Cd

941 28 2
                                    

My name is crishia,24 yrs old na ngayon.Skl ang nakakatakot na naranasan ko nung 15 yrs.Sana marami ang makabasa nitong story thx:).



Mahilig akong bumuli ng mga Cd sa bangketa,mura lang kasi ang binta nila mga Cd.Mahilig akong manood ng mga nakakatakot kaya nakakatakot na Cd ang madalas kong bilhin.Nung isang araw bumili ako sa lagi kong binibilhan ng Cd.Tinanong ko si manong kung may mga bago sya at tinuro naman niya sakin kung nasaan.Bumili ako ng apat mga bali 40 ang mga yun.Akala ko saktong 40 lang ang dala ko.pagdukot ko sa bulsa ko may isang daan pa pla ako kaya tuwang tuwa ako inubus ko ang isang daan sa mga cd.Ngumiti sakin si manong at sinabi niya na bibigyan niya pa ako ng isang cd,Libre nlang daw yung isa kaya nagpasalamat ako kay manong.Di ko na pina-try kay manong yung mga cd kasi alam ko namn na gumagana ang mga ito kasi palagi naman akong bumibili sa kanya.








Pagkauwi ko ng bahay ay deretsyo na ako sa aking kwarto,kinuha ko yung binigay ni Manong na libreng Cd parang ang ganda kasi nitong panuorin.Sinalpak ko na ito sa dvd player at nag lo-loading plang.lumabas muna ako sa kwarto at nagmamadaling kumuha nang junkfood sa kusina namin.Nakita ko si Anne na pinsan ko na pumasok sa bahay namin ngumiti ako sa kanya at niyaya ko syang manood sa kwarto.Pumayag naman sya kahit medyo matatakotin sya.Pagbalik ko sa kwarto ay nag u umpisa plang ang palabas pinapakita plang ang mga pangalan.Humiga kami sa papag at nanood kami habang kumakain ng chips.Simula plang ng palabas ay nakakatakot nah,tudo tili si anne at ako naman ay natatawa dahil tinatakpan niya ang tinga niya pero yung mata niya nakatutok parin sa tv.





Madilim sa kwarto ko kaya damang dama ko ang pinapanood ko di kasi ako sanay kapag may ilaw.Parang di feel ang pinapanood ko kapag ganon.Nag uumpisa na akong tayuan ng balahibo ng nasa kalagitnaan na kami ng palabas.Nagpaalam bigla si Anne sakin gusto muna daw niyang mag cr saglit,tumango naman ako habang nakatutok ang mga mata ko sa pinapanood ko.Mga ilang minuto ay di pa bumabalik si Anne,Inisip ko nlang na natakot siguro yun kaya di na bumalik.Pero akala ko lang pla yun dahil bumalik din naman sya.Di ako tumingin kay Anne dahil malapit nang matapos ang pinapanood ko.Nang matapos na ito ay nagtaka ako dahil subrang tahimik ni anne at di man lang sya tumili simula kanina nung bumalik sya.







Inayos ko nlang ang mga cd ko at pinatay ko na ang dvd player,Nang bubuksan ko na sana ang ilaw ay bigla nlang tumawa si anne na parang baliw.Nasindak ako nang bigla sya tumayo ay nagulat ako dahil parang nagiiba ang itsura ng pinsan ko parang sya yung napanood ko dun sa cd kani kanina lang.Lumapit ito sakin at akmang hahawakan ako nang bigla ko nlang sinindi ang ilaw ng kwarto.At nakahinga ako ng maluwag ng mawala na ito.Ngunit biglang namatay ang ilaw at pilit ko mang buksan ulit ay ayaw talagang sumindi,Naririnig ko ang mala demonyo nyang tawa habang pilit kong sinisindi ang ilaw,Wala na akong iba naisip kundi ang lumabas ng kwarto ko ngunit may biglang humatak sa buhok ko at bigla akong lumutang at tumalsik sa pader ng kwarto ko.Feeling ko nun ay mamamatay na ko at wala na kong pag asa na makalayo sa demonyo na ito.hindi sya ang pinsan ko dahil bigla kong narinig ang katok ng pinsan ko mula sa pinto at sinisigaw ang pangalan ko.Nag dasal ako kahit na maraming mga ingay ang naririnig ko sa paligid Pilit parin akong nagdasal ng matapos ang pagdarasal ko ay naglaho na ang demonyo at lumiwanag na ang kwarto ko dahil binuksan ng pinsan ko ang ilaw.







Tumingin ako sa paligid at nagtaka ako dahil malinis ang kwarto ko at naka on parin ang dvd player at tumingin ako sa pinsan ko at tinanong sya kung ano ang nanyari.Ang sabi niya sakin ay nakatulog daw ako at nang bumalik daw sya ay bigla nalang daw akong nagsisisigaw at pabaling baling ang ulo at sinasabunutan ko daw ang sarili ko.Pilit nya daw akong ginigising kaso ayaw ko daw magising kaya binuksan niya ang ilaw at dun lang daw ako nagising.



Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Anne, Ibig sabihin ay binangungut lang pla ako,pero laking  pasasalamat ko sa kay anne dahil kong wala sya ay baka di na ako nagising pa.




Dumating sila mama at tita sa bahay mga hapon na at sinabihan ko na ang aking pinsan na wag nang sabihin ang nanyari sakin kanina.





Hanggang ngayon ay kami lang ng pinsan ko ang may alam ng nanyari sakin noon at ngayon ay alam niyo na rin.





















A/N:Sorry kung subrang tagal kong mag update guys!😅nasira kasi cp ko eh pero ngayon ayos nah.Salamat sa patuloy na pag support ng Scary stories 5❣

Scary Stories 5Where stories live. Discover now