Chapter 3: Divirginize

53 9 1
                                    

Chapter 3: Divirginize

K L E O

Hindi ko feel ang pumasok ngayong araw na 'to kasi nanlalata ako dahil sa stress. Gusto ko sana magpahinga ngayong araw na 'to pero kaya ko pa naman. At isa pa, tapos naman na ako sa parte ko bilang architect at kung may tanong sa 'kin 'yong engineer patungkol sa gawa ko pwede niya akong kausapin.

"Ang aga-aga Kleo ang pangit mo," bungad na wika ni Alec ng makaupo ako sa upuan ko dito working station ko.

"Kulang ako sa tulog, bakla." Sagot ko naman sa kaniya.

"Edi sana umabsent ka na lang."

"Well, kaya ko pa naman eh. At ako lang naman mag-isa sa bahay, nakakabaliw ang katahimikan."

"Sus, gusto mo lang magtrabaho eh dahil kay West," sinundot-sundot niya tagiliran ko.

"Hindi ka nakakatuwa, friend. Tigil-tigilan mo ako sa mga pinagsasabi mo," tinawanan lang ako ni bakla.

Biglang nabaling ang atensyon naming mga architect ng biglang pumasok si Sir Jian sa opisina namin. "Good morning, architects. We have a new engineer, and he said that he applied in our agency because of Kleo," napatingin sa 'kin si Sir Jian. "Totoo ba, Kleo?"

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Sir. So, totoo nga talaga ang sinabi ni West kahapon? May bakla talaga ang malilintikan sa 'kin.

Tumawa lang si Sir Jian at nagsalita ulit. "Anyway, so much for that. This is West the new hired engineer in our agency," nakita naming lahat na pumasok sa loob ng opisina si West.

He's smiling widely at us. "Hi everyone, I'm West Ryle Barcelo, just call me West or love. Nice to meet you all."

Nakita kong kilig na kilig 'yong mga babaeng architect ng magpakilala si West.

"Ayos ka lang ba, Kleo? Ba't nagsalubong ang kilay mo na nakatingin sa mga girlalo na mga architect?"

Agad akong tumingin kay Alec. "Shut up."

Mahinang natawa si Alec. "Selos ka, friend?" Hindi na ako umimik pa at binaling ko na lang ang tingin ko kay West.

Now West, I'm wondering what's running in his mind right now that he introduced himself to us.

"You guys are lucky if you could work with West, you know this guy is handsome, kind and a board exam passer." Nagpalakpakan ang lahat sa sinabi ni Sir Jian. "Anyway, West iiwan muna kita kay Kleo, alam ko na kilala mo na si Kleo kaya siya na muna ang bahala sa 'yo. Kung gusto mo mag-tour dito sa agency or may tanong ka, si Kleo na ang bahala, okay?" Tinapik ni Sir Jian ang braso ni West at umalis na siya. Nagpasalamat pa si West ng makatalikod na si Sir Jian.

Agad na lumapit sa kinaroroonan ko si West na may ngiti sa labi. Grabe, feeling ko hindi siya marunong magalit. "Hi Kleo, it's nice to see you again," aniya.

"Sorry, I don't feel the same way," pinagkrus ko ang braso ko.

"Grabe ka talaga sa 'kin, Kleo. Ganiyan ba ang epekto mo sa 'kin?"

"Get a room guys," ani Alec kaya napatingin kaming dalawa ni West sa kaniya.

"Oh, hi there mister," nilahad ni West ang kamay niya kay Alec.

"Alec Martinez," tinanggap naman ni Alec ang kamay ni West at nagkamay sila.

"Nice to meet you, Alec." Isang ngiti agad ang sumilay sa labi niya.

Oh, he treat all people the same. I should've known that in the first place.

"My pleasure," ngumiti rin naman si Alec.

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now