Shed 4

120 18 2
                                    

W A I T I N G  S H E D  4


❝Ang tiyoy mo, Fliore...❞

Naguguluhan kong inalo si Lola.

"Anong nangyari, la? Bakit magulo ang bahay? Anong nangyari kay Tiyoy?" aligagang tanong ko. Inalalayan ko siyang makaupo at dinala sa kawayang upuan.

Puno ng pag-aalala ang mata niya. Taas-baba rin ang balikat niya at hinahabol ang hininga.

"Ang Tiyoy Ebil mo... naabutan si Emilia kila Abner... nag-away ulit sila, pinaghahagis ng Tiyoy mo ang mga gamit..." hindi siya makasalita ng diretso kaya tumayo ako.

"Kalma muna, la. Kukuha lang ako ng tubig." Saad ko at iniwan siya para tumungo sa kusina. Bumungad sa akin ang makalat sa kusina pero bago pa mag-problema kung paano iyon aayusing muli, kumuha na ako ng tubig sa water jug at bumalik kay Lola.

Dala ang isang basong puno ng tubig ay lumapit ako kay Lola. "Inumin mo muna, la." I gave her the glass of water. Tinanggap niya ito at agad ininom. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa maubos ang laman. Ang noo at leeg niya ay napapawisan na.

Ano na namang ginawa nina Tiyoy at Tiyay? Hindi manlang ba nila inisip na may matandang sobrang nag-aalala sa nangyayari?

"Fliore..." nagsimulang mag-kwento si Lola. "Ang Tiyoy mo... muntikan nang mapatay si Emilia..."

Agad akong napasinghap sa narinig. Lumalala na si Tiyoy. Kung dati'y hanggang masasakit na salita lang, ngayon ay halos baliin na niya si Tiyay sa tuwing magagalit. Anong nangyayari sa kaniya?

"Bakit? Anong nangyari, la?" tanong ko.

Yumuko si Lola at nagpatuloy sa pag-kwento. "Nakumperma ng tiyoy mo na kabit ni Abner ang Tiyay mo. Kaya sa sobrang galit niya, muntikan na niyang mabaril. Mabuti at nakatakbo si Emilia at hindi naabutan ng Tiyoy mo kaya nagwala."

Akala ko may mas ikakasinghap pa ako pero natulala na lang ako sa narinig. Sa rebelasyong nakakabingi.

So all this time, Tiyoy Ebil is right on all his accusations? Akala ko ay parte lang iyon ng away nila sa tuwing magagalit siya. Hindi ko inakalang totoo pala. Kaya pala araw-araw naroon si Tiyay. Akala ko para magsugal lang. Iba na pala ang pakay niya. At si Tiyoy, sukdulan na ang pagwawala niya.

Ang mga bagay ay napagtagpi-tagpi ko. Nakakapanghina. Kahit hindi man nila ako anak, nakakaramdam ako ng kalungkutan para sa pagitan nilang dalawa. Bakit nagkalamat ang pagsasama nilang dalawa? Dahil ba hindi maka-anak si Tiyoy?

"Nasaan na si Tiyoy la?" iginala ko ang paningin sa kabuuan ng bahay pero wala akong nakitang presensiya ni Tiyoy. Ang nag-iisang kapatid ni Papa.

"Nasa Baranggay hall, doon muna siya pinatulog ni Kap para mawala ang galit. Ala mo namang baril agad ang hahawakan nu'n kapag galit." Ani Lola.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasapo ko nalang ang ulo at umupo sa tabi ni Lola, nasa harapan ang paningin. Basag lahat ng gamit sa salas. Ang kakaunting frames at vases.  Ang cabinet ay nakatumba pati ang kawayang lamesa. Ang Tv ay nasa sahig na rin, hindi malaman kong gumagana pa ba o basag din.

May piraso rin akong nakita ng beer at isang bote ng tanduay. Sa kusina kanina'y halos ubos din ang pinggan sa sahig. Ang mga baso at pati ang kaldero.

Muli akong nagbuntong hininga bago tumayo. Tiyak ilang oras na paglilinis ang aabutin para lang maibalik sa dating malinis ang bahay. Ibinaba ko lang ang bag at kahit hindi pa nakakapagpalit ng damit, sinimulan ko ng damputin ang mga magagamit pa. Inisa-isa ko ang mga basag at hindi. Dumampot din ako ng walis at dust pan para sa basag na bote ng beer.

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now