Chapter 6: Tulips

42 9 0
                                    

Chapter 6: Tulips

K L E O

"Anong gagawin namin dito? Sobrang lalim na ng gabi," sabi ko sa sarili ko, kalaunan ay lumabas na ako ng sasakyan.

"Tingin ka sa taas," ani West na may ngiti pa sa labi.

"Really West? In the middle of the night? We're at the coastal bypass road?"

"Why not?"

Hindi na ako umimik pa at sinunod ko ang sinabi ni West na tumingin sa taas. "Wow, this is so beautiful!" The stars are shining brightly as well as the moon. "I never had a chance to experience this. This is my first time experiencing star gazing and here in bypass road!"

"This is my first time as well together with someone I care and love," isang malumanay na boses ang narinig ko dahilan para mapatingin ako sa taong sobrang laki ng ngiti na nakatingin sa 'kin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga sandaling ito, kulang na lang ay lumabas na sa katawan ang puso ko. At pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga salitang binitawan ni West, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa kaniya na punong-puno ng pagmamahal.

"Kleo Madrigal, pwede ba kitang ligawan?"

Tanong na kailanman ay hindi ko naranasan. Sobrang ganda pala sa tainga na tanungin ka nang ganiyan sa taong gustong-gusto mo talaga. Kilig na kilig ako ngayon at hindi mapagsidlan ang tuwa dahil sa wakas ay naisipan na rin ni West na ligawan ako. Sa loob ng maraming araw ay nakilala ko na siya ng lubusan at gano'n rin siya sa 'kin. In short, the feeling is mutual!

"Wow, pulang-pula ng mukha ah, kinikilig ka?" tinawanan pa niya ako.

"Eh kasi naman eh," sagot ko naman. Nakita ko siyang umupo sa bumper ng kotse niya, kaya gano'n rin ang ginawa ko.

"I really liked you, Kleo since the first time I saw you on that bus stop," panimula ni West. "Sabi ko, ang cute naman niya para siyang keychain and then we bumped again on the second time at the café; I want to know more about him, that's what I thought back then. Sinabi ko sa sarili ko 'pag sa pangatlong pagkakataon ay hindi kita makikita ay hindi na ako maniniwala sa kasabihan na 'pag nagkita kayo sa pangatlong pagkakataon ay ang tadhana na mismo ang nagtagpo sa inyo.'"

"Wait, sa pangalawang pagkakataon na nagkita tayo ay sinabi ko sa 'yo na nagtatrabaho ako sa agency ah, so hindi counted 'yong pangatlo."

"Sira ka, counted 'yon kasi that time na nakita kita sa café ay galing ako no'n sa interview at hindi ko pa alam na do'n ka pala nagta-trabaho."

"Huh?! Pano'ng counted 'yon? Eh sa second time pa lang is alam mo na magkikita talaga tayo sa agency? Hello?"

"Oo nga 'no? Ikaw kasi ba't mo sinabi na do'n ka nagta-trabaho?"

"Hala, kasalanan ko pa talaga? Pakyu ka, West." Agad niya akong niyakap sa beywang habang tumatawa. "Tawang-tawa ka, bading?"

Nilagay niya sa balikat ko ang baba niya. "Payag ka na ba ligawan kita?"

"Alam mo, West. Hindi ako confident sa sarili ko, I'm overthinker and I'm too soft. Are you sure about me?"

"I am very sure about you, now that you asked that I'll spoil you with assurance and consistency... everyday." Naramdaman ko na mas hinigpitan niya ang yakap niya sa 'kin.

"Spoil me with assurance and consistency," ulit ko sa sinabi ni West.

Bumalik sa pagkakaupo ng maayos ang katabi ko, tinitigan niya ako na may pag-alala sa mga mata. "Bakit, ayaw mo no'n?"

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now