagising na rin si Blake. Tahimik lang ang binata habang pinagmamasdan ang kanyang mga kasama. Nagulat silang tatlo nang marinig nila ang isang pamilyar na boses sa kwarto, "Maligayang pagdating sa aking munting kwarto!" wika nito.


"Anong kailangan mo sa amin? Pakawalan mo na kami!" Sigaw ni Red habang paikot-ikot na naglalakad. Nang marinig ito ng speaker, nakarinig lamang sila ng nakalolokong tawa, na siya namang mas lalong ikinainis ni Red. Maikli lamang kasi ang pasensya ng binata sa mga gan'tong sitwasyon.


"Kailangan ko? Ang buhay niyo. Kailangan niyo nang mawala sa mundong ito. Kailangan niyong mamatay." Malamig na bulong ng tao sa microphone habang pinagmamasdan ang tatlo mula sa kanyang screen. Nang makita niyang nagpapanik na ang tatlo, bahagya siyang ngumiti at tila ba magalak siya sa kanyang mga nakikita.


"Hindi ko na 'to papatagalin pa, sa ngayon, nasa buhay ng inyong kaklase ang kapalaran niyo." Wika ng misteryosong babae.


"K-Kapalaran? S-Sinong kaklase?" Malamig na bulong ni Nadine sa sarili habang nakatitig sa puting tiles ng kwarto.


"Nasa kamay ni Red kung mabubuhay pa kayo sa mundong ito.." Pabulong na anunsyo ng misteryosong babae.


"T-Tigilan na natin 'tong kalokohang 'to. Ayoko na! Ayoko nang makipaglaro sa'yo. Tigilan mo na kami! Ano bang kailangan mo? Pera?! Ano? Sabihin mo lang, ibibigay ko sa'yo, pakawalan mo lang kami rito!"Nanggagalaiting sigaw ng binata, natawa naman ang babae sa kanyang mga narinig mula kay Red.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon