Chapter Three

116 12 9
                                    

Chapter 3

Life is precious. It’s the best thing God has given to us. So instead of cutting it, love it and live it to the fullest. Be thankful for the good life. May iba kasing mga taong gustong gusto pang mabuhay pero hindi na nila kaya, gustong gusto pa nilang i-enjoy ang buhay pero mahirap na.

I’m so thankful I’m still alive right now after what happened to me. I also learned a lesson. To not trust a guy you just knew through internet. That’s my mistake. I’m so desperate to find a guy who will love me to the point I didn’t think the negativity. I’m so determined to meet and see him that’s why I immediately fly here pero hindi ko man lang napa background check kung anong klaseng tao siya. I have the money pero hindi ko man lang nagamit sa kapakanan ko.

I search at the internet to find where’s the nearest and popular hotel here in Cebu. I find Marco Polo located at the Apas, Cebu City so I grab a taxi at nagpahatid doon. Nakarating ako agad at nagbayad.

Hila-hila ko ang maleta habang tinignan ang kabuoan ng building. This is so freaking big, expensive and nice. Nakakalulan ang ganda ng lobby, this is freaking nice. Nag check in agad ako at ibinagay sa ‘kin ang key card. I sat at the bed at napakalambot nito. I stared at the ceiling at nahiga sa kama. This day is so tiring. Kakadating ko pa nga lang anrami ng nangyari sa ‘kin. I close my eyes and dozed off to sleep not minding my clothes.

Nakapaa ako habang nilalakbay namin ang kahabaan ng kalsada. Dala-dala ni Mama ang isang bag na may lamang mga damit ko. Umiiyak ako kasi kahit kinse anyos pa lang ako ay may muwang na ako sa mundo at alam na kung ano ang ibig sabihin nito.

"Ma, saan po tayo pupunta?"

Tinitigan ko si mama at may namuong luha sa gilid ng mga mata niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko at hinila lang ako sa kamay. Patuloy kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa palengke. Alas sais na ng umaga at marami ng mga tao sa palengke. Tumigil kami sa paglalakad at ibinaba ni mama ang bag na dala niya.

"Aalis na kami papuntang Bohol, kulang ang aming pera para ipambili ng ticket. Ang nakayanan lang namin ay ang akin, sa papa mo, kay Marielle, Marie, Marina at Maya. Iniwan namin sa kabilang kanto ang Kuya Mark mo dahil nandoon ang kanyang mga kaibigan, si Marlo at Manro naman ay sumama sa mga barkada niya tapos ikaw wala ka namang kaibigan kaya rito ka na."

"M-ma... Parang awa mo na... ‘Wag mo akong iwan dito. Isama niyo na lang po ako sa Bohol. Magpapakabait po ako promise..." Umiiyak na sabi ko.

Tinanggal niya ang mga kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Hindi. Dito ka na. Napakarami niyong magkakapatid Maria! Hindi ko na kayo kayang buhayin lahat! Hirap na hirap na ako sa inyo kaya ikaw naman ang maawa sa ‘kin. Iiwan na kita rito."

"Anong kaibahan ko sa mga kapatid ko Ma? Bakit sa lahat ng babae ay ako lang ang maiiwan? Hindi naman po ako naging pabigat sa inyo..." Tuluyan na akong napaluhod at napahikbi.

Umiwas siya ng tingin at iwinaksi ang aking kamay. "Tumigil ka sa drama mo Maria. Ito na ang mga damit mo. Bahala ka na sa iyong buhay." Sabi niya at tumalikod.

Tuluyan na akong nanghina at napahiga sa gilid ng kalsada. Umiyak lang akong nakatanaw kay mama na tuluyan ng naglaho.

Napabalikwas ako at agad pinunasan ang noo sa sobrang pawis. I look at the Aircon and it’s open. It’s still seven thirty in the evening. Nakatulog ako ng higit tatlong oras lang. I striped off my clothes and enter the bathroom to freshen up. Hinayaan kung dumaloy ang tubig sa buong katawan ko. I close my eyes as I remember my dream. It’s been a month since I dreamed of those. Ngayon lang bumalik ang trauma ko maybe because someone triggered it—the rapist.

My Haven in Cebu | 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱Where stories live. Discover now