Prologue

109 13 4
                                    

Tanging buntonghininga at irap lang sinasagot ko hanggang sa matapos kaming kumain. Ngayon, naglalakad na ulit kami pabalik sa bahay, hindi ko pa rin siya pinapansin. Nauna akong maglakad sa kaniya.

"Kleo, kausapin naman ako ng maayos. Please lang!" Ngayon lang ko lang narinig si West na nagtaas ng boses, kaya naman ay nanginig ang buong katawan ko. Napatingin ako sa gawi niya, nagsalubong ang kilay niya at sobrang talim pa ng tingin sa 'kin.

"Kung may kasalanan ako kausapin mo ako, hindi 'yong bigla-bigla ka nalang hindi namamansin at bigla kang naging galit sa 'kin. Hindi na tayo bata para sa ganiyan, kaya pakiusap."

"Hindi ko alam kung bakit mo nasabi na kinakahiya kita. Hindi kita kinakahiya, West. Proud pa nga ako eh na may manliligaw ako na kagaya mo; na tanggap ako kahit ganito ako. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya tuwing magkasama tayong dalawa. Sobrang saya ko dahil nakatagpo ako ng taong kagaya mo. Walang dahilan para ikahiya kita, West, wala. Ang akin lang naman ay ikaw ang magiging kauna-unahang boyfriend ko 'pag naging tayo talaga. Ayoko muna sabihin sa ibang tao dahil—" sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko napansin na niyakap niya ako dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita.

"Tama na, Kleo. Ayokong marinig ang rason mo at higit sa lahat ay ayaw ko na nakikita kang umiiyak."

Hindi ko alam na umiiyak ako sa mga sandaling ito, hindi ko man lang namalayan na umagos ang mga luha ko. "A-Alam mo, n-napapaisip ako k-kong d-deserve mo b-ba akong mahalin," ngayon ay umagos na nga ng tuluyan ang mga luha ko. "Sobrang b-bait mo sa 'kin t-tapos..."

"Tama na, Kleo. 'Wag ka na umiyak, patawad kung nasabi ko 'yon kanina. Sorry talaga," mahinahon niyang wika pero mas lalo akong humagulgol. "Deserve mong mahalin, Kleo. Kamahal-mahal ka naman talaga eh."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga salita ni West. One thing is for sure; I really have fallen in love with this guy. I want him, solely him.

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now