Kabanata 10

34 3 0
                                    


Kabanata 10

Doomed

Alanganin akong ngumiti sa nanay ng amo ko matapos niyang lagyan ng pagkain ang plato ko. Parang nabaligtad ang lahat ng pangyayari matapos kung banggitin lang kanina ang pangalan ko. Noong una ay natakot pa ako dahil mukhang istrikta at mataray ang nanay ni Boss. Pero nabigla na lang ako ng agad niya akong higitin papasok sa loob ng bahay nila at dali-daling pinaupo sa harap ng hapagan.

"Mom stop that. You're making her uncomfortable" Halata na sa itsura ni Drix ang inis dahil sa pinaggagawa ng nanay niya sa akin.

"No I'm not! Right Selene?" malambing na ngumiti ito sa akin.

Ngumiti na lang din ako sa kaniya bilang sagot kahit na gusto ko ng sabihin na Opo. Bumaling na lang ako sa katabi kong si Drix at saka bumulong.

"Hayaan mo na boss. Ano ka ba." Ngumiti na lang ako sa kaniya.

"Tsk." Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Pero hindi ko mapigilan na mapatingin kay Mrs. Wilson ng marinig ko siyang humahagikgik sa harapan ko.

"Mom!" napapitlag ako ng biglang nagtaas ng boses si Drix. Wala talagang paggalang ang lalaking 'to. Tsk.

Pero mukhang sanay na ang mga magulang nito sa ugali niya dahil imbis na magalit ay tinawanan lang ito ng mag-asawa.

"What? I'm not doing anything" Mrs. Wilson said.

"Stop it wife. You're making them awkward." Nakangiti namang saway ni Mr. Wilson.

"I heard you got the 'yes' of Bourbon." Baling nito kay Drix.

"Yeah. Actually we just came from a meeting with him."

"Way to go son! After how many companies who tried to pursue Bourbon, it is you and your company who gained his trust." Makikita mo talaga sa mukha at ngiti ng ama ni Drix ang pagkaproud nito sa anak niya. Lihim naman akong napangiti dahil dito.

"It is all because of Selene." sabi pa ni Drix. The side of his lips rose up as he looks at my direction.

"Selene?" nagtatakang tanong ng mag-asawa sa amin. Kita ko pa ang mapanabik na mga titig sa akin ni Mrs. Wilson matapos niyang marinig ang pangalan ko. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya at saka tumungo sa plato ko.

Awkward

Huminga ng malalim si Drix at saka ipinaliwanag ang nangyari kanina. Hindi rin nagtagal ay naintindihan na ng mag-asawa at saka nakangiting tumingi sa akin.

"Thank you iha."

"You are so great, daughter. Where did you learn speaking in Spanish?" Alanganin akong ngumiti kay Mrs. Wilson at hindi na pinansin pa ang kung anong tawag niya sa akin. Napansin ko naman ang tingin sa akin ni Drix, mukhang naghihintay sa sagot ko sa tanong ng nanay niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko bago ako tuluyang sumagot. "Mahilig po kasi akong magbasa basa nung bata ako at medyo fast learner din that's why I learned the Spanish language. Tsaka may kaibigan po akong marunong talaga ng Spanish kaya mas lalong nahasa yung idea ko about that specific language." Nakita ko ang manghang tingin sa akin ng mag-asawa lalo na ni Mrs. Wilson kaya napatingin na lang ulit ako sa kinakain ko. Naramdaman ko na hindi pa rin ina-alis ni Drix ang tingin niya sa akin kaya ibinaling ko din ang atensyon ko sa gawi niya.

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. I smiled at him and mouthed Why? Umiling lang ito ng marahan at saka ipinagpatuloy ang pagkain. I inhaled deeply because of the intensity of his stare. I don't know what's with me but every time I saw him looking at me like that I can feel the uneasiness in me.

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now