Have You Ever Embraced The Darkness?

83.2K 2.2K 620
                                    

Bloody Crayons
Have You Ever Embraced The Darkness?
-----------------------------------------------------------

Olivia

"This time, ang mangyayaring labanan ay 2 v.s. 1" napangiti ako nang makita ang shocked expressions sa mga mukha nila.

That was a nice response. They started a gamble. Muntikan na nga akong matalo, buti nalang sinuwerte ako.

Naaalala ko pa. Naaalala ko pa nung mga panahong pinagpaplaplanuhan ko palang ang gagawin ko. Hindi pa nga ako masyadong sigurado na magiging ganito kaeffective ang mga pinaggagagawa ko. It was a haphazardly made plan. Masyadong baliw, masyadong risky. Para akong sumusugal na ang gamit kong pantaya ay ang sarili kong buhay. It was a gamble of death.

And I loved every second of it.

At wala na akong pakialam ngayon. Nanalo ako. Panalo ako. That is all that matters now.

* * *

It all started fifteen days ago. When Marie told us about their island resthouse.

Kahit na ayaw kong makipagusap sa kanila, tinanong ko si Marie ng extra info tungkol sa isla. I'm a good actress, since my so called friends taught me how to become one, so it was easy to fake interest.

Marie never knew. Dada lang siya ng dada ng kung ano ano kaya hindi ako nahirapang ipunta sa lokasyon ng isla ang usapan. I memorized the location and the moment I was free, I went there. Minemorize ko ang lahat. The house. The place. Everything. It's so amazing how much hatred can fuel you.

After familiarizing with the setting of the story, I proceeded to make their character sheets. Nagresearch ako sa mga buhay nila. Everything. Alam ko ang mga baho nila at kung paano sila magisip. I really made sure to know the enemy. It's amazing how I can use the basics of writing to plot their deaths.

That was the reason why I was always in control. Everything was just a story. A story written by me. At wala silang kayang gawin kundi sundin ang isinusulat ng aking pluma.

But as a story, alam kong magiging boring lang kung hanggang dito nalang ako. That's why I inserted twists. That's why I created the game.

Ginamit ko ang connections ng pamilya ko para makakuha ng tetrodotoxin. It was really hard pero kahit papano nagawa ko. Front lang naman kasi ng pamilya namin ang prosthetics business. Miyembro ang papa ko ng isa sa pinakaprominenteng mafia sa mundo.

So to start the ball rolling, I faked my death. Pero hind ako nakuntento run. Alam ko kasing kahit na gamitin ko pa ang tetrodotoxin para mapalabas na namatay ako, kailangan kong ipakitang brutal ang pagkamatay ko. Kaduda duda naman kasing ako lang yung hindi nagalusan sa mga bangkay.

So ginamit ko ang easy to apply prosthetics ng pamilya ko. But I can't still shake that feeling that it was still not enough. Then one day, the answer came to me in the form of a movie with the title Iron Man. Paano nga ba nila naiembed yung arc reactor sa dibdib niya? Trick o edit? Nagsearch ako at nalaman ko ang sagot. Gumamit sila ng latex para magsilbing base. Pagkatapos inairbrush nila para maging kasingkulay ng totoong balat at doon mismo inembed ang arc reactor.

It felt like God answered my prayers. Mapapalabas ko narin sa wakas na may naitatarak na crayon sa ulo ko. Pag nakita nila yon, di na sila magdadalawang isip na patay na ako.

Kilala ko sila the way a writer knows her characters. Like a mother knows her child. Masyado silang masashock para iexamine ako nang mabuti. At kahit pa mawala ang bangkay ko, kontento na sila na alam na butas ang bungo ko, malamig ang katawan ko at hindi tumitibok ang pulso ko. Sasabihin nalang nilang itinapon ng killer ang bangkay ko para hindi na magulo pa ang isipan nila.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon