Kabanata 2

53 25 0
                                    

Kabanata 2
Swerte

Saan na ako pupulutin ngayon.

Naglalakad ako ngayon papalayo sa dati kong tinitirhan. Para na akong baliw palakad-lakad ng walang partikular na patutunguhan.

Balak ko sanang pumunta na lang kay ate Trish para doon sana muna magpalipas ng gabi kaso bigla naman ako tinamaan ng hiya, sobrang dami na kasi ng naitulong niya sa akin at hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na may malaking problema ngayon na kinakaharap ang kanilang pamilya.

Masyado ng madilim dito sa parte ng dinadaanan ko, maraming talahib at kung ano-ano pang mga ligaw na tanim ang nasa gilid ng daanan. Wala pang masyadong mga tao ang napapadpad sa parting lugar na ito.

Kaya naman medyo binilisan ko na ang paglalakad, nagbabaka sakaling makarating ako kaagad sa lugar na may mga tao o kahit kabahayan.

Pero mukhang iniwan ako ng swerte ngayon dahil wala pa nga akong nakikitang kabahayan ay bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Ano pa bang kamalasan ang makukuha ko ngayong araw na ito.

Lakad-takbo na ang ginawa ko para mas mapabilis ang paghahanap ko ng bahay na maaaring masilungan ko ngayon, at di rin nagtagal ay nakarating ako sa pinakamalapit na subdivision.

Mukhang pinapatunayan din ng swerte na nariyan pa rin siya sa akin, ng makita kung walang tao ngayon dito sa guard house.

Pwede na akong magpalipas ng gabi dito wala naman sigurong pupunta ditong ibang tao lalo na't masyadong malakas ang ulan.

--

NAGISING na lamang ako ng may marinig akong tao sa labas, may kausap ata siya sa telepono.

Inilibot ko ang aking tingin at napansin na maliwanag na pala sa labas. Mukhang dito na talaga ako nakapagpalipas ng gabi.

"Hello? Oo pupunta ako diyan, pero hindi ko pa sigurado kung anong oras."

Dinig kong sabi pa niya. Dali-dali naman akong tumayo sa aking pagkakahiga at inayos ang mga gamit at pati na rin ang sarili ko. Kung hindi ako nagkakamali ay papalapit na dito sa guard house ang boses na narinig ko.

"May kailangan pa akong i-check dito sa Camaraderie, wala kasi yung guard na dapat na nagbabantay dito ngayon, nakalimutan ko na nagpaalam pala siya sa akin na magle-leave ng dalawang araw"

Doon ko lang napansin na may mga gamit pala dito sa loob ng guard house, mayroong isang computer at mga papel na nakalagay sa taas ng cabinet.

Naagaw naman ang atensyon ko ng nakita kong gumalaw ang door knob tanda na mayroong magbubukas ng pinto. Napakagat  ako sa ibabang labi ko at nagisip ng maaaring paliwanag sa taong papasok dito.

"okay, I'll hang up no---sino ka?!"

Bigla naman akong napatalon dahil sa gulat ng bigla nalang siyang sumigaw pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.

Una kong napansin sa kaniya ay ang luntian niyang mga mata na diretsong nakatingin sa akin. Bakas ang gulat at pagtataka rito.

"ahh.. ano.."

Hindi ko naman natuloy ang pagsasalita ng bigla siyang lumapit sa akin at hinigit ang braso ko.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka no?"

Padarag niya akong hinila papalabas ng guard house.

Ang sungit naman nito.

"T-Teka hindi ako magnanakaw, nagpalipas lang ako ng gabi dito. Wala kasi akong matutuluyan kagabi, lalo na at bumuhos pa ang ulan."

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now