bukal

1.5K 38 0
                                    

Hi my name is Carlos(not my real name) I'm 20 yrs old, Skl yung karanasan ko nung bata pa ko at sa Probinsya pa ko nakatira.











Palagi Ako ang inuutusan ni mama kumuha ng tubig sa bukal,Medyo malayo yun samin at malapit yun sa gubat. 6:00 am ang pasok ko at kailangan ko na talagang maligo,wala kaming tubig at kailangan Kong pumunta sa bukal para dun maligo.Nagdala ako ng flashlight para makita ko yung dinadaanan ko.Di ako takot pumunta dun mag isa dahil wla pa naman ako nakikitang mga multo o elemento sa bukal na malapit sa gubat.



Habang naglalakad ako parang may sumusunod sakin sa likod pero nung lumingon ako wala namang tao.Sa totoo lang mas natatakot pa ko sa tao kaysa sa multo,Kasi kapag multo tatakutin kalang nyan eh kapag tao papatayin ka nun,Nang wala namang tao sa likod ko nagmadali na Kong maglakad papuntang bukal,Pero parang nararaanan ko ulit yung nadaanan ko,meron yatang nakikipaglaro saking nilalang o kung ano, kaya Tumakbo na ko at laking pasasalamat Kong nasa gate na ko, kung saan malapit yung bukal,Nagsasabi ako ng tabi-tabi po para may paggalang ako kung ano man ang nakatira dito sa bukal na toh.Meron kasi ditong malaking puno sa may tabi kaya minsan ayaw Kong tumingin dun dahil baka may nakabigti o may kapre na nakatira o kung ano pa.Habang nagsasabon ako ng katawan ko parang may nakikita akong babae na naka belo ng itim dun sa may kalsada makikita mo kasi dito yung kalsada dahil may taas at baba yung bukal,bali nasa taas ako naliligo.Naglalakad yung babaeng itim papunta dun sa may kakahuyan.Nung nawala na sya ay di ko na pinansin baka ako pa pansinin nun eh at lalo pa Kong takutin,Mabilis akong Naligo at nung paalis na ko may biglang may tumawag ng pangalan ko sa likod ko,Syempre di ko pinansin patuloy lang ako sa pagbaba para makaalis na agad,Narinig kong tinawag niya ulit ako at kinabahan talaga ako dahil galit ang pagtawag nya sakin.kumaripas na ko nang takbo pa baba at halos matisod ako sa pag takbo.



Pag uwi ko ng bahay parang gumabi ulit at madilim di pa.dapat medyo may sikat na ng araw pero wala.Kumatok ako sa pinto dahil nakasara iyon,pero wla namang nagbubukas,Tinawag ko si mama para buksan yung'pinto pero wla parin nagbubukas, Umupo ako sa kahoy na upuan namin sa labas nilagay ko muna dun yung mga ginamit ko sa pagligo,nilapag ko yung flashlight sa mesa.Nagulat ako nung gumalaw yung flashlight at akala ko mahuhulog.Nagulat ako nung tiningnan ko kung saan tumatama yung ilaw ng flashlight dun sa babaeng na ka belo at nakayuko ito,Napamura Ako sa takot at kaba.Sinundan ako nito,Pumunta na kong pintuan at kumatok ako ng malakas at sumigaw na rin para mag-bukas na yung pinto pero wala talagang nagbubukas.

Tumingin ako sa babaeng itim at nagulat ako nang nasa harap ko na pla ito at bigla nlang ako nito sinakal.Nakikita ko nalang ang sarili ko na nawawalan ng Malay at bumagsak sa lupa.

Nagising ako nang may tumatapik ng pisgi ko,Nakita ko si Mang berto at halatang nag-aalala ito.Tumingin ako sa paligid at laking gulat ko nandito ako sa bukal at nakahiga ako sa may gilid,Tinanong ko si Mang berto Kong Bakit ako nandito?.Ang sabi nya lang sakin ay baka nabiktima ako nung blacklady at sabi pa niya pasalamat daw ako dahil buhay pa ko,dahil yung ibang mga batang lalaki ay natatagpuan nalang nalulunod sa bukal.Natakot ako sa sinabi ni mang berto,Sinamahan nya ako pauwi sa bahay at buti nlang di niya sinabi Kay mama ang nanyari dahil alam naman dito sa baryo namin na may sakit sa puso ang mama ko,Nagpasalamat nlang ako Kay mang Berto pero bago sya umalis may binigay sya saking isang kwintas na may batong puti sa dulo sabi niya panang-galang daw iyon sa mga elemento o multo.




Nung highschool ako,ngayon ko lang naalala yung nanyari sakin nung bata pa ko at ngayon kasalukuyan nasakin parin Ang kwintas na binigay ni Mang berto.










A\N:Maraming Salamat sa patuloy na pagbabasa ng Scary story 5🥰😘

Scary Stories 5Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt