Tikbalang

155 4 0
                                    

Gabi noon at kasama ko Ang pinsan ko pauwi samin,Pasuray-suray kaming naglalakad ni kevin yung pinsan ko, Nakipag-inuman kasi kami sa kakilala namin kaya ganoon kami, Magka-akbay kami ni Kevin para alalayan ang isat isa sa paglalakad.

Biglang sumuka si Kevin kaya lumayo ako at tinawanan siya at inasar ko,Pumunta si Kevin sa gilid at humawak sa puno at doon sa gilid sumuka ng sumuka, Tumigil ako sa pang-aasar Kay pinsan ng maramdaman Kong naiihi ako, Pumunta ako sa kabilang gilid at doon umihi, Biglang may narinig akong Ugol ng Kabayo at hinanap ko kung saan iyon nanggagaling pero Wala naman.

Nang matapos kung umihi ay lumingon agad ako sa kabila upang alalayan si kevin pero ganun nalang ang gulat ko ng Wala na ito roon,Sinigaw ko yung pangalan ni Pinsan at hinanap siya sa loob ng gubat.

Nagulat ako ng makita si Pinsan na nagtatago sa malaking bato at nung makita ako ni Pinsan ay Sinenyasan Niya akong pumunta sa pinagtataguan niya,Sinunod ko naman siya at sinabi ko bakit siya nagtatago roon at ang Sabi niya naman ay may kabayo daw sa Taas ng malaking puno at umu-ugol daw, Ang Sabi ko Naman ay puntahan namin at kunin kung walang may-ari.

Nag-mura si Pinsan sa sinabi ko at Sinabi Niya pa na Hindi daw iyon basta ordinaryong kabayo, Sa inis ni Pinsan ay sinabi Niya na silipin ko nalang daw para makita ko Kung ano Yun.

Sumilip nga ako at halos atakihin ako sa puso sa nakita ko Doon sa puno, May umiikot na kabayo sa isang malaking puno at Hindi nga ito ordinaryong kabayo dahil Isa iyong Tikbalang na Sobrang laki.

Dahil sa Nakita ko ay hinampas ko si Pinsan sa braso niya at sinabihan na tumakbo na kami dahil baka makita pa kami ng nilalang na iyon at Kung ano pa mangyari samin.

Mabilis kaming kumaripas nang takbo ni pinsan paalis sa lugar na iyon, hakbang tumatakbo kami ay parang nayanig Yung lupa Kaya napahinto kami ni Pinsan sa pagtakbo, Nilingon ko si pinsan sa likod ko at ganon nalang ang  gulat ko sa nakita namin ni Pinsan. Yung kasing Tikbalang tumatakbo palapit samin Kaya dali daling hinila ko na si pinsan patawid ng tulay,Pauwi sa bahay namin.

Nang makatawid na kami sa kabila ay biglang naging kalma na ang lupa at Wala na kaming naririnig na malalalim na bugtong hininga at malalakas na kaluskos ng pagpadyak ng paa.

Nilingon namin ulit ni Pinsan Ang dulo ng tulay at Wala na nga Doon ang Tikbalang Kaya nakahinga kami ng maluwag at maayos na nakauwi ng bahay.

Kinabukasan ay biglang nagtaka ako Kay Pinsan dahil Nung sinabi ko Ang nanyari kagabi tungkol sa Tikbalang ay tinawanan Niya ako at sinabi niya pa na Kung ano-ano daw ang pinagsasabi ko at baka daw may Tama pa akong ng alak, sinabi ko na seryoso ako sa mga kwenento ko sa kanya pero Ang sagot Niya Lang ay Wala naman daw nangyaring ganon at walang Tikbalang kaming nakita Sabi niya pa, nung kagabi daw ay nakatulog ako habang naglalakad kami Kaya nag hanap daw siya ng masasakyan na traysikel iniwan niya Lang daw ako saglit sa gilid ng malaking puno at nang may nakita na siyang traysikel ay pinuntahan niya ako at ginigising kaso Hindi na ko magising Kaya binuhat nalang nila ako ng driver ng traysikel patungo sa loob at umuwi na.

Sa mga sinabi ni Pinsan ay Wala talaga akong maintidihan dahil parang kasing totoo na may humahabol saming Tikbalang kagabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scary Stories 5Where stories live. Discover now