Chapter 13

66 2 0
                                    


Jennica's POV

"Hoy!! Sasama ka pa ba?" nakataas kilay na tanong ko kay Alexis kaya agad itong napalingon sa akin at kapag kuway tumili

"Kyaahhhh!!!! That's Ryujin Karuizawa right? Right?" bigla ay saad niya at inangkla pa ang braso sa akin habang tinatapik tapik ako na parang batang nanghihingi ng candy at naghahantay ng sagot na bigyan tsk

"And?" nakataas kilay ko pa rin na tanong

"OH MY GOD, he is my crush for Pete sake!!!! Slap me now if I'm dreaming" she said and literally sinampal ko lang naman siya, pero guess what....tumawa lang naman siya na parang Ewan

"Hindi nga ako nananaginip!!!" tuwang saad niya kaya sa lakas ng boses niya ay napatingin ako sa baba at tama nga ang hinala ko na pinagtitinginan kami dahil sa baliw na kasama ko

"Like seriously? Nakakahiya kang kasama kaya kung di ka titigil please doon ka na sa labas magtitili at ng wala kang magambala" inis na saad ko kaya napatahimik siya, agad akong pumasok at sumunod naman siya pero bago pa man kami nakarating sa Karuizawa brothers ay bumulong na naman siya hayyysstt pwede bang magmute ng bunganga?

"He just say "they are my property" means kasali ako diba? Diba?" nakakainis tong babaeng to pramis, alam niyo yung repeater narinig na nga paulit ulit pa tsk

"Tumahimik ka nga!" inis na bulyaw ko kaya pinagtitinginan na naman kami, center of attention ata kami ngayong araw ehh

"KJ mo pala" nakasimangot na sagot niya saka kami nagpatuloy, nung makarating kami sa table ng mga Karuizawa ay bigla silang napahinto sa pag uusap at lumingon sa amin

"Ate!!" Tuwang saad ni Hiro pero inirapan ko lang siya, baka nakakalimutan nito na may kasalanan siya sakin?

"Beauty!!" saad naman ni Akira, beauty ng beauty alam ko naman na maganda ako pero diko na kailangan na ipangalandakan pa tsk

"Why are you here?" malamig na tanong ni Hayami, kasing lamig nung aircon pramis, habang si Tetsu ay ibinalik na ang tingin sa librong hawak niya, si Ryu naman ay nakangising kumakain....nabuang na ata at pati pagkain nginingisihan habang kanina lang ay ang lamig ng tono, bipolar ba to?

"I need my schedule" walang ganang sagot ko at inilahad ang kamay ko sa harap nila

"Kami ba head?" tanong ni Tetsu habang di parin inaalis ang tingin sa librong hawak niya, nakacross legs pa!

"Ikaw ba tinatanong" nakataas kilay na sagot ko at pabagsak na ibinaba niya ang librong hawak niya

"Ahh okay, nandito sa akin....Tara na" bigla ay sabat ni Akira at hinila ako paalis naramdaman ko naman na Dali daling sumunod si Alexis

"Hayyssttt.." saad ni Akira at binitawan ako saka lumingon sa akin ng nakangiti, kung di lang to bampira at demonyo ang dating sa akin...niligawan ko na pramis ang gwapo ehh

"....pasensya kana, hatid ko na lang kayo" saad niya aayaw sana ako pero sumabat na naman ang chismosang nasa likod

"Sabi mo yan master ahh" she said at nung lumingon ako ay kulang nalang may heart na siya sa mata, akala ko ba si Ryu crush nito?

"Hindi" bigla ay may sumabat na naman kaya napalingon kami rito "ako na maghahatid" Ryu said nung nasa tapat na siya namin

"Kuya naman!!! Ba't ayaw niyo akong isama" padabog na saad ni Hiro

"Hehehe alam kong maganda kami, pero pwede naman na kayong lahat na maghatid sa amin diba?" awkward na suggestion ni Alexis kaya sabay sabay silang tatlo na napatingin sakanya

"Ahhh...ehh, hmmm para walang gulo hehehe" nakakamot sa ulong pagrarason niya pero di na siya pinansin ng tatlo, nagulat naman ako nung bigla na lang akong hinila ni Ryu paalis kaya naglalakad ako habang nakatingin sa likod nanghihingi ng tulong kay Alexis but she just glare on me!! Aba, akala ko ba kaibigan na niya ako?

"Sino ba yan?"

"Oo nga, pansin ko na masyado atang malandi para mapansin ng mga Karuizawa brothers"

"Tsk! Kanina si Maste Hiro kasama niya pumasok sa school, nakita ko kanina sa parking lot"

"Huh? Tapos si Master Akira naman naghatid papuntang classroom!"

"Tapos ngayon....si COMMANDER NA NAMAN!!"

"mukhang inaagawan tayo niyan ahh"

Inis na lumingon ako sa gawi ng nagbubulungan at tinapunan sila ng masamang tingin pero bago pa man kami makalabas ay lumingon sa kanila si Ryu

"Do anything that will hurt her....and you'll dead" malamig na saad niya at napatahimik naman yung mga nagbubulungan saka kami naglakad paalis, Tama nga naman....dahil gusto nila, sila ang makapatay sa akin tsk!

"Wag mo naman akong tunawin sa mga titig mo" nakangising saad niya kaya napalingon ako agad sa ibang direksyon, ngayon confirm, may bipolar disorder nga ang isang to, assuming ehh

Hindi na lang ako sumagot at tahimik na naglalakad habang hula hila niya ako, minsan kasi nakakapagod makipagtalo Lalo na kung alam mong masyadong mahangin ang kausap mo tsk

"This will be your next class, it's calculation" he said, unique din mga subject dito noh? Kanina history at puros tungkol sa demons diko naman alam na related pala talaga yun sa school na to samantalang yung history subject namin noon ay tungkol kayla Alexander the great lang

Hindi ako sumagot at tamang tama nung tumalikod ako ay nagring na yung bell, papasok na sana ako pero tinawag na naman niya ako

"Don't you want to get your schedule?" Saad niya kaya lumapit ako pabalik saka nilahad ang palad ko sa kanya

"Anong mukha yan?" tanong niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay "...kung ayaw mo kasing kunin at gusto mo lang magpahatid, sabihin mo lang di yung papatayin mo na ako sa sama ng titig mo" natatawang saad niya kaya dali dali kong inagaw ang paper na nasa palad niya at padabog na pumasok

"See you around...Miss Highblood" tawang saad niya kaya inis na napalingon ako pabalik pero wala na ulit siya.... Vampire and their unique speed ability

Maya maya lang ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko at napatingin naman ako kay Alexis na kaklase ko rin pala sa Calculation, tatawagin ko sana siya pero sumimangot lang siya sa akin at saka umupo sa katabing upuan ko, lumingon ako sakanya at kunot noong tinitigan siya, himala! Ayaw atang dumaldal!

"What's your deal?" takang tanong ko pero lumingon siya sa akin sabay irap, seryoso....anong problema nito?

"Kung ayaw mong magsalita, sana tuloy tuloy na para tahimik na paligid" saad ko na lang at lumingon sa harap nung pumasok na yung prof namin

"Hi class!" bati niya habang nakangiti na inilalapag ang mga gamit niya

"Looks like we have a transferee here" nakangiti parin na saad niya at nakatingin sa akin kaya lahat sila ay napatingin sa akin maliban kay Alexis

Tumayo na ako dahil alam ko na kung ano ang sunod nito, ano pa nga ba? Ehh di introduce yourself, diba? Pero bago pa man ako makalapit sa harapan ay napalingon ako kay Alexis na sa wakas ay biglang magsalita

"I feel betrayed" she said saka isinubsob ang mukha niya sa desk niya

DOoMed in a VAMPIRE'S HAWLWhere stories live. Discover now