Shed 6

106 16 10
                                    

W A I T I N G S H E D 6





❝I killed my father.❞

Natigil sa ere ang isipan ko. Lubos akong natulala, natutop ang labi habang nakatingin sa kaniya. I tried harder to process what he said and I still had a goosebumps.

"Y-You never killed him?" I repeated his statement. My system stopped and I can't think wise. Kusa na lang lumabas ang salitang gustong maglinaw sa narinig ko.

Linus chuckled evilly. He leaned more closer to me that he reached my ear. "But I lived by it." He answered.

Iniwas ko ang ulo ko. Tons of emotions rushed down on me. Lungkot, panghihinayang at galit. How can they do this to him? Wala siyang ginawa kun'di ang mahalin ang pamilya niya. All this time, for years of hiding, he lived in a crime that he didn't for the first place. They let him suffer.

Sa hindi malamang dahilan, nagalit ako ng husto sa mga gumawa nito sa kaniya. Gusto ko silang sigawan.

"Bakit?" iyan lang ang tanging natanong ko sa kaniya. Gustong-gusto ko malaman kong bakit. Bakit niya nagawa iyon? How can he be so kind?

Kaswal na tumayo si Linus at inayos ang hoddie ng jacket niya. Pagkatapos ay tumingala siya para tingnan ang kalangitan.

"You must go home. Gumagabi na." Pang-iiba niya ng usapan pero agad akong tumutol.

"Bakit, Finn? Bakit mo inako ang krimeng hindi ikaw ang may gawa?" naguguluhang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at lumabas na ng waiting shed. He walked on the direction of our street kaya agad kong sinikop ang notebooks at sinundan siya.

"I thought we're friends? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?" habol ko sa kaniya. The silent dark street is peaceful to breathe. But the situation is harder to thought of.

Nanatili siyang matigas. Ni-hindi niya ako nilingon at diretso lang sa paglalakad.

"Finn..." tawag ko sa kaniya. Binilisan ko para makapantay siya pero dumating na kami sa labas ng gate namin, hindi pa rin niya ako nasasagot.

"I want to know your side, finn. Please share it with me. So I can lessen that heaviness inside you." I said frustratedly. Mas lalong ayaw ko pumasok dahil gusto kong makarinig ng sagot niya.

"You already know my side, Fliore. You already know that it wasn't me who killed my father. Ano pa bang gusto mong malaman?" sa wakas ay usal niya.

Nakagat ko ang ibabang labi. There's something on me that urges me to know more. I want to know everything. I want to be his friend.

"Bakit mo inako ang kasalanan?"

Bumuntong hininga siya bago ako titigan ng mariin.

"Love is a sacrifice, Fliore. That's what I did. I sacrificed for love."

Muli akong hindi nakasagot sa sagot niya. Dahil ako mismo, alam ang sinabi niya. He's willing to sacrifice for love and I know I am too. He did it because of love. But why his family didn't gave him the love he deserves?

Natutop ang labi ko. Hindi ako nakasalita nang tumalikod na siya at iniwan akong natulala sa mga nalaman. His revelation hit me hard. Nagtago ng tatlong taon, napagkaitan ng kalayaan at mamalaman kong hindi totoong kriminal si Linus ay sobrang lungkot isipin. Kahit ako ay ramdam ang sakit ng dinanas niya. Paano pa siya na mismong dumanas ng kasamaan ng pamilya niya?

Pagkapasok ko sa bahay ay wala nang tao sa sala at nakapatay na ang lampara sa kusina. Tanging lampara sa kwarto namin ang umiilaw sa buong kabahayan.

Akma na sana akong papasok sa kwarto namin nang maaninag ko ang anino ni Tiyoy sa nakasandal sa kwarto niya.

Waiting Shed [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang