Shed 9

109 10 6
                                    

W A I T I N G S H E D 9


❝I love you.❞

I don't know how long I've blanked after he uttered those words. My whole world automatically collapsed and my system stopped, leaving only my violenty palpitating heart working.

He left me after saying his confessions and I don't know if I can get over with it through time.

Natulala ako, tiningnan ko lang siyang naglakad palayo sa akin hanggang sa nawala ang anino niya sa madilim na lugar. Tuluyan na siyang kinain ng dilim at hindi ko na nakita pa.

Nasapo ko ang dibdib.

How can he make me feel lonely, scared and fluttered at the same time? How can he leave after saying I love you? How can I react now that he's gone?

Sinabunutan ko ang sarili. Natanga ako. Hindi ako nakasagot. I did not told him I was feeling the same. Hindi ko siya napigilan. Hindi ko alam kong magkikita pa ba kami gayong susuko na siya.

Oh no, please Lord, make him safe. Don't let him struggle again. He had enough. Linus had enough.

I was wholly blacked out when I entered the house. Naabutan ko si Lola na nanonood ng TV sa sala. Walang presensiya ni Tiyoy Ebil sa bahay. Malamang nasa inuman na naman.

Lumapit ako sa likuran ng kawayang upuan at dumungaw para halikan si Lola sa pesnge.

"Nakauwi kana," ani niya sa akin. Naglakad ako sa harapan niya at tumango.

Alam kong nagtataka na siya sa parating pag-uwi ko tuwing gabi na. Oo at malayo ang eskwelahan sa bahay namin pero hindi ako inaabot ng alas-syete ng gabi sa paglalakad lang. She knows it.

I left her to walk in our room.

"Apo," agad namang natigil ang paglalakad ko ng tawagin niya ako. Inaasahan ko na 'to.

Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.

"Ano 'yun, la?" maingat kong tanong.

Sinenyasan niya akong lumapit gamit ang kamay niya.

"Hali ka rito," aniya sa marahang tinig. Hindi ako nagdalawang isip na naglakad palapit sa kaniya at pumwesto sa gilid ng inuupuang kayawan.

Nang maa-abot na niya ako, marahan niyang hinaplos ang nakabunghay kong buhok na nagulo sa paglalakad kanina.

I stared at her respectfully and with love. Tumama ang tingin namin sa isa't-isa at siya'y tipid na ngumiti sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin, may problema ka ba?"

Niyakap muli ng iba't-ibang emosyon ang sistema ko. She knew it. My grandmother know me so well.

"Noong isang buwan, napapansin kong palagi kang ngumingiti kada pag-uwi mo ng bahay. Buhay na buhay ka rin sa mga gawain sa bahay. Palagi kang nasa magandang mood kahit pa pagalitan ka ng Tiyoy mo." Ani niya.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Her hand from my hair swifted into my cheeks. She gently cupped it.

"Pero napapansin ko ngayong linggo, gabi ka na umuuwi at parating walang buhay pagdating sa bahay. Kahit pa magpeke kang masaya, nakikita ko, apo, sa mga mata mo na malungkot ka." She pinched my cheeks this time.

"Ang mga mata mo ang pinakamagandang parte ng mukha mo at ito'y lubos na naapektuhan sa tuwing ikaw ay malungkot. Wala itong kulay." Dugtong niya.

Nakagat ko na ang pang-ibabang labi. Kilalang-kilala talaga ako ni Lola.

"May problema ka ba? Lola mo ako, handa akong makinig sa iyo sa kahit sa anong pagkakataon. Tandaan mong palagi kitang gagabayan, palagi kitang tutulungan, pero paano kita matutulungan kong hindi ka sa akin nagsasabi?" usal niya.

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now