Shed 3

122 14 0
                                    

W A I T I N G S H E D 3


❝You're smile, Fliore. You're smile in that picture was very different from how you smile today. An ennocent smile that was murdered by the cruel world.❞

Natigilan ako sa sinabi niya. Rumiin ang pagkakahawak ko sa batok ko bago umiwas ng tingin.

He's eyes. It's not only beautiful, it also sees emotions. And he saw mine.

Bago tuluyang lamunin ng katahimikan, peke akong tumawa.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo," natatawa kong usal at tumayo na rin. "Sige, dadaan nalang ako rito bukas. Siguraduhin mong dala mo na ah," ani ko at tinalikuran siya na nakatayo pa rin sa pwesto niya.

Tuluyan na akong nilayo ng paa ko sa kaniya pero wala manlang siyang sagot. Umaasa ako na pagbalik ko bukas dito, dala na niya.

Sana...

"Nandito na 'ko, la!" masigla kong bati sa walang taong sala. Inilibot ko ang paningin habang kinukuha ang school shoes sa paa.

Nasaan si Lola?

"La?" muli kong tawag sa kaniya at pumasok na. Nilinga ko ang ulo sa kusina pero walang tao. Ganu'n din sa labas.

"Lola?" I called her again but I was embraced by the silence of the empty house. Tumungo ako ng kwarto namin pero wala rin si Lola kaya unti-unting tumubo ang kaba sa dibdib ko.

"Nasaan ka, la?" sigaw ko muli sakaling marinig niya pero wala pa ring sagot kaya dali-dali kong nilagay sa kama ang bag ko bago tumakbo palabas ng kwarto. Pero ang plano kong pagtakbo ay natigil nang sumalubong sa akin si Lola sa pintuan dala ang isang cake sa dalawang kamay. Suot niya ang pinakamatamis na ngiti habang ang mata'y sumingkit na nagpakita ng kulubot sa gilid ng kaniyang mata.

Bumaba ang tingin ko sa cake at nakita ang dalawang kandila na may numerong 1 at 7. 'Happy 17th birthday, apo", nakalagay sa cake.

Parang hinaplos ang puso ko. Nang-init ang katawan ko at umakyat sa sulok ng aking mata. Sa may namumuong luha sa mata, umangat muli ang tingin ko kay Lola.

"Happy birthday, apo." Marahan niyang usal kasabay ng paglapit niya sa akin. Tuluyan nang tumulo ang luha ko kaya sinapo ko ito gamit ang kanang likuran ng kamay ko at ang libreng kamay ay iniyakap ko sa kaniya.

"Salamat... la... naalala mo..." namamaos kong usal. Isinandal ko sa balikat niya ang ulo at doon umiyak. Sa pagitan namin ang mumunting cake na naalala kong minsang masabi na gusto kong kainin.

"Makakalimutan ko naman ba ang kaarawan ng pinakamamahal kong Fliore? Hindi maari,"

Umiling-iling ako sa balikat niya. Hindi ko rin naman naalala na kaarawan ko nga pala ngayong araw. No one reminded me. No one greeted me. Kahit si Matell.

"Happy birthday, friend!" ang pag-iisip ko sa hindi pagbati sa akin ni Matell kanina sa paaralan ay naglaho nang sumulpot siya sa gilid namin ni Lola hawak ang transparent container na may lamang spaghetti.

May namuo ulit na luha sa mga mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi.

"Thank you..." usal ko sa kaibigan. Humigikhik siya at sumali sa kayapan namin ni Lola.

"Akala mo makakalimutan ko ano?" mapanglarong usal ni Matell at kinurot ang balikat ko. Hindi ko magawang maka-aray dahil sa nag-uumapaw na saya.

I am happy. Beyond happy even. This surprise is too much. Hindi ko naman inasahan na magsisikap silang bilhan ako ng cake at lutuan ng spaghetti. This is beyond my expectation. Okay na sa akin ang bati, masaya na ako roon pero ito ang dumating. Sobrang saya ko.

Waiting Shed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon