Chapter 5: Night

43 10 1
                                    

Chapter 5: Night

K L E O

"Nasa'n ka ba ngayon?" tanong ko sa kabilang linya.

"Papunta na ako riyan sa agency, bakit?"

"Ay, ba't 'di mo sinabi? Sige na mamaya na lang tayo mag-usap pagdating mo dito."

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinawagan ko si West pagdating ko dito sa lobby. Kusa na lang akong nagpunta sa contacts ko at tinawagan ko si West. Sinagot naman niya agad ang tawag ko at nag-usap kami hanggang sa tanungin ko nga siya kung nasa'n siya.

At sa ilang linggo naming pagkikita ay mas naging komportable na ako sa kaniya at gano'n din siya sa 'kin. Pero gayunpaman, naging busy rin siya sa trabaho niya, gano'n din naman ako. At kahit pagod sa trabaho ay may oras pa kaming magdate kahit na sobrang lalim na ng gabi.

"Eh 'di ka naman nagtanong eh."

"Oo na, kasalanan ko na po. Ibababa ko na 'to," wika ko, aakma ko na sanang patayin ang tawag nang magsalita ulit si West sa kabilang linya.

"Teka lang, Kleo! May sasabihin ako!"

"Mamaya na kasi 'yan pagdating mo dito—" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Hindi pwede, dapat ngayon na."

"Ano ba kasi 'yan?"

"May bagong engineer ang natanggap sa agency and please don't tell anyone about it."

"M-May bagong engineer?"

"Oo, sinabi sa 'min ng team manager kahapon, kaya 'wag mong sabihin sa mga kasamahan mo, okay?"

"O-Okay," pinatay ko na ang telepono ko at nilagay 'to sa bag ko.

May bagong bagong salta sa team engineer, so, ibig sabihin ay madadagdagan na naman sila. Edi wow. Pa'no naman kaming mga architect? Palagi na lang sa kanila ang may bago.

"Morning, Kleo-patra." Isang boses ang narinig ko mula sa likod ko dahilan para mapalundag ako dahil sa gulat. Pagtingin ko sa gumulat sa 'kin ay ang anak pala ng may ari nitong agency.

"Bushet ka, Alec! Ginulat mo naman ako!"

"Parang 'di ka naman nagulat eh," sagot naman niya at humagikhik pa si bakla. Umupo na siya sa tabi ko.

"Ang lalim nang iniisip ko, bakla. Kaya nagulat talaga ako at nakatalikod pa ako. Pero anyway, kumusta ang event na pinuntahan mo kagabi?" May pinuntahang event kasi itong kaibigan ko eh, KPOP event. At sobrang naexcite siya kasi finally ay makikita na niya ang favorite niyang mga Koreano. Eto ngayon si bakla at sinalaysay na niya ang mga nangyari kagabi hanggang sa magsawa siya.

Tumayo na ako para pumunta na nang opisina. At gano'n rin siya, sumakay na kami sa elevator at paglabas namin dito ay dumiretso na kami sa opisina namin. Tumambad sa 'min ang mga architect na hindi magkamayaw.

"Kleo, anong meron?" tanong ng kaibigan ko.

"Aba! Ewan ko rin," masungit kong tugon sa kaniya. Tinanong ba naman ako?

Pagbato ko sa kaniya ng sagot ko ay dumiretso na ako sa working station ko at nagbasa ng magazine. Ganito ang ginagawa ko 'pag wala akong masyadong ginagawa or kapag naghahanap ako ng idea.

Nakarinig ako na may pumalakpak at napatingin ako sa kung kanino galing 'yon. Si Sir Zack pala, alam kong may sasabihin siya sa 'min.

"I am happy to announce that we have a new Engineer. He was the Topnotcher on his batchs' board exam," anunsyo ni Sir Zack kaya napatingin ako sa katabi ko.

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now