CP13:A Big Mistake

35.3K 1.1K 285
                                    

Sabay-sabay silang bumalik sa villa pero sa ngayon, kasama na nila si Blake. Nakaakbay ito kay Kramer at  inaalalayan ang binata. Bakas sa mukha ni Blake ang mga pasa na tinamo niya sa mabibigat na suntok ni Tristan. Umiiyak naman si Louie na nakayakap kay Karmina habang naglalakad. Malayo pa lamang ay nakita na agad sila ng tatlong guro. Hinihintay sila ng mga natitirang studyante ng 4-6 sa tapat ng villa.

Sakura:"Venice!" Malakas na tawag ng guro sa dalaga. Napatingin naman ang mga studyante sa direksyon kung saan tinawag ng guro ang pangalan ng kanilang kaklase. Nang makita nila Louie si Ms. Castaneto ay dali-dali silang tumakbo para salubungin ang mga kamag-aral at guro.  

Louie:"S-Si Kira.." Pamungad na sinabi ng dalaga. Nakayuko lang naman si Karmina at hindi alam kung paano niya sisimulang ikwento ang mga nangyare. Nauna namang pumasok sa villa sina Tristan at Kyla, samantalang dinala naman ni Kramer si Blake sa clinic para bigyan ng paunang lunas ang mga pasa nito.

Ms. Hazel:"K-Kira?" Tanong niya kay Louie, pagkatapos ay nilapitan ang dalaga. 

Karmina:"S-Si Kira.." Pag-uulit ng dalaga sa sinabi ni Venice. Pagkatapos ay nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ng dalaga. Napakunot ang noo ni Sakura at hinawakan sa dalawang balikat ang dalaga at niyugyog-yugyog.

Sakura:"Sabihin mo sa akin kung anong nangyare! Anong nangayare kay Kira!" Natatarantang pagkasabi ng guro. Yumuko si Auel at nagpasya na siya na mismo ang magsabi kung anong nangyare sa kaklase.

Auel:"Kira's dead. She's dead." Malamig niyang pagkasabi. Napatakip ng bibig si Sakura at halatang gulat na gulat sa kanyang narinig. Hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang buhok at tila sinasabunutan ang sarili. Kahit na natatakot, hindi nagpakita ng kahinaan si Ms. Hazel at isa-isang pinapasok ang mga studyante sa kani-kanilang mga kwarto sa villa.

Ms. Hazel:"Pumasok na kayo sa mga rooms niyo, huwag kayong lalabas hangga't hindi namin sinasabi!" Nanginginig niyang pagkasabi, pagkatapos ay isa-isa niyang inihatid sa kani-kanilang mga kwarto ang mga studyante. Pagkatapos niyang mahatid ang mga ito, agad siyang dumiretso sa lobby para tawagan si Zero at ibalita ang nangyare.  

Sakura:"Sino tinatawagan mo?" Curious na tanong ng dalaga. Hinawi ni Ms. Hazel ang kanyang buhok at nagbuntong-hininga.

Ms. Hazel:"K-Kailangan nating ito ireport sa mga pulis." Nanginginig niyang pagkasabi. Napataas ang kilay ni Sakura nang marinig niya ang sinabi ng kanyang kapwa guro. Dali-dali niyang nilapitan si Hazel at sinubukang agawin ang telepono.

Ms. Hazel:"Ano bang ginagawa mo?!" Sigaw niya kay Sakura. 

Sakura:"Huwag mong gagawin yan!" Naiinis na sigaw ng guro. Pagkatapos ay hindi niyang sinasadyang naitulak si Hazel, dahilan para mapaupo ito sa sahig. Sakto namang kakapasok lang ng dalagang si Mayumi at nakita niya ang lahat nang nangyare.

Mayumi:"Ms. Hazel!" Sigaw ng dalaga, pagkatapos ay nilapitan niya ang guro at tinulungan itong makatayo.

Sakura:"H-Hindi ko sinasadya Hazel..." Paghihingi ng patawag ng dalaga, pagkatapos ay nilapitan niya ito at inialok ang kanyang kamay. Hindi ito pinansin ni Hazel at mas piniling tulungan siya ng kanyang studyante.

Class Picture 2 : Moriendo Renascor (Published under Cloak Pop Ficion)Where stories live. Discover now