Kabanata 6

34 8 0
                                    

Kabanata 6
Fired

Naka upo ako ngayon dito sa sofa ng opisina ni Sir Drix. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Halatang galit na galit na talaga siya.

Nakita ko naman ang naaawang tingin sa akin ni Ate Martha.

"Ano hindi pa rin ba sumasagot?" His jaw clenched because of annoyance. Kanina niya pa kasi pinapa contact si Justine.

"Not yet Sir. But I already send him a message." sagot ni Ate Martha. "Pero diba sir may flight ngayon si Sir Justine papunta sa Singapore. Siya po ang pina attend niyo para sa meeting doon?" Alanganing dagdag ni Ate.

"Damn" sambit ni Sir.

Tumalikod siya sa amin at saka dumiretso sa kaniyang lamesa. Malinis na ito ngayon. Wala na ang mga nabasang papeles at wala na ring bakas ng anumang kape.

Papaupo na dapat siya ng mag ring ang telepono na nasa lamesa niya.

"Hello Lucifer? Bakit kanina pa tumatawag si Ate Martha? Nabasa ko sa message niya na gusto mo daw akong maka-usap? Anak ng.. ako na nga ang pinatapon mo dito sa boring na meeting na 'to tapos kailangan mo pa ako diyan. Baka mamaya ibigay mo na rin sa akin mga trabaho mo?" Mahabang litanya ni Justine. Naka loudspeaker kasi ang telepono kaya malaya naming naririnig ang pinagsasabi nito.

Sabay kaming napabungis-ngis ni Ate Martha dahil sa pangalang sinabi nito.

"What did you just call me?" Nakataas ang kilay na sabi ni Sir Drix.

"Hahah. Sabi ko Kris na kasing hot ni Lucifer." Halatang kinakabahang sagot niya.

Napalakas na ang tawa ni Ate Martha dahil sa sinabi ni Justine, kaya napunta ang atensyon ni Sir Drix sa pwesto namin. Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Sh*t does it sound right"  Bulong ni Justine na mukhang nakalimutang ilayo ang hawak niyang telepono, kaya narinig pa rin namin.

"You son of b*tch! You come back here in an instance and I'll make you feel the wrath of Lucifer." Sigaw ni sir Drix.

"Heheh. Pero ba't mo nga pala ako gustong makausap?" Pag-iiba ni Justine ng pinaguusapan. Halatang nang uuto pa. 

Tsk.

At ito namang uto-uto ay nakalimutan na agad ang kasalan ni Justine "Oh right, I want you to get rid of this girl. She's supposed to be my personal assistant but she only cause headache to me. Imbis na makatulong ay mas lalong pinapadami ang gagawin ko." Napasimangot ako dahil sa narinig.

"Si Selene? Ba't na naman?" Halata sa boses ni Justine ang pag-aalala.

"She ruined my papers! I want her out of my company, I don't need a useless employee and find me another one. Make sure that it's responsible not useless like this one" Tumingin siya sa akin, kaya itinungo ko na lang ang mukha ko. I don't want him to see my tears.

"No, Give her another chance and if she make another mistake I promise ako na ang sisisante sa kaniya" Napatunghay ako ng marinig ko ang sagot ni Justine.

Grabe na ang naitulong niya sa akin, kailangan ko na talagang bumawi sa kaniya. Tumingin ako kay Sir Drix ng mapansin kung hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.

"Selene" Napunta ang atensyon ko kay Ate Martha ng tawagin niya ako. She gave me the box of tissue. Hindi ko napansin na namalibis na pala ng tuluyan ang mga luha ko. I don't know if it is because of disappointment to myself or simply because of the gratitude towards Justine.

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now