Chapter 28

41 2 0
                                    


Jennica's POV

Lumipas ang ilang oras at makarating na rin kami sa sinasabi nilang isa pang hideout nila, lumabas kami at pinalibutan na naman nila ako

"Baka naman....wala ng nakasunod diba? Hehehehe pwedeng, humiwalay muna kayo sa akin? Mainit kasi..." nagaalinlangang saad ko, ehh sa kanina pa sila dikit ng dikit ehh

"Fine....Mauna kana sa loob at dito lang kami" seryosong saad ni Aki, hindi talaga ako sanay tuwing nagiging seryoso siya

Nauna na akong pumasok sa loob, kagaya nung mansion ay marami din itong bantay at katulad din ng dating mansion ang laki nito kaso nga lang ay mas malayo naman ito sa school kaysa sa dating hideout nila

Pagkapasok ko ay mayroon agad na sumalubong sa akin at iginaya ako sa silid na tutuluyan ko

Pumasok naman ako at agad na isinarado ang pinto saka humiga, hindi ko pa rin talaga maintindihan ang ganap nila pero may tiwala naman ako sa kanila kaya sumusunod na lang ako

Hindi pa rin ako mapalagay kung kaya pumasok na lang ako sa CR para maghilamos

"Come on....he will be fine" I said while looking on my face on the mirror, kanina pa kasi kumakabog ng sobrang lakas ang puso ko at tila hindi ako mapakali na para bang may mangyayareng hindi maganda ng may biglang kinatok sa CR

"Are you here?" tanong ni Aki kaya agad akong nagpunas ng mukha at binuksan ang pinto pero nagulat na lang ako ng pagbukas ko ay sobrang lapit ng mukha niya kaya napaatras pa ako

"B-bakit? M-may kailangan ka?" utal na saad ko at umiwas lang siya ng tingin

"Take this" he said before walking out, tiningnan ko naman kung ano ang laman ng paper bag at mga damit pati mga necessities ko lang pala ng may maalala ako ay agad akong pumasok again sa CR at hinalungkat kung ano pa ang ibang laman ng paper bag

"The f*ck!!" I hysterically stated and closed the paper bag again saka napatampal sa aking noo,"....did she just guess my underwear size?" nakapikit na saad ko sa aking sarili habang may tumatakbo ng scenario sa aking utak

I just scratch what I've been thinking at dali daling naligo saka nagpalit, bumaba na rin ako pagkatapos at nadatnan ko naman si Aki sa may kusina kaya ilang na napapaiwas ako sa gawi niya

God...nakakahiya!!

"Is there any problem?" kapagkuwa'y tanong niya na nakalapit na pala sa gawi ko

"Ahh...ehh-kas-si a...ano" utal na sagot ko at hindi makatingin sa gawi niya

"It's Trixie who bought that...tamang tama na kagagaling niya lang sa shopping" sagot naman niya at natatawang tumalikod kaya ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil sa hiya

"Then send my thanks to Trixie and tell her that I'll pay for it" pahabol ko na lang saka siya tuluyang lumabas

Kumuha lang ako ng tubig saka uminom, di rin naman kasi ako nagugutom kasi nga hindi ako mapakali hangga't hindi ko pa nasisigurong ligtas silang lahat

Pumunta na lang ako sa may living room at umupo sa may sofa habang paulit ulit na tinitingnan ang oras, bakit wala pa sila?

Lumipas ang ilang oras at gabi na pero wala pa rin sila hindi rin ako nakakakain ng maayos dahil sa pagaalala....I'll blame myself if something bad happen to them

"They'll be back...just trust him" saad ni Troven saka umakyat sa taas

"We'll go up first...how about you?" tanong naman ni Jaxith

"Dito na lang muna ako" nakangiting sagot ko at ngumiti naman siya pabalik

"You did never change" he said na nakapagpakunot sa aking noo bago siya umakyat

"Don't go outside... we'll rest lang ng mabilis" mataray na saad ni Trixie kaya kabadong ngumiti na lang ako

"How about you Aki?" tanong naman ni Ylona sa lalaking nakasandal sa may pinto

"Magbabantay na lang muna ako" he answered

"Then guess we'll go first?" nakangiting saad ni Ylona at tumango lang kami bilang tugon

Tapos kami na lang ni Akira natira dito sa baba....bakit ba ako naiilang sa kumag na ito?

"Go upstairs and rest" he stated at nilingon ko naman siya

"I'll wait for them" sagot ko lang

"For them or for him?" he asked while looking away kaya kunot na napatingin ako sa kanya

"For him? What do you mean?" takang tanong ko

"Nothing...I just think that he was so lucky, for the first time that I've felt jealous toward him....that I did pray that I am him just for once" saad niya at tumingin sa akin ng may mapait na ngiti na mas nakapagpagulo sa isip ko

"Who was him? Sino ba kasi yang tinutukoy mo o baka naman iniiscam mo na naman ako" nakairap na saad ko at tumawa na lamang siya

"Go upstairs and rest....I'll just wake you up if they arrive" he assuredly said kaya buntong hininga na lang akong tumayo saka umakyat sa taas

Ryu's POV

Medyo natagalan kami sa laban, ayos na rin kami ni Gwyne pero di naman namin alam na may back up pa pala, di naman kasi sinabi ng kumag na yun

Hindi naman as in natapos yung labanan dahil nagretreat yung iba, lakas ng loob sumugod ehh sa dami nila ni hindi man lang kami nasugatan tsk

Agad kaming sumakay sa bawat sasakyan namin at iniwan ang mga bantay para linisin ang mga natirang kalat, at dahil nga napakabored ng labanan kanina ay nagkarera na lamang kami kung sino mauuna and as usual...ako naman palaging panalo ehh

"Gasgasero ka parin hanggang ngayon" nakailing na saad ni Hiro

"Kailan pa ba nagmaneho yan ng maingat ehh parang drive to hell na yan tuwing nagmamaneho" tawang saad naman ni Ralph saka kami sabay sabay na pumasok sa loob at naabutan naman namin ang mga Royalties sa may living room

"Tsk...what took you so long?" nakairap na tanong ni Trixie

"Not so you" nangungutyang saad ni Jaxith

"Gutom na ako!!" sigaw ni Hiro at agad na naglakad patungong kitchen, hari ng katakawan yun ehh

Nagbibiruan pa sila ng makita ko si Akira na tahimik na tumayo at umalis kaya sinundan ko siya

"Where is she?" kapagkuwa'y tanong ko ng medyo makalayo na kami

"Nasa taas" maikling sagot niya at saka ako tumalikod

"Ryu" tawag niya ulit kaya napatigil ako sa paglalakad

"Yes...is there something you want to say?" tanong ko

"I don't care if she still choose you.... I'm not done yet" saad niya saka umalis

DOoMed in a VAMPIRE'S HAWLWhere stories live. Discover now