Kabanata 8

44 4 0
                                    

Kabanata 8
Late

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko ng makarinig ako ng malalakas na katok mula sa labas. Ang aga-aga naman mambuwisit ng amo ko. Hindi ko na tiningnan at inayos ang itsura ko bago ako tumungo sa pintuan para pagbuksan ito. 

Ang masungit na amo ko lang naman ito.

"Good morning din boss" bati ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan. I scratched my head because of annoyance. Kulang na kulang ang tulog ko dahil sa mga pinatapos niyang files kagabi.

It's been five months since I became his personal assistant, so far wala naman akong naging problema sa kaniya, well maliban sa pagiging masungit at suplado niya, but I think that's his asset- please note the sarcasm.

"What took you so long to open this fuckin' door. It's already past 7 and there is still no breakfast in the kitchen." Napatakip ako sa magkabilang tenga ko dahil sa malakas na turan nito.

"Hindi ko naman boss kasalanan na napahaba ang tulog ko. Ikaw ba naman kasi napakadami mong pinagawa" siguro kung may nagbago man sa relasyon namin bilang isang employee at employer is yung mas naging kumportable na ako sa pagsagot sa kaniya.

"So you're saying that it's my fault." I chuckled instead of answering him. Nahagip ng mga mata ko ang orasan na nasa side table ko, it's already 7:47 in the morning. Siguradong late na naman ako nito.

"Why are you wearing contact lens?" Napaamang ako sa tanong niya.

"Ha?" I asked.

"You are wearing contact lens" Nanglaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. I laughed  before answering him.

"Tiningnan ko kasi kanina kung babagay ba sa akin tapos inantok ulit ako kaya bumalik ako sa higaan ko. Nakalimutan ko ata na tanggalin kanina. Bagay ba sa akin boss?" Marahan ko pang ipinikit-pikit ang mga mata ko sa harapan niya.

"No." he said before turning his back at me.

"Now get ready because I'm a hundred percent sure that you'll be late...again." He wave his hand at me. Ngayon ko lang din napansin na nakapang office attire na siya at ready ng umalis.

"Boss hintayin mo na ako. Promise madali lang ako" Sigaw ko sa kaniya pero parang sumigaw lang ako sa wala dahil nagpatuloy lamang siya sa paglalakad at ni hindi man lang tumingin sa gawi ko. Minsan may mga araw na sumasabay na ako sa kaniya sa pag pasok pero madalas talaga ay nagco-commute lang ako dahil sa bagal kung kumilos at hindi niya na ako mahintay pa.

Dali-dali akong pumasok sa banyo ng kwarto ko para makapag ayos na. After 30 minutes or so ay handa na ako sa pag alis, sinigurado ko muna ang ilang bagay sa bahay bago ako tuluyang lumabas dito. Mabuti na lang at mayroong taxi na dumaan malapit dito sa bahay kaya naka sakay ako ka agad. Ilang minuto pa ay nasa harap na ako ng kompanya.

"Mukhang late ka na naman Ma'am ah" natatawang sabi sa akin ni Kuya Roel. Si Kuya Roel ang security guard dito sa harapan.

"Oo nga kuya. Gusto ko kasi na i-beat yung record na may pinakamaraming late dito." Pareho kaming natawa dahil sa sinabi ko. After kung mag log in at i-punch ang identification card ko ay dumiretso na ako sa loob.

"Wait!" Halos napatingin ang lahat ng tao na dito sa akin dahil sa sigaw ko. They can't blame me, I'm trying to catch the attention of the people or the person in the elevator. Mabuti na lang at may pumigil dito at nakahabol ako.

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now