Kabanata 11

14 2 0
                                    

Kabanata 11

Cold

One word to describe this baking session DISSASTER. Hindi ko alam kung anong mahika ang ibinigay sa akin ng nanay ng amo ko para mapapayag ako sa session niyang ito. Until now, I can still remember the fluster in me every time she gave her new order, and as expected I always end up in a mess.

"Don't over mix that."
"Get three and a half of granulated sugar."

"Preheat the oven"

"You should boil the water and melt the dark chocolate."

"NO! Don't mix that!"

Her voice is still lingering in my head and it always brings shivers in me. Good thing is naghihintay na lang kami na maluto yung part na ginawa ko. Nauna na kasi kaninang naisalang yung mga cookies na ginawa ni Tita Kristine kaya itong sa akin na lang ang hinihintay naming matapos.

To be honest I am only 3% confident with these cookies I've made. I don't know how I end up with that kind of mixture but I think there's something wrong with those cookies.

 No, I am sure there's something wrong those cookies.

Now, I'm all alone here in the room because Tita Kristine- my boss mom went out to receive her new parcel. I look at the clock to check the remaining time.

I still have 5 minutes bago maluto yung mga cookies.

Kaya lumabas na muna ako sa kwarto. I need to find the bathroom. I wander my eyes to find any person who can guide me towards the bathroom.

Ano ba naman kasing bahay 'to, mukhang dadalawa lang naman sila pero ang laki-laki.

"Excuse me." Tawag ko sa isang kasambahay na nakita ko. Tumingin naman ito sa gawi ko. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay unti-unting nawala ng makita niyang ako ang tumawag sa kaniya. Mukhang mas matanda ako dito ng dalawa o tatlong taon.

"Bakit?" paismid na sagot nito sa akin. Tumaas naman ang dalawang kilay ko dahil sa turan niya. Pero binalewala ko na lang. Baka wala lang talaga siya sa mood ngayon.

"Saan yung bathroom?" nakangiting tanong ko dito.

Umirap ito sa akin at saka tumuro sa kanang banda namin. "Doon. Hanapin mo lang doon." Sabi pa nito at saka pinagpatuloy ang pagpupunas ng mga figurines sa daan.

"Anong klaseng ugali yan Ella?" Napatingin ako sa bandang likod ko ng marinig ko iyon. Mayroon isang matandang babae ang naglalakad papunta sa pwesto namin.

"Ano po Nay? Nagtatanong lang po sa akin si ma'am kung saan daw po yung bathroom." Nakangiting sabi nito.

"Huwag ka ng magsinungaling pa. Kanina pa kita pinapanood sa pagsagot mo sa bisita nina ma'am at sir. Ngayon pa lang ay humingi ka na ng tawad." Napatungo naman si Ella dahil sa sinabi ng matanda. Mukhang ito ang mayordoma sa pamamahay ng mga Mondragon.

"Pero Nay wala naman.."

"Tumigil ka na Ella. Alam natin pareho na mali ang nagawa mo. Paano na lang kung nakita ka nina ma'am? Ano na lang iisipin nila? Na nasayang lang ang pera nila para suportahan ka sa pag-aaral mo? Kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo humingi ka ng paumanhin sa bisita nina Ma'am."

"Huwag na po. Okay lang po. Mukhang masama lang talaga ang araw ngayon ni Ella." Pagsingit ko sa usapan nila. I'm not ready to here and watch any lecture.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now