Kabanata 5

47 14 1
                                    

Kabanata 5
Annoyed

"No!" napangiwi ako ng marinig ko ulit ang katagang iyon.

"Ano ka ba naman Kris. Para yun lang yung nagawa niya eh and besides you don't need to judge her by just what happened to both of you" ani ni Justine.

Actually kanina pa sila nagsasagutan at nagpapaliwanagan diyan. Si Justine ay pinapaliwanag kung bakit dapat 'daw' matanggap ako sa trabaho at ito namang lalaking pinaglihi ata sa sama ng loob ay ayaw makinig.

"Well, that 'happened' to both of us is already gave me a reason to not accept her. I don't need someone who is stupid and clumsy. So my answer is still a NO."

Aba't kanina niya pa akong tinatawag na stupido ah. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Clarkson na nasa tabi ko lang.

Tumingin ako sa kaniya at nakita kung inilagay niya sa labi niya ang kaniyang hintuturo. He wants my silence.

"Ok fine. Don't accept her. Pero ikaw na ang maghanap ng sarili mong P.A." pano na yan, kailangan ko pa naman talaga ng trabaho.

"I'll just hire her under my department. Ewan ko na lang kung may mahanap ka pang P.A mo ngayon. Eh diba marami pa ang gagawin mo and if I am not mistaken your meetings up until next month are hectic and it's all from big investors" Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Dahil halatang halata kay Justine ang pang iinis nito sa lalaki.

My eyes diverted to Kris to see what is his reaction. I almost laugh when I saw him massaging his temple while his jaw clenched.

"Fine. I'll accept her" halos magningning ang mga mata namin ni Justine dahil sa sinabi niya. I also heard Clarkson chuckled right beside me.

"...but once she do inappropriate things I'll fire her without a second thought" tumango tango ako sa kundisyon niya.

Excited na lumapit sa akin si Justine at saka ako hinila patayo. Sabay kaming tumalon talon sa loob ng opisina ni Kris dahil sa tuwa. Narinig ko naman ang tawa at pag bati sa akin ni Clarkson.

"Yehey may trabaho na ako!" madramang sabi ko kay Justine habang tumatalon talon pa rin.

"Oo! At dahil yun sa akin. Hindi ka na magiging pulubi Lene" nakangiting ani nito. Dali-dali naman akong bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin saka binigyan siya ng napakalakas ng batok.

"Grabe ka---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang napakalakas na angil ng boss ko.

"GET OUT OF MY OFFICE!!" mabilis na nag hiwalay kami ni Justine at wala pang tatlong segundo ay nasa labas na kaming tatlo. Ako, si Justine at si Clarkson.

---

"Sir, nandito na po yung pina arrange niyo" sabay lapag ko ng mga folder.

Pina arrange niya sa akin ang financial report na galing sa Finance department simula sa nakalipas na taon hanggang sa nakaraang buwan.

"Just put it there" sagot niya at tsaka tinuro ang kabilang lamesa.

"May ipapagawa pa po ba kayo?" Tanong ko ng pagkalapag ko ng mga folder sa lamesa.

Tiningnan niya lang ako ng madali at saka umiling.

"Sige po. Doon lang ako sa lamesa ko" napasimangot ako ng hindi niya man lang ako sinulyapan.

Hmphh.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa opisina niya ay dumiretso ako sa lamesa ko. Agad akong sumalampak sa upuan ko dahil na rin sa pagod.

Our Amaranthine LovestoryWhere stories live. Discover now