Chapter 2: West Ryle Barcelo

60 9 9
                                    

Chapter 2: West Ryle Barcelo

K L E O

"I'm West Ryle Barcelo," nilahad niya ang kamay niya para makipagkamay.

"Kleo Madrigal," sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Sobrang lambot ng palad ng lalaking 'to, para kang nakikipagkamay sa bulak dahil sa lambot.

"Nice to meet you, Kleo," isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni West.

I know he has a face and money, but that doesn't change the fact that this guy is fucking straight. Moreover, this is our third time interacting and I have a bad feeling. I don't know what it is, but time will only come and reveal it to me.

"It's not nice for me to meet you," sarkastikong tugon ko sa kaniya.

"Aray naman, pangalawang beses mo na nasaktan ang puso ko," tinuro pa niya kung saan ang puso niya.

"Ang OA mo, bakla ka ba?"

"No, I'm not!" Pasigaw na tugon niya. Nagtatanong lang naman ako ah, defensive?

"Chill ka lang boy, nagtatanong lang ako. I think you're gay—i mean, a closeted... gay." I think I went overboard on this.

Napahilot siya sa sintido niya dahil sa frustration dahilan par mapahagikhik ako sa itsura niya.

"I'm not gay, okay? I'm a bisexual guy," now, I'm not convinced. Wow, he just outted himself to me.

"Oh okay, good for you."

"You don't seem convinced on what I just said," napasandal na lang siya sa kinauupuan niya.

"What about it? We're not even friends and I don't care either."

"Oh right, we're not friends. We're just acquintance," nagpakawala siya ng mapakla na tawa.

"Here's your cheesecake, Sir." Ani ng barista kaya naman ay nilapag na niya ito sa lamesa, "mukhang malalim ang pinag-uusapan niyo Sir ah... LQ?" Tanong niya kay West at ang loko ay tawang-tawa habang nakatakip ang kamay sa bibig niya. Napatingin sa 'kin ang barista na halata na kinikilig sa nakikita niya.

"Alam ko na bago ka lang dito sa café na 'to, mister. Kaya naman ay umalis ka na bago ko ibuhos sa 'yo ang caramel macchiatto sa mukha mo," isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya kaya naging dahilan para mawala ang kilig niya.

"S-Sorry p-po," pagkatapos ay umalis na siya sa table namin.

Isang matalim na tingin ang binigay ko ngayon sa taong kaharap ko. "Ang harsh mo naman sa barista tsaka nakakatakot ka pala, Kleo."

"I'm a good person after all. Anyway, nawalan na ako ng gana kumain dahil sa 'yo kumag ka," aakmang tatayo na sana ako nang bigla siyang nagpakawala ng nagtanong.

"Where are you going?"

"Uh, I have work."

"Trabaho? Ano ba trabaho mo?" Napakurap-kurap ako sa tanong niya.

"Bakit?"

"W-Wala l-lang just c-curious," pautal-utal na tugon niya sa tanong ko.

Is he unemployed?

"I'm an Architect at Martinez' Engineering and Architecture Services."

"YOU ARE?!"

Agad na nabaling sa 'min ang pansin ng ibang mga customer at lalong-lalo na ang mga barista dito sa loob ng café dahil sa pagsigaw ni West. Nakakahiya ang ginawa niya, shit!

"Ano ka ba! Hinaan mo 'yang boses mo! Nakakahiya ka!" Nilagay ko sa gilid ng mukha ko ang palad ko dahil sa kahihiyan.

Tinawanan pa ko ng kumag. "Sorry naman, nagulat lang ako eh. Anyway, sige na balik ka na sa trabaho mo."

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon