Chapter 9: Envy

3 0 0
                                    

Chapter 9: Envy

K L E O

Busog na busog ako ngayon sa sobrang dami kong kinain na street foods at sana ay hindi pa ako tawagin ng kalikasan. Mukhang may rason kaming dalawa ni West na bumalik dito sa bypass road, syempre para kumain ng street foods after ng trabaho.

Dahil sa kabusugan ay napagtanto naming dalawa na magpahinga muna, kaya umupo kaming dalawa sa hood ng sasakyan niya.

"Ang ganda talaga dito 'no? Nakaka-relax nang isipan at katawan, tamang sight seeing lang sa dagat habang kasama ang mahal mo, solve na solve talaga," ani West na nakamasid lang sa dagat.

Napatingin ako sa gawi niya. "Mas maganda 'pag full moon, kagaya no'ng una mo akong sinama dito. Hinding-hindi ko talaga makakalimutan 'yon," sagot ko naman sa kaniya.

Ngayon ay napatingin siya sa 'kin. "Paanong hindi mo malilimutan eh 'yon ang time na tinanong kita kung pwede ba kitang ligawan," sumilay agad ang napakandang ngiti sa mga labi niya. Isang maligalig na ngiti rin ang sinagot ko sa kaniya.

Sobrang bilis ng mga pangyayari sa buhay ko, dati trabaho lang inaatupag ko pero ngayon gwapong lalaki na.

"Uwi na tayo?" tanong ko sa kaniya.

"Sige, gabi na rin naman na at wala nang nagtitinda dito," sagot naman niya. Umalis na kaming dalawa sa hood ng sasakyan, nauna na akong pumasok sa loob bago siya.

"May gagawin ka ba ngayong gabi?"

Sumagot naman agad ako. "Wala bukod sa paggawa ng design para sa project nating dalawa."

"Bukas mo na lang gawin 'yan, nood na lang tayo ng movie sa bahay mo," suhestiyon niya, nginitian niya kaagad ako.

"Alam mo, kailangan ko na 'yon tapusin eh, pero sige."

"Ay, akala ko aayaw ka. Bili muna tayo ng snack natin do'n sa convenient store na malapit sa subdivision niyo," hindi na ako sumagot.

Binuhay na niya ang makina ng sasakyan, nimaniobra niya ito at pinaharurot na paalis ng coastal bypass road. Mabilis lang kaming nakarating sa paroroonan namin dahil walang traffic, lumabas na kami sa sasakyan ni West at pumasok na sa convenient store.

"Bili ka juice drink ako na bahala sa snacks," sabi ko sa kaniya, tumango-tango naman siya kaya naghiwalay na kami. Gusto ko kumain ng pepero at potato chips, syempre marami akong binili para may kainin ako 'pag gusto ko.

Nagbayad na ako sa cashier at lumabas na ng convenient store.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay hindi napigilan ng dugo ko na kumulo; kitang-kita ko na may higad na umaaligid kay West. Nakahawak pa siya sa braso ni West at sobrang laki pa ng ngiti niya habang kinakausap niya si West.

Nagsalubong agad ang kilay ko, nag-aalburuto na ako sa galit dahil sa nakikita ko ngayon. Rinig na rinig ko pa ang usapan nilang dalawa ng babaeng higad, sa isip ko ay pinagsasaksak ko na siya ng kutsilyo.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumapit na ako sa kanilang dalawa.

"Bibi, kanina ka pa ba nag-iintay sa 'kin?" pumulupot agad ako sa kabilang braso ni West, alam kong nagulat siya sa ginawa ko at wala akong pakielam.

"Wow, may boyfriend ka pala West? Ang cute niyo namang dalawa."

"Well, salamat. Alam mo ba na 'pag may boyfriend ka na ganito kagwapo ay may aaligid talaga na higad sa kaniya? Alam kong alam mo 'yon, miss."

"Kleo..." tawag ni West sa pangalan ko pero hindi ko siya pinansin.

"Alam mo miss, ayoko lang naman na may babaeng makati na umaaligid sa boyfriend ko, alam mo na baka maagaw. Gayunpaman, kung magpapaagaw ba siya, kung type mo boyfriend ko miss, maghanap ka ng iyo at do'n mo ngudngurin ang kati ng katawan mo, 'wag sa boyfriend ko!"

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon