New Teacher

482 36 0
                                    

Hi mga silent readers, I'm Christina,20 yrs old,SKl po ang horror  story ko sa inyo guys!,Sana Maraming makabasa nito sorry kung medyo mahaba.Thanks kay author Sana mapili mo to:)




Grade 6 ako ng manyari sakin ito,binubully ako noon dahil weirdo daw ako.Dalawa lang ang naging friends ko nun,Sina Cole at Anne lang mabait sila sakin tanggap nila ako kahit nakakakita ako ng mga kung ano anong nilalang.Minsan natatakot sila dahil kapag tumatahimik ako at laging nakatingin sa baba ibig sabihin nun ay mayroong multo sa paligid namin.Kapag ganon ay lumalayo kami sa lugar na yun at kung minsan yung iba ay nasunod samin pero di ko sila pinapansin dahil kapag pinansin ko sila gagambalain nila ako.

Wholeday ang pasok namin dahil taga probinsya ako nun.Papasok na ako ng school nun nang makasalubong ko ang teacher ko.Umangat ang tingin ko sa kanya upang magbati sa kanya kaso bigla akong namutla dahil pugot ang ulo ni mam.mabilis akong tumingin sa baba at mabilis rin na pumasok sa loob ng Classroom tinawag niya pa ako nun pero di na ko lumingon dahil natatakot ako.Sabi sakin ng lola ko kapag daw walang ulo ang makikita ko sa isang tao ibig daw sabihin ay mamamatay siya.Pero pinagdasal ko na sana wlang manyari kay mam na masama kahit masungit sya samin.Nang pumasok si Mam sa loob ay nakahinga ako ng maluwag dahil meron na ulit syang ulo.Malumanay na bumati samin si mam,nakapagtataka lang dahil pasigaw kong bumati samin si mam dati.Biglang Umiyak si Mam samin at nagsabi na kong ano ano samin.Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya nun ay di na namin sya magiging teacher dahil mawawala na sya.Pagkasabi nun ni mam ay biglang nag iyakan ang mga kaklase ko ako lang ata ang di naiyak pero nalulungkot ako para kay mam nun,Nagpaalam na samin si mam nun,Sinabi niya na rin samin na may New Teacher kami na papalit sa kanya.Tama pla ang hinala ni lola sakin kapag pla pugot ang ulo ang nakikita ko ay ibig sabihin nun ay malapit ng mamatay ang taong yun,Umalis na si mam nang pumasok na ang papalit sa kanya,Nang pumasok ang new teacher na yon ay bigla nlang akong tinayuan ng balahibo di ko alam kong bakit pero natatakot ako sa New Teacher namin,Ngumiti sya samin at tumayo na ako para mag sabi ng Good morning sa kanya pero nagtaka ako kasi di tumatayo ang mga kaklase ko para batiin ang new teacher namin,Biglang nagsalita ang kaibigan kong si Cole sinabi niya sakin kung bakit daw ako tumayo,Ang sabi ko naman ay nasa harap na namin ang new teacher namin,Nagtaka siya sa sinabi ko at kinagulat ko namn ang sinabi niya,Sabi niya wala namang daw guro sa harap,Tumingin ako ulit sa teacher na nasa harap at nagulat ako sa nakita ko nakangiti ito sakin habang nanlilisik na naka tingin sakin,nanginginig na umupo ako ulit at yumuko ako sa desk ko para di ko sya makita,kinalabit naman ako ni cole habang sinasabi kong okay lang daw ako,sinabi ko naman na okay lang ako kahit hindi,Nasindak ako ng may bumulong sa kabilang tenga ko,Alam kong sya yun dahil sa kakaibang boses at sa presinsya nya sa gilid ko,Ang binulong niya sakin ay kung nakikita ko ba sya,di ko sya pinansin,Nakayuko parin ako at pilit na pinipigilang wag umiyak,Nakiramdam ako sa paligid at di ko na raramdaman ang presinsya niya sa gilid ko,dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tiningnan ang buong classroom namin,Wala na sya at dahil dun ay nakahinga ako ng maluwag.

Dumating na rin ang totoong New teacher namin,Maayos siyang nagturo samin at sobrang bait niya samin,Sinusulat namin ngayon ang mga sinulat ni Teacher sa Board, tumigil muna ako sa pagsusulat at Tumayo ako at nagpaalam kay teacher na pumunta ng cr,Nang pumasok ako sa Cr ay walang ka tao tao,Natakot ako nun dahil wala akong kasama,nakalimutan kong magpasama kanila Cole at Anne,Pero dahil naiihi na talaga ako ay pumasok na ako sa loob,Naramdaman kong may pumasok sa loob ng cr at nakikita ko ang anino niya sa baba ng pintuan.

Narinig kung binuksan niya ang katapat lang na cubicle sakin,Medyo nakaramdam ako ng lamig at nagtatayuan ang mga balahibo ko,Nagulat ako nang kumanta ito at parang hele ang Pagkanta nito,Inayos ko na ang sarili ko at nagmamadaling lumabas pero biglang sumirado ang pintuan ng Cr,Pinilit ko itong buksan kaso ayaw,Kumakanta padin yung multo na yun,Umiiyak na ako at sumisigaw ng tulong nanginginig na ang buo kung katawan sa takot,First time lang itong nanyari sakin,Napatigil ako sa pag iyak ng nagsalita yung multo,Sabi niya Bakit daw ako naiyak?,Di ko sya pinansin patuloy parin ako sa pagbukas ng pinto,Narinig kong bumukas ang pinto ng cubicle kung nasan yung multo,nakatalikod ako kaya di ko sya nakikita,Nataranta ako kaya tumakbo ako dun sa cabinet kung nasan nakalagay ang mga panlinis ng Cr sumuksok ako sa gilid nun at yumuko,Nagdasal ako habang nakayuko,Nararamdam ko pa din ang presensiya niya,Feeling ko nasa tapat ko na sya at nakatingin sakin,Paulit ulit akong nagdasal,Kaso bigla na naman akong napahinto ng maramdaman kung hinahaplos niya ang buhok ko,Unti Unting akong pumipikit at Sa pagpikit ko ay Biglang may mga nag Flash na parang vedio sa harap ko  kumbaga parang nanonood ako ng sinaunang pelikula,

May nakita akong teacher na masayang nagtuturo sa mga bata,Grabe sya kung ngumiti sa mga ito,Biglang nag fastforward,nakikita ko medyo madilim may isang lalaking  studyante at Yung teacher kanina, Pinapagalitan nung teacher yung studyante Nakayuko lang yung studyante sa kanya bigla nlang akong nagulat ng sampalin niya nang malakas dahilan para bumagsak ito sa sahig,Naawa ako sa studyante Unang nakita ko sa kanya kanina ay mabait sya pero ang totoo ay masama sya.

Lumabas na sa classroom yung teacher bitbit ang mga gamit niya,Nakayuko padin yung studyante sa sahig habang hawak ang namamaga niyang pisngi,Nagulat ako ng tumayo ito at mabilis na tumakbo kung saan din dumaan yung teacher,Sinundan ko ito At naabutan ko sya sa hagdanan,Nagulat ako sa nasaksihan ko Nakabulagta na sa lapag ang teacher at puno na nang dugo ang ulo nito walang emotion na nakatingin sa kanya ang studyante,Natakot ako sa nasaksihan ko Sa mismong tapat pa  nang cr at malapit sa Classroom namin namatay ang Teacher nayun.

Bigla nlang akong nagising na may tumawag sakin.Nakita ko sila Cole at Anne,tumingin ako sa paligid wala na yung multong teacher nakahinga ako ng maluwag dahil dun,Ngumiti ako sa kanila at niyakap silang dalawa,Narinig ko pa sinesermunan ako ni Cole,Sabi niya Bat daw ako dito natulog at bakit raw ako nakasiksik sa cabinet?,sinabi ko na mamaya ko nlang ikwekwento pag-uwian na,Buti di kami napagalitan ng new teacher namin,Nag sorry nlang ako at nag iba ng rason kung bakit matagal kaming nakabalik,Buti sumunod tong dalawa sakin kung hindi baka di na ko nagising pa.

Nang uwian na nasabi ko na lahat sa kanilang dalawa ang nanyari sakin, Alalang-Alala sila sakin nang malaman nila yun Napaiyak pa si Cole sa nanyari sakin,May sinabi rin si Anne na may naalala syang News na may namatay na teacher sa mismong school namin yung pumatay sa teacher ay yung mismong anak niyang lalaki na nag-aaral din dun,Nagulat ako sa nalaman ko pati din si Cole Dagdag pang sabi ni Anne na Mabait daw yung teacher na yun sa ibang mga bata maliban lang sa Anak niyang lalaki matindi daw kasi ang galit sa anak niya,dahil yun daw ang nagpapa-alala sa kanya na ginahasa sya nung ama ng anak niya.Matindi daw talaga ang galit nito sa anak niya di niya ito matanggap kaya lagi niyang binubugbug yung anak niya dun niya binabaling ang sama ng loob niya sa mismong anak niya.Nalaman din namin na kasalukuyang nakakulong yung lalaking anak nung teacher.











A/N:Ang ganda ng story ni Ate Christina,Salamat po sa Pagbasa sa story niya.Vomment naman jan🙂

Scary Stories 5Where stories live. Discover now