Engkanto

385 20 0
                                    

Hindi ako naniniwala sa mga multo o mga Engkanto pero biglang nag-iba ang pananaw ko ng mangyari iyon sakin habang nasa gubat kami.

Vacation iyon at wala kaming ginawa kundi mamasyal sa mga lugar sa probinsya. Nung isang araw nagluto ng buto ng kasoy si lolo Armin, namitas kasi siya ng kasoy dun sa Gubat, Binigyan kami ni lolo ng kasoy at subrang sarap nun para lang siyang mani pero mas gusto ko talaga ang buto ng kasoy, Lahat kami nabitin sa binigay ni lolo samin. kaya nag-pasya kaming pumunta sa gubat para kumuha ng maraming kasoy at syempre panggatong narin dahil di kami gumagamit ng gasol sa lugar namin nun., Lima kaming pumunta sa gubat nun, Ako at ang dalawa kung kaibigan na sina Bryan at Gerald, kabal silang dalawa. yung dalawa naman mga babae pinsan ko,Sina Rachel at Mich. Pinagbawalan ko na ang mga pinsan ko na sumama samin kaso mapilit yung dalawa kaya pumayag na ko, palibhasa nagpapansin sa mga kaibigan kung sina Bryan at Gerald. may gusto kasi si Rachel kay Gerald,Si Mich naman kay Bryan. Dahil mga pinsan ko yung dalawa tudo bantay ako sa kanila.

Nang makarating kami sa mga puno ng kasoy ay kumuha na kami agad ng bunga, Tatlo kaming umakyat sa puno ng kasoy, sila Rachel at Mich naman namumulot ng mga nalalaglag na mga kasoy. Nang mapuno na namin yung lagyanan ay bumaba na kami sa puno, Naka upo kami sa kahoy na naka tumba at dito na namin niluto yung mga buto ng kasoy Habang niluluto nila Rachel at Mich yung mga kasoy ay naghanap na kami ng mga panggatong, hiwalay kami sa paghahanap tudo lakad lang ako nun basta kung saan may kahoy dun ako, Namumulot lang ako ng kahoy nun ng biglang may narinig akong naglalakad, Maliwanag pa naman kaya di ako natatakot kung ano man yun nasa isip ko nun baka hayop lang o Sila Bryan at Gerald na pinagtritripan ako. Maglalakad na sana ako pabalik ng makita ko yung palagid ko, Halos magkakapareho ng mga puno at halaman yung nakikita ko di ko alam kung saan ako dumaan kanina basta alam ko may malaking bato dun sa may tapat ng puno kaso wala ron yung bato humarap ako at napamura ako ng makita ko sa likod ko yung bato at yung puno, Alam ko walang bato dun at walang puno tanging makakapal na halaman lang yun nandon kanina. Biglang nabitawan ko yung mga kahoy na dala ko di ko alam kung saan pupunta. Mabilis na tumakbo ako sa may gilid kung saan parang pamilyar yung daan sinigaw ko yung mga pangalan ng mga kasama ko kaso walang sumasagot tanging tunog lang nang gubat ang tanging naririnig ko, Subrang tahimik ng paligid.

Napaupo ako sa pagod dahil sa kakatakbo, Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni lolo kanina nung nagluluto siya ng buto ng kasoy, Sabi niya mag ingat daw kami dahil baka isa samin ang paglaruan ng Engkanto, Tumawa pa ko nun dahil di ako naniniwala sa sinabi niya. May isa pa siyang sinabi na kapag naligaw ka raw sa gubat wag ka daw magpapadala sa nakikita ng mga mata, Kapag naligaw ka, wag mo raw piliin ang maliwanag at mukang pamilyar na lugar sa iyong isipan dahil baka di ka na makabalik pa dahil inilalayo ka na nito sa lugar kung saan ka talaga nagmula, May sinabi pa siyang nun at yun ay wag mag panick, kapag nanyari raw iyon ay baliktarin lang ang damit at mag alay ng dasal. Kaso iniwan ko yung damit ko kanila Rachel at Mich dahil ayaw ko marumihan yung bagong T-shirt na yun.

Tumingin ako sa langit, Maliwanag parin naman, Napapikit ako at naalala ko na may sinabi rin si Mich na solution kapag na Engkanto, Sabi niya kagatin lang ang dila at Mag alay rin ng dasal ng tahimik. Umupo ako ng maayos at kinagat ko ang dila ko habang nagdadasal sa aking isipan. Habang ginagawa ko yun ay nakarinig ako ng ingay sa palagi at parang tinitingnan ako nang nilalang na iyon at parang iniikutan ako sa pwesto ko pero patuloy parin ako na nag dasal sa isipan ko, Nakapikit ako kaya di ko nakikita ang nilalang sa harap ko pero nararamdaman kung malapit lang siya saking tabi.

Nang matapos ako sa pagdarasal ay minulat ko na ang mga mata ko at ganun na lamang ang gulat ko ng makita ang paligid ko, madilim na at tanging buwan nalang ang nagsisilbing ilaw upang makita ang lugar kung saan ako ngayon, Nasa gubat parin ako kung saan may malaking bato at puno.

Mabilis akong kumaripas ng takbo kung saan ako dumaan nung kukuha ako ng kahoy, kahit madilim ay nagawa ko paring makaalis ng gubat, Nasa may kalsada na ako at nakita ko yung bahay nila Mang Jose na may ilaw sa labas ng pintuan nila, malapit kasi yung bahay nila sa gubat,Umiiyak ako habang tumatakbo nun pauwi samin. naka baba na ako ng kalsada at nakita ko na yung bahay namin, Patay yung mga ilaw sa loob pero sa labas hindi, Malakas na kumatok ako sa bahay namin at narinig ko na may nagbubukas, Nakita ko si Mama ang nagbukas ng pinto at kita ko sa mga mata niya ang gulat at parang naiiyak ito. Mabilis na yumakap ako kay Mama nun Agad niya naman na niyakap ako pabalik.

Malakas na umiyak si mama at sinabi niya nun kung saan ako pumunta at bakit bigla raw ako nawala ng 2 linggo. Halos manlaki ang mata ko sa nalaman ko kay mama bakit 2 linggo e parang mga ilang Segundo lang naman ako nawala. Nagising lahat ng kamag anak namin at Si lolo Gulat silang lahat na makita ako, Si Rachel at Mich Subrang gulat na gulat rin sila na makita ako agad nila akong niyakap na dalawa, Sabi pa nila na nawala nalang daw ako ng parang bula, Silang Apat hinanap nila ako nag patulong narin sila sa mga kapitbahay kaso di nila ako nahanap, Subrang gulong gulo ako ng mga oras na yun tanging nagawa ko nalang ay umiyak.

Sabi ni lolo samin na Hindi lang ako ang na biktima ng Engkanto ng gubat maraming mga binata at dalaga ang nawawala sa gubat mga ilan nalang daw ang nakakabalik. Kaya sinabi sakin yun ni lolo dahil Pati raw ang anak niya noon ay nawala sa gubat na yun at di na nakabalik pa.












A/N:SALAMAT PO SA MGA NAG SHARE NG STORY NILA SAKIN☺💕Sorry po kung di ko pa na pu-publish yung ibang mga story, Pa wait nalang po😊maraming salamat rin po sa mga readers,love y'all guys😘💕

Scary Stories 5Where stories live. Discover now