Kulam

177 4 1
                                    

Hindi ako naniniwala sa mga kulam o black magic pero Noong nangyari sakin iyon ay naniwala ako.

May dalawa akong Kaibigan na lalaki at Isa sa kanila ang nagugustuhan ko. Si kiko ay matapang at makulit at si Tata Naman ay Mabait at Masunurin sa magulang Dahil nag-iisang anak Lang siya. May lihim akong pagtingin Kay Tata at nahihiya ako na sabihin iyon sa kanya.

Isang araw ay nagtapat sakin si Kiko na may gusto siya sakin, Nagulat ako non at Hindi alam Ang sasabihin sa kanya pero lakas loob Kung sinabi sa kanya na gusto ko si Tata at Hindi siya.. Dahil Kaibigan Lang talaga Ang tingin ko sa kanya.

Mula nong sinabi ko yun ay Hindi na nagparamdam sakin si Kiko, Si Tata Naman ay busy sa trabaho Kaya minsan nalang kaming magkita.

Isang Gabi habang natutulog ako ay biglang sumakit Ang tyan ko, Pumunta akong cr Dahil nasusuka ako, Nakapatay Ang ilaw ng Cr Kaya di ko makita Kung ano Ang sinuka ko, basta Yung amoy ay mabaho parang amoy patay na Daga.

Nang inilawan ko na ay halos mahimatay ako sa sobrang takot, Sumigaw ako at umiyak at Dahil don ay Nagising sila mama at papa. Nakita nila ako sa Cr na umiiyak at namimilipit sa sakit ng tyan.

Gulat na gulat Ang magulang ko na makita nila ako na sumusuka ng uod at maliliit na insekto na may itim na likido.

Agad agad nila akong pinunta sa Hospital pero Hindi alam ng doctor Ang kondisyon ko Kaya umuwi kami ng bahay at nagulat si Papa Dahil nagdala si Mama ng Albolaryo sa bahay, Sinabi ni Mama na nakulam daw ako. Naniniwala Kasi si Mama sa mga ganon dahil probinsyana siya pero si Papa ay Hindi Dahil laking Manila si Papa.

Nagpaubaya nalang si Papa at ginawa na nga ng Albolaryo Ang ritual niya para mawalang bisa Ang kulam.

May mga kandila at Anting-anting at mga abobot na dala Ang Albolaryo. Sinimulan ako nitong dasalan at Kung ano anong pahid at pagaspas Ang ginawa sakin, Sumisigaw rin ito upang matakot ang Nang kulam sakin at Lumipat ang sakit sa nangkulam sakin.

Yung huling ginawa ay May kandilang pula at pinatak sa Tubig, Nakita doon Ang pigura ng isang lalaki At galit na galit daw ito sakin. Si Kiko Ang unang sumagi sa isip ko, Nagawa ito sakin ni Kiko Dahil binasted ko siya.

Sinabi ko sa magulang ko Kung Sino Ang nangkulam sakin, galit na galit sila at pinuntahan si Kiko sa bahay nito at kasama Ang mga tanod at si kap. pero Wala na doon si kiko, Hinanap nila si Kiko sa buong baryo pero Hindi talaga nila ito mahagilap.

Limang taon na rin ang lumipas ng pinuntahan ako ni Tata sa bahay at sinabing patay na si Kiko, Sinabi Niya na nagtago ito sa Manila at Nasangkot sa krimen at nabaril ng mga pulis. Hindi ko alam Kung matutuwa ba ako o maaawa matapos Ang nanyari sakin dahil Kay kiko. Nakakapanghinayang Lang dahil tatlo kaming magkababata pero nauwi sa malungkot na Sitwasyon dahil lang pag-ibig na di nasunod.













A/N: Salamat Po sa mga nag me-message sakin ng mga story nila sakin🥰💞Sorry po Kung Hindi ko agad ma-ipupublish agad dahil busy po talaga.

Scary Stories 5Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz