Sapatos

403 30 6
                                    


Sabi ng iba kapag daw may patay ay kailangang sundin lahat ng pamahiin katulad nalang ng wag iiyak sa kabaong ng patay, wag mag wawalis, wag magsasalamin, wag mag-uuwi ng pagkain galing sa patay. Lahat nang iyon ay sinunod ko maliban nalang sa isa na pinaka importanteng dapat na gawin, Ang pagsunog ng mga gamit ng patay, Ginagawa iyon dahil para  respetuhin ang mga importanteng  gamit ng namatay, kapag hindi iyon sinunog sabi ng iba patuloy na mag gagala ang multo ng namatay na. Gagambalain ka raw nito dahil hindi mo sinunog ang mahalagang bagay na importante para sa kanya.

Noong nabubuhay pa ang aking lolo, Subrang maalaga ito sa mga gamit niya hindi niya nga iyon pinapahawak sakin na apo niya ganon din Kay papa na anak niya. Maingat si lolo sa mga gamit niya kaya kapag titingnan mo ang mga gamit niya ay parang bago pero ang totoo luma na pala. May isang bagay na pinaka pinag iingatan ng husto ni lolo ay iyong Sapatos na bili sa kanya ni lola, black shoes iyon na panglakad. Naunang pumanaw si lola,    hindi na kasi nakayanan ni lola ang sakit niya sa puso kaya pumanaw ito. Lambis na nagluksa si lolo ganun rin si papa at mga kapatid niya na tita at Tito ko, iyak rin ako ng iyak non dahil wala na si lola sya pa naman ang madalas na nagluluto ng merienda ko at nag-aayos ng buhok ko namimiss ko rin ang mga kwento ni lola saming mga apo niya. Nakakalungkot man ay pilit namin pinatagtag ang loob namin lalo na si lolo.

Nakatira na kami Kay lolo mga 1 years kaming tumira sa mansion ni lolo subrang laki ng bahay nila lolo minsan nagugulat nlang ako na may ibang mga kwarto pa pala sa mansion nila lolo. Minsan kung ano ano iniisip ng utak ko kapag mag isa lang ako sa kwarto ko at madilim pa, Si Mama kasi at Papa ay sa dulo pa yung kwarto nila ako naman sa gitna kung saan kaharap ng hagdanan yung kwarto ko. Yung kwarto ni lolo nasa kaliwa at parang katapat lang sakin.

Nung gabi na yon ay hindi ako makatulog dahil sa lamig dahil umuulan kasi pero nung kumidlat na ay subrang takot na takot ako dahil malaki yung bintana ko at nakikita ko yung puno na parang monster yung reflection iyak ako ng iyak non.

Napatigil lang ako sa pag iyak ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko akala ko si lolo yun dahil si lolo ang malapit sa kwarto ko.

Niyakap ko yung manika ko nun na si Margaret, binuksan ko yung pinto at nagulat ako nung walang tao sa labas wala si lolo.

Tumingin ako sa kwarto ni lolo, nakasarado iyon tumingin din ako sa kwarto nila mama at papa. naglakad na ako nun para puntahan sila mama at papa. Pero laking gulat ko ng may parang dumaan na anino sa gilid ko.

Nakapatay kasi ang ilaw at  hindi ko abot ang ilaw nung mga panahon na yun dahil bata pa ko.

Nakadikit ako sa dingding habang pinipilit kung alamin kung sino yung dumaan sa gilid ko. Kaso dahil nga madilim ay hindi ko makita lalo kung niyakap si Margaret tinawag ko pa si lolo dahil baka si lolo yun. Pero wala namang sumasagot kaya natakot ako.

Mabilis akong pumunta sa kwarto nila mama at papa at umiyak. Tinawag ko pa si lolo nun dahil siya lang mag isa sa kwarto baka natatakot rin siya sa kidlat yun yung iniisip ko nun nung bata pa ko. Pinuntahan namin ang kwarto ni lolo at laking gulat ko nang nakita ko si lolo na nakahiga sa sahig. Biglang umiyak sina mama at papa hindi ko alam kung bakit sila umiiyak, pilit ko pa nung ginigising si lolo pero ayaw niya gumising, dun na ako umiyak dahil hindi na gumigising si lolo, Nag mamadali ang mga magulang ko nun para tumawag ng ambulance  at madala si lolo sa hospital pero dahil may bagyo ay huli na para isugod sa hospital si lolo. Diniklara na Death on Arrival na si lolo ng makapunta kami sa hospital.

Iyak ako ng iyak nun at pilit akong pinapatahan ni mama. Sinabi ko Kay mama yung nanyari bago mamatay si lolo, parang si lolo talaga yung kumatok nun dahil tinawag niya ako nun. At parang si lolo rin yung dumaan sa gilid ko nung papunta ako sa kwarto nila mama.

Scary Stories 5Where stories live. Discover now