Kabanata 4

52 17 0
                                    

Kabanata 4
Cliché

Nandito kami sa isang coffee shop. Sabi ni Justine malapit lang daw dito ang opisina ng kaibigan niya.

"Dito ka na muna, may tatawagan lang ako" nakangiting sabi sa akin ni Justine.

Bulang sagot, ngumiti at tumango na lang ako sa kaniya.

"Umorder ka na lang. Huwag kang mag-alala ako na ang mag babayad alam ko naman na mas mahirap ka pa sa daga ngayon." tumatawang sabi niya sa akin. Inirapan ko na lamang siya. Sa diko alam na dahilan ay hindi ako nainis o nainsulto sa sinabi niya, siguro dahil alam kong totoo o dahil sa kaunting panahon na naguusap kami ni Justine ay alam ko na ang mapang-inis niyang ugali.

"Umalis ka na nga at gawin mo na ang gagawin mo at ng maka-alis na tayo dito. Hindi ata bagay ang mga dukha dito eh" pangsasakay ko sa sinabi niya.

Mas lalong lumakas ang tawa niya dahilan ng pagtingin ng iba pang mga costumer sa pwesto namin.

Mukhang hindi naman pinansin ni Justine ang pagtingin ng mga tao sa amin dahil pinanggigilan lang nito ang magkabilang pisngi ko.

"Awrayy, bitchiwan mo ako" nakinig naman siya sa akin at binitiwan ang magkabilang pisngi ko.

Sa tingin ko bumakat sa pisngi ko ang pagkurot niya. Tsk. Tiningnan ko siya ng masama.

"Umalis ka na nga" Nang makalayo na si Justine sa pwesto ko napansin ko na todo kung makatingin ang mga babae dito sa loob ng cafe sa kaniya. Girls are drooling after him.

Tumayo na ako sa pwesto ko at lumapit sa counter para umorder at dahil may mas nauna pa sa akin sa pila ay pumili na muna ako sa menu nila na nakapaskil lang sa gilid.

"What's your order miss?" nakangiting tanong sa akin ng babae.

"One latte macchiato and one espresso please"

Inulit pa muna ito ng babae bago siya tumalikod para ihanda ang order ko. Habang naghihintay ako ay bigla na lamang akong nakarinig ng bulungan at hagikhikan sa likod ko. And because of my curiosity ay tumingin ako sa likod.

And there I saw a man wearing an aviator. He's also wearing a black trouser and white polo na itiniklop ang manggas hanggang siko.

This man is a hottie lalo na ng isinuklay nito ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok.

"Ma'am ito na po ang order ninyo" napukaw ang atensiyon ko ng magsalita ang kahera. Ibinigay ko naman sa kaniya ang perang iniwan kanina ni Justine.

"Mark, pa assist naman si Ma'am" pagtawag ng kahera sa isa pang empleyado.

"Naku huwag na ako na lang kaya ko naman. Thank you" nakangiting sabi ko.

Kinuha ko na ang tray na pinaglalagyan ng order ko, papunta na sana ako sa pwesto ko kanina ng mapansin ko na papalapit dito sa kinatatayuan ko ang lalaking kakapasok pa lamang.

Mago-order ata.

Kaya naman ay tumabi na ako para makadaan na ito, ngunit hindi ko napansin na sa pagtabi ko ay mayroon palang naglalakad din sa likuran ko dahilan ng pagkabangga ko dito. Déjà vu? Hindi dahil sa puntong ito hindi ang nakabanggaan ko ang natapunan ng dala-dala ko, kundi ang lalaking kakapasok pa lamang.

"F*ck" mura nito. Napangiwi ako ng makita ko ang puting polo na suot-suot nito kanina ay nagkaroon na ng malaking mantsa.

Nakuha na rin namin ang atensiyon ng iba pang costumer dito sa coffee shop.

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now