Chapter 8: Date

40 9 0
                                    

Chapter 8: Date

K L E O

Sumabay ako ni Alec na umuwi kasi tinatamad akong magcommute at isa pa wala pang sweldo kaya tipid-tipid muna ako sa ngayon. May bill na rin ako sa tubig at kuryente, pero wala pa akong pambayad, jusko naman 'yong sweldo ko pambayad lang sa mga bills ko. Malaki ang singil nila sa kuryente at tubig dahil na rin ata sa inflation eh.

Alam ko na nagtataka 'tong kaibigan ko kung bakit ako sumabay sa kaniya ngayon pauwi pero bahala siya. Plano ko rin na sa bahay nila ako magdinner ngayon, wala namang problema si Tatay ni Alec eh. Gusto pa nga niya na do'n ako palagi kumakain para may iba siyang kasabay bukod sa anak niyang bading at aso niya.

At may isa pa na nagtataka, alam ko na nagtataka 'yong si West ba't di niya ako nakita buong araw sa opisina. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya dahil nga sa pinaggagawa ko kahapon. Kanina gusto ko magpunta sa rooftop para magpahangin pero pinigilan ko sarili ko kasi iniisip ko na ando'n si West. Gusto ko siyang makita pero umaayaw ang utak ko, pinairal ko na lang ang utak ko kaya eto ako ngayon.

Nang maiparada ni Alec ang sasakyan niya ay lumabas na kaming pareho at binati ang Tatay niya. Sinabi pa ni Tito Wade na dito na ako sa bahay nila kumain kaya taos-puso ko naman itong tinaggap ang paanyaya niya. Pinagsaluhan namin ang hapunan at nang napagtanto ko na umuwi na ay pumayag naman si Tito Wade para raw makapagpahinga ako. Kung alam lang ni Tito Wade na wala akong project.

Habang papalapit na ako sa bahay ko ay may naaaninag akong pigura na nasa gate ng bahay ko. "Anong ginaggawa ni Kuya Soj sa gate—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita niya ako na papalapit sa gate.

Fuck. Hindi pala si Kuya Soj ang nasa gate kundi ang taong buong araw kong hindi nakita.

"Oh there you are, Kleo Madrigal." Wika niya nang makalapit ako sa kaniya, may nakakalokong ngiti ang labi niya ngayon.

"What the hell are you doing here, West Ryle Barcelo?" tanong ko sa kaniya.

"Well, I know that you're aware."

"Aware of what?"

"Avoiding me," his words caught me off-guard.

"I-I'm not avoiding y-you and why would I in the first place?"

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang daliri niya. "Bakit hindi kita nakita sa agency kanina? Pati na rin sa cafeteria wala ka, at hindi rin kita nakita sa bus stop kung saan ka laging nag-aantay ng bus."

"Aba, ewan ko sa 'yo, West. Pinagsasabi mo diyan."

"You indeed avoiding me."

Out of frustration, I madly scratched the top of my head. " Yes, I'm avoiding you. Why? Because of what I acted last night and it really bothers me a lot! And I didn't sleep well last night because of it, I feel like I'm so fucking childish—"

"Ay, 'yon naman pala eh. So, nahiya ka sa 'kin dahil sa inasal mo kagabi, gano'n? Sus, parang 'yon lang? Ano ka ba, Kleo."

"Kung para sa 'yo ay hindi big deal 'yon, pwes, sakin oo!" Pinagtaasan ko na siya ng boses pero ang emosyon niya ay hindi pa rin nagbabago.

"Ano ba'ng meron sa inasal mo kagabi? You just let yourself be vulnerable on other people—to me. I liked it 'cause—" ayokong marinig ang sasabihin niya, kaya ginawan ko kaagad ng paraan para hindi niya maituloy ang sasabihin niya.

"Bakit ka ba nandito? Ano ba ang gagawin mo dito?"

"I wanted to see you. Please, 'wag mo naman akong iwasan, Kleo. Ano pa ang saysay ng panliligaw ko sa 'yo kung—"

Arcoíris Series 5: Wanting Was Enough • BxB (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon