Chapter 22

51 4 0
                                    

Jennica's POV

Gaya ng sinabi ni Alexis ay hindi na nga royalties si Hayden, nasa Noble section na siya ngayon pero hindi naman naging dahilan yun ng pagbaba ng mga bilang ng babaeng tumitili sa kanya, ang ingay sa school pramis, peks man mamatay man si Akira hahaha lantod nun ehh

"Jennica! Minumura mo ba ako!!" biglang sigaw ng paparating, tsk Oo, hindi lang minumura...pinapatay na kita sa isip ko!!

"Ano na naman ba ang kalokohang hatid mo Aki?" nakataas kilay na tanong ko

"Bigla na lang akong napabahing kanina at ikaw unang pumasok sa isip ko kaya hula ko, minumura mo na naman ako" nakabusangot na saad niya

"Grabeng theory yan ahh" pagmamaang maangan ko

"Kuya!!!!" bigla ay sigaw na naman ng paparating, guess what? Siguradong sira na naman araw ko nito tsk

"Ohh bakit ba nandito ka?" singhal na tanong ni Akira, attitude neto ehh

"Anong bakit nandito ako huh kuya? Ehh iniwan mo ako doon sa mga babae mo! Muntikan akong di makaalis hayystt" nandidiring sagot naman ni hiro kaya napairap na lang ako, ano pa ba expect mo sa isang Akira Karuizawa kundi puros kalantudan?

"Wag kang maniniwala dyan, sinungaling yan ehh" saad naman ni Akira sa akin kaya umiling lang ako

"Ang Bata hindi marunong magsinungaling" saad ko naman kaya umalma naman si hiro

"Ate!! Di naman na ako Bata ehh" parang batang pagmamaktol niya

"Oo nga!! Bakulaw na yan" panggagatong naman ni Akira, kaya para tuloy nagkaroon ng invisible electricity sa pagitan nila tsk

"Nica!!!" nadagdagan na naman, kaya imbes na makinig sa kaguluhan ng mundo nila ay umuna na akong maglakad, noon break na kaya tapos na ang schedule ko, si Tetsu naman nakatokha sa akin humatid kaya alam kong late na naman yun

Naglalakad lakad ako, tatambay na lang muna ako sa garden at doon na lang siya hihintayin, when I was about to turn ways ay nahagip ng mga mata ko si Hayden na nagmamadaling tumakbo patungo sa likod ng school

"At the back of the school was nothing, it was an empty space papuntang wild forest, bawal pumunta doon dahil nga sa mababangis na hayop kaya bakit siya pupunta doon?" nasabi ko na lang sa isip ko, and because of my curiosity ay sinundan ko siya, I maintain our long distance para di niya mahalata na sinusundan ko siya

Later on, ay lumingon lingon siya, he was cautious but he doesn't think na may sumusunod sa kanya, sinilip ko siya ulit at agad din namang napabalik ng makita kong nakatingin siya sa puno kung saan ako nagtatago, my ghod! Feeling ko ang laki ng utang ko at pinagtataguan ko yung naniningil huhuhu

Maya maya lang ay wala namang sumulpot sa harap ko na kaya dumungaw ako ulit at napabuntong hininga, lumabas ako sa pinagtataguan ko at hinanap ko siya pero bigla na lang siya nawala kaya tumungo ako sa kinatatayuan niya kanina, and to may surprise....there is a big black hole na parang portal dito sa punong kakaiba na nasa harap ko

"Ano naman kaya ito?" takang tanong ko sa sarili, sinubukan kong hawakan ito na pinagsisihan ko dahil bigla na lang hinigop nito ang katawan ko, para tuloy akong dinala ng tornado at paikot ikot lang ito, gusto ko ng sumuka sa sobrang hilo

Sigaw ako ng sigaw ng kalaunan ay bigla na lang akong bumagsak sa isang napakatigas na bagay, nahihilo man ay tumayo agad ako at napahimas sa may pwetan ko, grabe kapag talaga nag LBM ako nito, hayysstt

Inilibot ko ang paningin ko at takang napakunot noo, it was all dark, patay na puno, nagcrack na lupa, pulang buwan at malakas na hangin...like seriously?! Nananaginip lang ba ako? Dahil feeling ko nasa ibang lugar ako...sa mundo ng mga multo for specific dahil ang creepy!!

I started to feel shiver on my spine, idagdag mo pa kasi ang huni ng mga uwak na sobrang nakakatakot, takot ako sa multo huhuhu

Naglakad lakad ako na pilit pinapatatag ang loob ko, nagpapalinga linga ako habang dire diretsong naglalakad kahit di ko naman talaga alam kung saan ako pupunta

Later on ay bigla akong nakarinig ng mga yapak, I turn my gaze pero wala naman, Muni muni ko lang ba yun or may nagmamatyag sa akin? O baka naman....mayroon ng MULTO!!!

With that thought ay agad akong kumaripas ng takbo, takbo ako ng takbo kahit diko naman alam kung saan ako patungo basta ang gusto ko lang ay makapagtago ako, ayaw ko pa namang mamatay huhuhu

Agad akong nagtago sa pinakamalapit sa akin na puno at doon tahimik na nagdasal, ng may marinig ulit akong yapak doon banda sa pinanggalingan ko kanina ay dumungaw ako para silipin iyon

"May kakaibang amoy" saad nung isa na parang nakagwardyang suot, kaya agad kong inamoy ang sarili ko, di naman ako mabaho kaya alam kong hindi ako yun hmph

"May nakapasok, kailangan natin itong mahuli bago pa malaman ng Reyna kung hindi ay tayo ang malalagot panigurado" saad naman nung isa kaya agad akong nagtago ulit habang nakapikit ang mata, bakit ko pa kasi sinundan siya huhuhu mukhang mapapadali ata kamatayan ko dito sa sobrang takot ehh

"Maghiwalay tayo sa paghahanap, ikaw doon at ako dito" saad nung isa, dumungaw ako ulit at agad nanlaki ang mga mata ko ng ituro niya ang daan kung saan ito ay patungo sa direksyong pinagtataguan ko

"Ano? May nahanap kayo?" tanong naman ng kakarating lang na mas ikinagulat ko

"Wala pa po, pero sigurado po kaming may ibang nakapasok, kakaiba po ang amoy niya dahil magkahalong tao, bampira at may halong demon, hindi po namin mawari kung ano ba talaga siya" saad nung isa habang nakayuko, ibig sabihin ay tatlo kaming nandito at siguradong ako yung tao!

"Sige, wag kayong titigil sa paghahanap dahil malaki ang posibilidad na isang espiya ang nakapasok" saad naman niya... I really can't believe what I am watching right now

"Masusunod, Master Frego" saad nung dalawa habang nakayuko, Frego? He was Hayden Gwyne Lastimosa and not Frego, or baka naman magkaibang tao talaga sila

Sa paglalim ng pagiisip ko ay bigla na lamang akong nakarinig ng mga yapak papunta sa direksyong pinagtataguan ko, I was about to scream ng biglang may humila sa akin at tinakpan ang bibig ko kaya nagpumiglas ako

"Mtwan mongo, mhiwan moho!!" saad ko at pinagpapalo ang kamay na nakahawak sa bibig ko, I just stop nung bigla siyang magsalita

"Shhh...calm down, it's me" saad niya sa mahinang tono saka niya binitawan ang pagkakatakip niya sa bibig ko

"R-ryu?"

DOoMed in a VAMPIRE'S HAWLOnde histórias criam vida. Descubra agora