Shed 1

381 20 0
                                    

W A I T I N G S H E D 1







❝Rain, stop for a bit.. please...❞

I uttered while looking up at the rainy dark sky. Bumubuhos mula rito ang ulan na naging dahilan para matigil ang mga tao sa paglalakad at sumilong sa puwedeng pagsilungang establishimento.

Ang madilim na daan sa harapan ay iilaw lang kung may dadaang kidlat o sa tuwing may dadaang sasakyan na mukhang nagmamadali dahil baka maabutan ng baha.

Pero sa tingin ko'y maya-maya ay titigil na rin ang ulan. Hindi na kase malakas ang pagsak nito.

I'm under a waiting shed in front of a crowded seven eleven store. Sa likuran ko ay ganoon din pero ang kaibahan ay halos tambay lang ang tao. Kung may babae man, 'yun ay kanilang kasamahan din.

Wala na kase akong panahon kanina na humanap ng ibang masisilungan dahil bumagsak na ang ulan. At isa pa ay maggagabi na, hindi na malinaw sa akin kung saan ako sumilong.

Maya-maya pa, tama ako dahil unti-unting tumiha ang ulan pero hindi pa rin ako makapaglakad dahil wala akong dalang payong. Dala ko ang librong binigay sa amin ng adviser kaya bawal akong mabasa. May multa kapag mabasa ang libro 'no kaya hindi pwede.

Nagsimulang maglakad ang tao sa harapang establishimento. Yumuko ako para tingnan ang medyo basa kong sapatos. Natamsikan din ang abot tuhod na palda ko dahil sa pagtakbo ko kanina.

Kung minamalas ka nga naman. Dalawa na nga lang ang palda ko, nabasa pa itong suot ko ngayon. Kakalaba ko lang ng isa kaya hindi pa iyon tuyo. Anong susuotin ko bukas? Hindi pa namin freeday bukas eh.

Habang naroon sa paa ang tingin ko, may tumabi na kung sinong may hawak na payong sa tabi ko. Ang malaki nitong sapatos ang tumabi sa basang sapatos ko.

Lalake. Sinara nito ang payong na dala at itinabi sa gilid. I lifted my eyes to the man but his face is hidden by his hoddie. Ang tungki ng mataas na ilong lang niya ang kita kaya malabong makita ko malinaw ang mukha niya.

Iniwas ko nalang ang tingin at itinuon sa harapan. Marami-rami nang naglalakad pero may iba pa ring hinihintay tuluyang tumigil ang ulan.

Ilang minuto pa ang hinintay ko kasama ang ibang nasa waiting shed. Ang ibang may dalang jacket ay nagpasya nang umalis pero sa mga tulad ko na wala talagang dalang proteksiyon ay mas piniling maghintay.

Ilang minuto muli ang lumipas. Nangangayayat na ang paa ko sa paghintay tumigil ang ulan pero hindi pa rin ito natigil.

Ilang sandali pa, ang lalakeng katabi ko ay muling ibinukas ang payong niya at akmang maglalakad na nang masulyapan niya ang mga naiwang tambay sa likuran namin. I saw his movements but his whole face isn't clear because of the darkness that the rainy night emits.

He stopped his plan and instead, he walked to where the guys seating. Sinunod ko siya ng tingin. May hinarap siyang isa sa mga tambay na nakatayo malapit sa likuran ko. May hawak pa itong sigarilyo sa kanang kamay.

"Pasmado ata ang kamay mo." The mysterious guy uttered without tone.

Dahil malapit sa lampost ang pwesto ng mga tambay ay naging malinaw ang mukha nila. Gumuhit ang kaba sa kanilng mga mukha kabilang na ang tambay na nilapitan ng lalake. Their height compare to the guy is very different.

"Anong pinagsasabi mo..." sagot ng tambay. Tinaasan niya ng kilay ang lalake. Ang ibang tambay ay tumayo na rin kaya lumiit ang espasyo sa loob ng waiting shed. Umatras ako para makalayo sa kanila. Mukhang may mangyayaring masama...

"Alam mo na ang ibig kong sabihin." Ani ng lalake at humakbang muli palapit sa mumoy na tambay.

"Hindi ko alam, brad. Pasensiya na," ani ng tambay at akmang lalagpasan ang lalake pero agad niya itong hinaglit sa balikat kaya nabalik sa pwesto niya ang tambay. Ngumiwi ang mukha niya sa lakas ng pagkakahila sa kaniya.

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now