Anino sa kusina

264 11 0
                                    

Malaki ang kusina namin sa bahay, actually malaki talaga ang bahay namin.

Dream house Ito nila Mama at papa, maliit Lang dati ang bahay namin wala pang dalawang hakbang nasa kusina kana.. Kaya nung nakuha ni papa ang Pera niya sa pag-reretiro niya ay binili niya agad itong bahay.

Sa Una ay excited ako dahil maganda ang bahay at may 2 floor pa. Nasa taas ang mga kwarto sa baba naman sala, kusina at isang kwarto.

Mga 3 linggo ang inabot namin para linisin at ilagay ang mga gamit sa bahay.

May bunso akong kapatid na babae, makulit pero matatakutin. Normal Lang naman sa mga bunso Yun lalo na kapag 4 years old.

Nung nasa sala ako habang nanonood ng tv ay narinig kong tumatawa ang kapatid ko.

Dalawa Lang naman Kami ng kapatid ko sa bahay nag-grocery kasi nun Ang mga magulang namin.

Pinuntahan ko siya sa may kusina,nakita ko si Samantha na nakatingala pero di sakin nakatingin. At may hawak hawak na candy na binigay ko sa kanya.

Nagulat ako ng magsalita Ito at binibigay Yung hawak na candy sa kausap nito na wala naman talaga. Imbis na matakot ay natawa ako dahil bulol mag salita Ito.

Agad agad Kong kinuha si Samantha at pumunta sa sala para dun ko siya mabantayan.

Nang gumabi at lahat Kami ay tulog na. Sina Mama at papa nasa iisang room kasama si Samantha habang ako naman ay mag-isa sa room ko.

Mahimbing ang tulog ko nun ng may anino akong nakita na tumatakbo, palagi ko kasing iniiwang bukas ang pintuan ng kwarto Kung sakaling mag-c cr ako sa Baba o iinom ng tubig sa may kusina.

Tamad na tumayo ako dahil akala ko ang kapatid ko yun.

Mahina na Tinawag ko siya dahil nga inaantok pa ko nun.

Habang naglalakad ako sa may hagdanan ay dumungaw pa Ito sa dingding ng kusina.

Nakapatay pa ang mga ilaw kaya akala ko talaga ay kapatid ko yun.

Nakita ko na nakatayo sa kusina ang kapatid ko at parang nakatingin sakin.

Pinapagalitan ko pa sya non ng inabot ko na Yung switch on ng ilaw at nung humarap ako ay wala na dun si Sam.

Nagsitayuan Yung balahibo ko sa takot at narinig kong umiyak si Sam sa taas.

Dali Dali akong umalis sa kusina at pumunta sa kwarto ng mga magulang ko.

Sinabi ko sa kanila ang nakita ko kaso sinabihan Lang nila ako na panaginip Lang daw yon.

Simula nung manyari Yun sakin ay di ko na iniiwan si Sam sa kusina.

Pina bless narin namin ulit Yung bahay. At simula nun ay di ko na nakikita yung parang anino na yun.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now