CP17:Enigmatic Acts

32.4K 1K 407
                                    

Kahit na pagod na pagod gawa ng mahaba at matagal nilang paglalakad, nagawa pa rin nila Venice at Julyanne na makarating sa pinakamalapit na convenience store. Kumurba ang isang ngiting puno ng pag-asa sa labi ni Venice. Napayakap siya kay Julyanne at bumulong sa taenga ng dalaga.

Louie:"Julyanne, nandito na tayo..." Masayang pero mahinang bulong niya sa kasama. Unti-unting ini-angat ni Julyanne ang kanyang ulo at tinignan ang kasama. Kahit na may mga natuyong dugo sa iba't-ibang parte ng mukha niya, kitang-kita pa rin sa mga mata ng dalaga ang galak at pag-asa.

Louie:"Makaliligtas din tayo, kumapit ka lang." Wika ng dalaga, pagkatapos, nagsimula ulit silang maglakad hanggang sa marating nila ang convenience store. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pumasok. Wala masyadong tao sa loob, tanging ang dalawang staff lamang sa counter at isang customer na kumakain sa gilid ng cupcakes.

Louie:"T-Tulungan niyo ho kami!" Pagma-makaawa ng dalaga. Dali-daling lumapit ang dalawang staff at tinulungnan siya. Agad kinuha ng isang staff ang kanilang first aid kit sa stock room, pagkatapos, inihiga nila si Julyanne at sinumlang bigyan ng paunang lunas ang kanyang mga sugat. Punong-puno ng dugo ang pareho nilang damit, kaya naman nakaagaw ito ng atensyon ng customer na kumakain sa gilid. Nakasuot ang lalaki ng isang grey and teal snapback cap, yellow printed shirt, black pants at sneakers. Napakunot ang noo ng lalake nang mabasa niya ang nakasulat sa lanyard ng dalawang dalaga. 

               :"S-St. Venille?" Nalilito niyang bulong sa sarili, pagkatapos ay unti-unti siyang lumapit sa dalawa.

               :"T-Taga St. Venille ba kayo?" Curious niyang tanong, pagkatapos ay nasundan ito ng mariin na paglunok ng binata. Napatingin sa kanya si Venice at tila nagtaka sa tanong ng lalake.

Louie:"Opo, mga studyante po kami sa St. Venille." Magalang niyang sagot.  Napakamot lang ang lalaki nang marinig niya ang sagot ni Venice. Lumapit siya kay Venice at inilagay ang kanyang kanang kamay sa kaliwang balikat ng dalaga.

               :"Hindi sa nangi-ngielam ha? Pero pwede ko bang malaman kung anong section kayo?" Interesadong pagkatanong ng binata. Agad namang sumagot si Venice sa tanong niya.

Louie:"We're from the sixth class mister." Mahinahon niyang sagot sa binata. Nanlaki ang mga mata ng lalake at unti-unting napaatras ng tatlong beses.

               :"T-The cursed class.." Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa sahig, para bang may naalala siya nang marinig niya ang sagot ni Venice. Nabasa ni Venice ang labi ng lalake kaya naman agad siyang nagtaka sa reaksoyon ng binata.

Louie:"T-The cursed class?" Pagba-balik na tanong niya sa lalake. Bigla na lamang inialok ng binata ang kanyang kamay sa harapan ni Venice na tila ba nagpapakilala ito.

Cj:"My name is Cj, Cj Moreno. A former student of St. Venille's 4-6 class." Pagpa-pakilala niya sa sarili, agad namang tinanggap ito ni Venice at nakipagshake hands sa binata. Agad niyaya ni Cj si Venice na umupo muna sa gilid para ikwento sa dalaga ang kanyang mga karanasan noong studyante pa lamang siya sa St. Venille. Inalok niya rin ito ng mga cupcakes na binili niya sa convenience store.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Where stories live. Discover now