Chapter Twenty Two

65 3 0
                                    

Chapter 22

Totoo nga siguro ang sinasabi nilang kapag hindi mo na hinahanap ang tao ay siya na mismo ang lalapit sa ‘yo. Ang hirap kasi sa mga tao, kapag hinanap, ayaw magpakita at magtatago tapos kapag hindi naman hinanap, bigla na lang magpapakita.

"A-anak," manihang sambit niya at nilapitan ako. "Ang laki-laki mo na talaga. Gumanda ka rin lalo."

Umiling ako at umatras. "Anong ginagawa mo rito?"

Luhaan siyang humarap sa akin. "A-anak gusto lang kitang makita."

Pagak akong napatawa. Really? Gusto akong makita? Huh! Seryoso ba siya?

"Gustong makita o may kailangan ka?"

Patawarin ako ng diyos pero hindi ko na kayang makitungo sa kanya ng maayos. She left me! She let me experience pain! She abandoned me! She hurt me! Kaya bakit ko pa siya kakausapin huh?

"Anak hindi." Umiling siya at pinahiran ang luha. "Miss na miss na kita anak at gusto na kitang makita."

"Bakit mo nalaman na nandito ako? At bakit kilala mo si ate? Bakit nandito ka sa Cebu? I saw you on Leyte too! Akala ko ba sa Bohol na kayo titira?"

"Anak alam mo ba, ang mga kapatid mo nakapagtapos na rin ng pag-aaral. Ang mga kuya mo may mga asawa na rin. At.. at ang papa mo, pinagsisihan na ang ginawa niya."

That triggered me. "Pinagsisihan?! Nagpapatawa ka ba ha? Ma, walang konsensya niya akong sinaktan, binugbog, at muntik ng gahasain! Did you think may konsensya pa ‘yong taong ‘yon?! He abused me! H-he..." I didn’t continued what I said and just cry. Ang sakit, sobra.

Nilapitan ako ni ate. "Stand up, Maria."

"Anak hindi sinasadya ng papa mo ‘yon."

"Hindi sinasadya? Paulit ulit niya akong sinasaktan ma tapos sasabihin mong hindi sinasadya?! Potangina ‘wag mo akong pinagloloko kasi kahit anong sabihin mo, hinding-hindi ko kayo patatawarin sa mga kasalanang nagawa niyo?!"

Napahawak ako sa pisngi ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Ate Ann.

"Maria! Wala kang karapatang murahin ang mama mo! Despites of what they’ve done, you still haven’t had the right to curse at her!"

"Ate akala ko ba kakampi kita? Pinabayaan nila ako, hindi mo na ba naalala ang mga nangyari sa akin? They hurt me! Physically and mentally! Iniwan nila ako, pinabayaang maghirap!"

"Still! Siya na ang lumapit sa ‘yo at kumausap! You have to be calm to talk to her and listen! Palibhasa kasi masyado kitang na spoiled kaya gan’yan ka na rin! Kasalanan ko ‘to eh! Kahit anong kasalanang nagawa ng isang tao may karapatan pa rin siyang humingi ng tawad! Kung ang diyos nga ay napatawad tayo sa mga kasalanang nagawa natin, tayo pa kaya? Maria, wake up! Masyado ka ng nalunod sa galit mo!"

Hindi ako makapaniwala. Sinasabi niya ba sa ‘king patawarin ko si Mama?

"No. Kung ikaw madaling magpatawad, pwes ako hindi! Kung ikaw madalai mo lang makalimutan ang mga sitwasyon, pwes ako hindi." Tumalikod ako sa kanila at pumasok sa kwarto.

I crawled into my bed and cried my heart out. Why the world’s always unfair? Tao rin naman ako. Nasasaktan. I cover my mouth so the sobs wouldn’t come out.

Ito ‘yong ayaw na ayaw ko sa lahat, ang hina hina ko. I’m so weak in everything! Everything is tiring!

Inabot ko ang phone ko. I open my account to see if any of my friends or my boyfriend called me but none. I tried calling CJ but his not answering his phone. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Bakit ako kinakabahan?

My Haven in Cebu | 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱Where stories live. Discover now