Chapter 1: Interaction

65 11 7
                                    

Chapter 1: Interaction

K L E O

Ubos na ubos na ang energy ko sa araw na 'to dahil nagpunta ako sa site kung saan rene-renovate ang isang bahay, stress na stress na talaga ako. Architect ako ba't pa ba kailangan akong sumama sa Engineer? Well, gano'n talaga ang buhay ng mga Architect, I mean hindi literal na gano'n.

Pero bago pa 'yan ay marami akong kailangan tapusin kanina sa agency; design na kailangan ko pang ipakita sa team manager, atat na atat na raw makita ng client ko 'yong design ng milktea shop niya. Kung pwede lang na sigawan 'yong client ko na marami akong ginagawa bukod sa paggawa ng design niya ay ginawa ko na talaga. Alam naman nila na hindi gano'n kadali ang trabaho ko.

Pabagsak akong umupo sa malambot na upuan dito sa bus stop, sinandal ko na rin ang likod ko sa malamig na sandalan. Kahit pagod na pagod na ako ay lakas loob kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at ni-on ito.

7:54 PM

Gusto ko na umuwi para makakain at makapagpahinga, binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng bulsa ko. Hinagkan ko na lang ang bag ko animo'y kumukuha ako ng lakas mula rito. Mga alas otso pa naman ang last trip ah, ba't antagal dumating ng bus? Uwing-uwi na ako, please lang. Para akong nalantang pechay dito sa bus stop kung iisipin.

Nahagilap ng mata ko sa medyo malapit dito sa bus stop na may humintong sasakyan. Mula sa sasakyan ay may lumabas na lalaki; matangkad siya at pormang-porma, may itsura rin si kuya. Busy siya sa pag-type sa cellphone niya, ilang sandali lang ay nilapit niya sa tainga niya ang cellphone niya para kausapin ang nasa telepono.

Napabuntonghininga na lang ako. Ba't antagal ng bus ko? Parang ayaw ata ako pasakayin sa bus eh. Ang mahal ng taxi, please lang.

"Hey, you looked tired," napatingin ako sa taong nagsalita, umayos agad ako ng upo. Hindi ko namalayan na may umupo pala sa tabi ko.

Binaling ko ang tingin sa bag ko. "Yeah, I am. You seem frustrated," sagot ko naman sa kaniya.

"Tama ka nga diyan, nakaka-stress lang kasi."

"'Kaya ka naiistress kasi nagpapakastress ka sa mga bagay-bagay, dapat chill ka lang. Go with the flow ba," ngayon ay binaling ko ang pansin sa taong kausap ko; 'yong gwapong lalaki pala na huminto sa di kalayuan dito sa bus stop.

Tumawa siya ng mahina. "Thanks, na-motivate ako sa sinabi."

"I take that as compliment, mister—ay! Sa wakas dumating na rin ang bus ko!" Agad akong tumayo dahil tanaw ko na ang bus na papalapit dito sa bus stop. Finally, makakauwi na ako!

"Sasabihin ko sana na ihahatid na kita sa inyo, halata talaga na pagod na pagod ka na eh."

"Nah, ayos lang ako mister, salamat sa concern,"hHuminto na ang bus ko na kanina ko pa hinihintay. "Mauna na ako sa 'yo. Ingat ka sa pagmamaneho, gabi na. Babush!"

Dali-dali na akong sumakay sa bus at umupo sa bakanteng upuan, nang makaupo ako ay umandar na ang bus. Sinandal ko na sa bintana ang ulo ko, iniisip ko na nasa isang pelikula ako at ako ang bida. It's euphoric. Napaisip ako bigla; ang gwapo no'ng lalaki kanina, literal. He's charming at simple lang siya, I mean halata sa kaniya na mayaman siya pero basta!

Anyway, sana magkita ulit kami.

∞∞∞

As usual trabaho pa rin ang inatupag ko buong araw, halos 'di na kami nagkikita ng kaibigan ko netong mga nagdaan araw, sobrang busy talaga ng linya namin. Pero dahil alagad ako ng salapi; trabaho lang ng trabaho. Maaga akong naka-out ngayon at himala 'yon. Dumiretso agad ako dito sa supermarket para mag grocery dahil ubos na ang goods ko sa bahay. Ako lang mag-isa sa bahay kaya medyo matagal rin nauubos ang grocery ko.

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Where stories live. Discover now