Kabanata 3

46 24 0
                                    

Kabanat 3
The Devil

"So san ka na ngayon?"

"Sa totoo lang hindi ko pa alam. Kailangan ko ngayon ng trabaho at higit sa lahat ng matutuluyan. Alangan naman magpalaboy-laboy lang sa kalsada ang ganitong mukha" nag beautiful eyes pa ako sa kaniya habang magkadikit ang palapulsohan ko and making a V shaped using my palms under my chin.

Tumawa lang siya at lumapit sa lababo

"And what do you mean by that kind of 'face'?" at talagang pinagdiinan niya pa ang huling salita.

Sasagot pa sana ako ng biglang mag-ring ang kaniyang telepono. Nagpahiwatig naman muna siya sa akin na sasagutin niya ito kaya tumango na lang ako sa kaniya.

"Hello Justine?" bati ng nasa kabilang linya. Mukhang naka loudspeaker ang cellphone niya.

"Ano na naman ba ang kailangan mo?"  ngumiti ako sa kaniya ng mapatingin siya sa pwesto ko.

"Anong oras ka ba pupunta dito?"

"Bakit namimiss mo na ba ako?" Nang uuyam na sagot ni Justine.

Napairap naman ako dahil dito.

"Damn. Bilisan mo na nga lang bago ako pa ang mapag tuunan ng galit ng anak ni Lucifer"

Sabay silang natawa dahil sa turan nito.

"Ano pa bang bago diyan. Araw-araw naman yatang galit yan eh"

pero imbes na boses ng kaninang kausap ni Justine ang aming marinig ay bigla na lamang itong nag-iba.

"What the f*ck is this all about. Hindi iyan ang desinyo na hinihingi ko! Sini-swelduhan ko kayo tas ito ang ibibigay niyo!"

Nagkatinginan kami ni Justine ng marinig namin ang sigaw na iyon.

"Martha! Connect me to the CEO of the Titan Airlines!" halos mapatalon naman ako sa aking upuan ng sumigaw ito. high-pitch naman ang lalaking ito.

"Where's the F*ck is Justine!" nakita kong napangiwi si Justine ng marinig niya ang pangalan niya.

"Hoy loko hanap ka na ng anak ni Lucifer" Halos bulong ng lalaking kaninang kausap lang ni Justine.

"G*go hindi anak ni Lucifer yan" sabi naman ni Justine

"Eh ano?"

"Si Lucifer mismo iyan" sabay silang natawa.

"Clarkson! Si Justine ba ang kausap mo?" halos ako naman ang matawa ng makita ko ang itsura ni Justine ng marinig niya ang boses ng kanilang pinag-uusapan.

"Justine, what time is it now?! Bakit wala ka pa dito sa opisina hindi dahil COO ka dito ay pwede ka ng hindi pumasok sa tamang oras. And find me another PA the one you hired before is another useless. Hindi ka gumraduate sa Harvard para makahanap ng mga walang kwentang tao. Use your knowledge in finding an efficient Personal Assistant"

"Gumraduate ako ng Harvard tas paghahanapin niya lang ako ng PA niya ano niya ako secretarya?" bulong niya dahilan ng paghagikhik ko.

"What did you say?"

"sabi ko hahanapan na kita and mamaya lang ay meron ka na uling bagong Personal Assistant."

Hindi na sumagot pa ang nasa kabilang linya.

"San naman kaya ako makakahanap ng bagong P.A ng lalaking iyon?" wala sa sariling bulong ni Justine habang papaupo sa tapat ng kinakaupuan ko.

Bigla naman siyang napatingin sa akin ng mga ilang Segundo kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw na lang kaya, total naghahanap ka naman ng trabaho ngayon diba at hindi mo na po-problemahin pa ang matutuluyan mo dahil ang kompanya na ang magbibigay sayo noon"

Feeling ko nagningning ang mga mata ko sa kung anong narinig ko.

Pero based sa narinig kong paguusap nila kanina mukhang hindi madaling maging isang empleyado niya. 

Makakaya ko ba?


----------------------

Please click the star below and add some comment. Thank you :)

This story is a work of fiction. The names, characters, place, business, events, and incidents are all product of the author's imagination. Any resemblance to the actual persons, living or even dead is pure coincidental.

© m a e s z h a

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now