Chapter 21

48 3 0
                                    


Jennica's POV

  3 days passed after that incident happen, wala namang totally magbago sa daloy ng buhay ko, they treated me the same way as before just minus the threatening time, hindi na nila ako pinagbabantaan katulad nung dati and they become sweet toward me

Nandito na ako ngayon sa loob ng classroom habang binabalewala itong katabi ko na dada ng dada

"Next time suggest mo naman sa mga masters na kapag magdate kayo isama naman ako" turan pa niya pero diko na lang pinansin

Oh my God!!

Why?

May nagbabalik!!

Wahhhh sino?

Dating notorious killer smile ng royalties!!

Oh my!!! Don't tell me--

Yes!!! Hayden Gwyne Lastimosa is back!!!

Ng marinig ko ang pangalan na iyon ay biglang nagpantig ang tainga ko, he become one of the mysterious thing that comes to my life, after that incident ay hindi ko na siya mahagilap

I tried to search him here at the campus pero wala talaga siya dito, sinubukan kong tanungin ang Karuizawa brothers nananahimik lang sila at ayaw akong sagutin, I tried to ask Alexis too pero hindi rin siya sumagot and then now I want to reveal the mysterious identity of this man in my thought, gusto kong masagot ang mga katanungan ko....alam kong may alam siya

"Patay! gyera na naman ito" nakabuntong hiningang bulong ni Alexis kaya napatingin ako sa gawi niya pero umiwas siya ng tingin

"Alam kong may alam ka na ayaw mong sabihin, pero ayos lang yun dahil tanda yun na wala kang tiwala sa akin" saad ko kaya napapadyak na lang siya

"Paano ba to?" frustrated na sagot niya

"Hindi kita pinipilit na magsalita" sagot ko

"Oo na! Ehh kasi ganito kasi yun---" she said at ikinwento na niya sa akin ang mga detalyeng alam niya na mas ikinakunot ng noo ko

"Dating magbest friend yang si Ryu at si Gwyne, pero kalaunan bigla na lang nagalit si Ryu kay Gwyne, wala namang nakakaalam kung ano ang dahilan ng pag aaway nila pero hula namin na yun ang dahilan kung bakit umalis si Gwyne sa campus" mahabang litanya niya

"Ehh bakit ayaw mo pang sabihin kung yun lang naman pala?" inis na saad ko

"Kung ganoon lang kadali--" nakapout na sagot niya

"Bakit?" tanong ko ulit

"Ayaw ng mga Karuizawa na may marinig pa tungkol sa issue na yun, ang sino mang magbanggit doon ay mabibigyan ng hard punishment or worse baka makick out pa" mahinang bulong niya na siyang ikinagulat ko, kaya pala lahat na lang ng tatanungin ko ay ayaw magsalita, pero ano naman kaya ang issue na humantong sa ganito kalala?

"Kaya pala" nasabi ko na lang "....Anong dominant ba siya? Anong status niya noon?" dagdag na tanong ko

"Royalties siya dati di ko lang alam sa ngayon since ang headmaster ang naglagay sa kanya sa Royalties dati, baka siguro elite or Noble na lang siya ngayon" nagiisip na sagot niya, kaya napatango na lang ako

"Good morning and please go back to your seat" bigla ay bati ng lecturer namin kaya napatahimik na lang ang mga kaklase ko na kanina ay nagchichismisan

Magdiscuss na naman ng mga bagay na hindi ko naman maintindihan kaya ang ending ay inaantok lang ako buong discussion

"Class dismiss" saad nung teacher namin kaya ayon nagsiunahan ng lumabas ang mga kaklase ko na nagtutulakan pa

"Tayo ka na diyan, mamaya ka na lang magdaydream dyan" saad ni Alexis at hinila pa ako para nakatayo

"Teka pang naman Alexis, bakit ba madaling madali ka dyan" inis na saad ko, konti na lang kasi ay madapa ako sa pagkakahila niya

"Una sa lahat at hindi sa huli....mauubusan tayo ng table sa cafeteria, pangalawa at hindi pang una.....namiss ko din kaya si Master Gwyne noh" saad niya at umakto pa na parang kinikilig kaya napairap na lang ako

"Akala ko ba si Ryu ang crush mo? Ano to...sudden change of mind?" nakangiwing tanong ko, pero umirap lang ang loko

"Baka gusto mong makita ang list of crushes ko?" sagot niya at hindi na ako nakapalag ng malakas niya akong hilain at sumali sa kumpol ng mga taong nagtitilian dito sa may bandang entrance ng hallway

"Andyan na siya!!!" sigaw ni Alexis kaya napatakip na lang ako sa tainga dahil kulang na lang ay sumabog ang eardrums ko sa lakas ng sigaw niya

Wahhhh!! Mas Lalo siyang gumwapo

Mas Lalo siyang tumangkad, my God!!!

Gwyne-sama, patayin mo ako sa mga ngiti mo!!!

Gwyne-sama pakasalan mo ako!!!

Ilan lang yan sa mga naririnig kong tilian na gusto ko ng masuka, pero ang mas nakapagpalaki ng mata ko ay ng sumigaw si Alexis na hindi ko inaasahan na isisigaw niya talaga...

"MASTER GWYNE, ANAKAN MO NA AKO RIGHT HERE RIGHT NOW!!!" malakas na sigaw niya kaya lahat ng mga taong nagtitilian kanina ay napahinto at napatingin sa gawi namin ganon din si Hayden kaya dali dali akong tumalikod, bahala na kung akalahin nilang ako ang sumigaw nun ehh sa ako na nahiya sa pinagsasasabi ng katabi ko ehh

"Hindi ako yun hehehe" saad ni Alexis at lumingon sa akin saka dali dali akong hinila paalis, my ghod ang bulgar ng babaeng to pero nahihiya pa?!

"Baliw ka, bakit mo kasi isinigaw yun?" nakatampal noong tanong ko

"Ehh sa ang gwapo niya ehh" kinikilig na sagot niya at may pahimas himas pa sa pisnging nalalaman, landi grabe inabot kami ng next subject at hindi man lang ako nakabili sa cafeteria dahil sa kahihiyan

"Nica sorry na" saad ni Alexis, kanina pa yan sorry ng sorry kahit sinabi ko na ayos naman na

"Bahala ka sa buhay mo, ang kulit mo" nakasinghal na sagot ko

"Ang gwapo niya kasi kaya ko yun naisigaw" pagrarason pa niya

"Mas gwapo kay Ryu?" naniningkit matang tanong ko

"Mas gwapo si Ryu" agad na sagot niya kaya napailing na lang ako, ang daming lalaki sa list of crushes niya at balak daw niyang jowain lahat ng nakasulat kaya tulungan ko daw siya sa operation landiin si crush niya tsk

"Miss Tuares, can you get me this book to the library?" tanong ng teacher namin kaya agad akong tumango at lumabas

Tumungo ako sa library at pagkatapos ay nagmamadaling bumalik sa classroom pero mas Lalo lang ata akong nagtagal dahil nagkalat pa ang mga librong ipinakuha sa akin dahil sa pagkakabunggo ko sa kung sino man to

"Pasensya ka na miss" saad nung nakabunggo ko at inilahad ang mga librong napulot niya kaya agad kong kinuha yun at napatingin sa mukha niya

"Looks like we've meet again" nakangiting saad niya kaya ngumiti ako pabalik at utal na nagpaalam sa kanya

"N-- nagmamadali pa ako hehehe, sige salamat...aalis na ako, m--masaya akong nagkita ulit tayo.....Gwyne" saad ko at madaling umalis

DOoMed in a VAMPIRE'S HAWLWhere stories live. Discover now