Chapter 23

45 3 0
                                    


Ryu's POV

"Kamusta na ang pagmamanman?" tanong ko habang nasa pagpupulong lahat ng mga Royalties

"Sa ngayon ay wala pa naman kaming nakakalap na impormasyon" sagot ni Ylona na agad nakapag painit sa aking ulo

"Bakit ba wala kayong makalap na impormasyon? Akira! Ano ba ang ginagawa mo? Kailan ka pa kikilos huh!?" inis na saad ko kaya agad silang napayuko

"Calm down Ryu! Hindi pwedeng pamunuan mo ang grupo kung ganyan kadali ka magalit" pagpapainahon ni Hayami

"Fine! Hayami, come up with a new strategic plan, may aasikasuhin lang ako, meeting adjourned" saad ko at agad na lumabas, mararamdaman kong may sumunod kaya agad akong tumigil at nilingon ito

"Let's talk" saad ni Tetsu

"Mayroon akong lalakarin, maybe next time" saad ko at ambang tatalikod ng hinarang niya ang daraanan ko

"Ano ba ang problema mo? Dika ba makaintindi?" Inis na saad ko

"Na ano? Na susugod ka sa lungga ng mga kalaban na walang plano?" nakataas kilay din na sagot niya

"At kailan mo pa gustong kumilos, huh? Pag may nangyari ng masama kay Rhyle?" sumbat ko

"Look, naiintindihan kita, okay? Lahat tayo ay nag aalala kay Rhyle at gusto nating lahat na protektahan siya, pero wag kang magpadalos dalos at baka mas lalo tayong mapapahamak"

"Tsk, I don't need your advice, kung ayaw niyong kumilos pwes hayaan niyo akong kumilos" inis na saad ko at tinabig siya kaya napatagilid siya

"You are the commander of the squad, mag isip ka ng tama Ryu, hayaan mong gawin ng bawat isa ang trabaho nila" saad niya bago siya tuluyang tumalikod din

Nagpatuloy ako sa pag alis at maingat na nagpapalinga linga habang tinatahak ang daan patungong dark kingdom, hindi rin naman lingid sa kaalaman ng mga iba pang bampira na nag-aaral dito ang tungkol sa portal ngunit iniiwasan lang namin na madamay pa ang mga taong walang alam sa alitang nagaganap sa pagitan ng mga angkan

Matagal narin namin minamanmanan ang portal kung sakaling dito nga lumalabas ang mga demonyong gustong tumugis kay Rhyle dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin namin mahanap hanap ang lunggang pinagtataguan nila dito sa mundo ng mga tao kaya patuloy kaming nagmamanman at baka sakaling may mahanap kaming impormasyon sa kuta ng mga sumasalakay na mga demonyo sa mundo ng mga tao

Bukod sa kay Rhyle na nais nilang ipatugis, nababalitaan na rin kasi ngayon ang sunod sunod na pagkawala ng mga tao sa bawat lugar, we vampire's are still in the said treaty but those wicked demons did break the treaty and want to hold the powers alone, at kahit na alam namin ang kuta nila dito sa dark kingdom, mahirap parin sumugod ng padalos dalos for they have the advantage on their number and chants, hindi naman namin kayang idamay ang mga taong walang kalaban laban kung sakali mang may mangyaring digmaan sa hinaharap

I did enter the portal at maingat na dumeretso sa kuta ng mga bampira, mula ng mapatay kasi ng mga demon ang dating hari at reyna ng dalawang angkan ay sila na rin ang namuno sa altus (capital city of dark kingdom), marami pa rin ang mga bampirang naroroon at bihag nila, isa sa dahilan kung bakit kailangan namin silang patalsikin sa trono at alisan ng kapangyarihang mamuno dahil sa pagpapahirap nila sa mamamayan ng dark kingdom

Kung dati ay isang magiliw'ng bayan ang dark kingdom, ngayon ay naging isa na lamang itong kinatatakutang lugar, wala naring mga taong pumupunta dito hindi kagaya noon na namumuno pa ang mga yumaong pinuno ng bayang ito

"Ryu-sama, bakit po kayo nandito?" pagkarating ko ay agad na salubong sa akin ni Daniella ang pinagkakatiwalaang kanang kamay ng aking ama

"Nasaan ang hari?" kapakuwa'y tanong ko pabalik

"Kaalis lamang po ng hari kani-kanina lamang pabalik sa mundong ibabaw" sagot niya

"Ganoon ba, kung ganoon ay pakisabing napadaan ako kung sakali mang bumalik siya rito" sagot ko

"Ahh baka po kasi bumalim din siya sa Academy, kung may gusto po kayong pag-usapan at hindi niyo po nais na ihabilin na lamang, mas mabuti pong doon niyo na lang po siya hintayin" mahabang litanya niya

"Iwan mo na muna ako at ako'y magpapahinga ng saglit lamang" saad ko, tumango siya saka nakayukong umalis, agad kong isinara ang pinto ng opisina ni ama at naghalungkat sa mga gamit niya, may hahanapin lamang akong impormasyon, masyadong nakakapagduda na bigla na lamang bumalik ang kumag na yun

Pero lumipas ang ilang oras ay wala pa rin akong mahanap ni clue man lang kung saan nagpunta ang gagong yun sa nakalipas na ilang taon kaya napabuntong hininga na lamang ako at napasandal sa swivel chair sa harap ng table, frustrated na napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa inis

"Paumanhin master Ryu pero may namataan daw ang mga gwardya na nakapasok daw sa teritoryo" bigla ay sambit ng kakapasok lang na si Daniella

"Inalam ba ninyo kung sino?" tanong ko, bihira lamang ang napapadpad dito sapagkat nasa liblib nang parte ng Dark kingdom ang lugar na ito

"Hindi pa po" nakayukong sagot niya, dali dali na lamang akong tumayo upang alamin kung sino ang tinutukoy nila

"Bakit hindi man lang ninyo naramdaman? Saan huling namataang direksyon patungo ang mapangahas na yan?" tiim bagang na tanong ko

"Huli po siyang namataan sa daan patungong altus po, tumatakbo po siya na tila may tinatakasan" sagot niya kaya dali dali na akong lumabas at tinahak ang daang sinasabi nila

Mahigpit ang daan na ito sapagkat maraming bantay kaya hindi pwedeng pumasok ang sino man na hindi nakatira sa loob ng altus, kung sino man ang mahuli ay agad na papatawan ng parusang kamatayan at tanging matataas na opisyal lamang ang maaaring lumabas

Dali dali akong nagtago ng maramdaman ko ang mga paparating na yabag

"Ano? may nahanap kayo?" nang marinig ko ang boses na yun ay napakuyom na lamang ang aking kamao, tama nga ang aking hinala na walang mabuting dulot ang pagbalik ng traydor na iyon

"Wala pa po, pero sigurado po kaming may ibang nakapasok, kakaiba po ang amoy niya dahil magkahalong tao, bampira at may halong demon, hindi po namin mawari kung ano ba talaga siya" sagot nung mga gwardyang kausap niya kaya bigla na lamang tumambol ang aking puso ng dahil sa kaba

There is no other creature who posses those qualities but only Rhyle, Shit!!!

Dahil sa aking kaba ay aalis na sana ako sa aking pinagtataguan upang hanapin siya ng paglingon ko sa dikalayuang direksyon sa gawi ko ay nakita ko ang babaeng nakayuko habang nakayakap sa kanyang tuhod kung minsan pa'y palinga linga ito sa gawi sa harap kung nasaan naguusap ang mga gwardya kanina

Nakita kong papalapit na ang isang gwardya sa gawi niya kaya dali dali akong tumungo palapit at tinakpan ang kanyang bibig saka maingat na inakay sa aking puwesto kanina habang patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas

"Mtwan mongo, mhiwan moho!!" nagpupumiglas na saad niya habang pilit na inaalis ang pagkakatakip sa kanyang bibig

"Shhh...calm down, it's me" mahinang bulong ko at agad na inalis ang pagkakatakip sa kanyang bibig

"R-ryu?" takang tanong niya, sinenyasan ko siyang wag maingay kaya nagpalinga-linga siya saka napabuntong hininga

"Where am I?" naguguluhang tanong niya at diretsong tumingin sa aking mga mata kaya napalunok na lamang ako

"Let's talk about it later....we need to get out of here first" saad ko at ibinaling sa iba ang aking atensyon

DOoMed in a VAMPIRE'S HAWLWhere stories live. Discover now