Vanish Like The Smoke Around Us

82.7K 2.3K 658
                                    

Bloody Crayons
Vanish Like The Smoke Around Us
-------------------------------------------------

Kenly

"Oh my god. May nanunuod sa atin." Histerikal na sabi ni Marie at April.

Ang unang unang pumasok sa isipan ko nuong nakita kong may nanonood samin ay pagaari ng killer ang mata. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun pero isa lang ang naisip ko. Kung pagaari nga ng killer yung mata, ibig sabihin lang nito na tagalabas ang pumapatay.

Pero paano?

Kasi nung tiningnan namin yung labas ng bintana, wala kahit isang ledge na pwedeng pagtungtungan o kapitan. At kung bibitaw ka man, ang tangi mong babagsakan ay ang bangin sa baba.

"Shit, shit shit. Ano yun? Bakit may mata?" ngayon ko lang nakitang nagpanic si April ng ganito. Kahit ako. Muntikan na akong mapasigaw nang nakita ko yung mata.

"Babae." Mahinang sabi ni Jake.

"Anong babae ang pinagsasasabi mo Jake?" histerikal ding sabi ni Marie. Pati nga si Eunice na kalmado kanina parang aatakehin na sa puso ngayon.

Kung ang pakay ng may ari ng mata ay sindakin kami, nagtagumpay siya.

"Babae ang may ari ng mata." Pagpapatuloy ni Jake sa sinabi niya kanina.

"Sigurado ka?" humihingal na tanong ni Eunice.

"Oo, sigurado ako. Babaeng medyo kulot ang buhok. Saglit lang pero sigurado ako sa nakita ko."

Shit. Sabay sabay kaming napatingin kay April.

"What? Iniisip niyong ako yung nasa labas ng bintana? Nababaliw na kayo?" Parang asar na sabi niya.

"Actually hindi, kung totoo nga yung sinabi ni Jake. May dalawa akong naiisip na explanation sa kung ano ang nakita natin sa bintana." Kalmado nanaman si Eunice. Kung ganyan sana siya kahapon, edi hindi sana kami nagkainitan.

"Una, ang nakita natin ay repleksiyon ko lang. Kung baga, pinaglalaruan lang tayo ng mga mata natin. Since malapit nga naman ang puwesto ni April sa bintana, pwedeng pwede. Pero kung ganun nga, bakit ako lang? Meron rin naman kayo sa tabi ko. Kaya meron yung pangalawa kong explanation."

"Na ano?" sabay sabay naming tanong sa kanya. Kung ano man ang pangalawang rason sa kung ano ang nakita namin, parang alam ko na. Hindi pala. Parang alam na namin.

"Oh come on guys, alam kong alam niyo na kung ano ang ibig kong tukuyin." Parang nauubusan ng pasensiyang sabi niya.

"No. Pero parang imposible ata yung sinasabi mo." Tutol ni Marie.

"How?" nakangiting tanong ni Eunice.

"She's dead. Olivia is dead. At kung siya nga yung nasa bintana, isa lang ang pwede niyang puntahan. Pababa. Which means patay narin siya." Tatlo lang ang babae sa grupo na kulot ang buhok. Si April, Eunice at Olivia.

"Really? You seem to trust Olivia that much. I don't blame you kung mahina ang utak mo at hindi mo alam ang tricks na pwedeng gawin niya para maging possible ang imposible."

Nung sinabi ni Eunice yun, napatahimik nalang si Marie. Lahat ng tao may signs na pinapakita kapag may dinaramdam sila. At isa sa signs na galit o nagtatampo si Marie ay tatahimik nalang siya at ikukuyom ang mga palad niya.

Totoong hindi basta basta nagagalit si Marie pero hindi siya santo. Naalala ko dati na nagalit siya kay Olivia, isang semester niya ata 'tong hindi pinansin. As in yung parang hindi niya nakikita si Olivia sa daanan. Ni hindi nakikipagusap. Wala. Parang invisible lang. Wala akong naramdamang tensiyon sa pagitan nila pero sigurado ako na may malaking gap.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Where stories live. Discover now