The Curtain Call Is Fast Approaching

76.5K 2.2K 931
                                    

Bloody Crayons
The Curtain Call Is Fast Approaching
------------------------------------------------------

Eunice

"Alam kong nasa labas ka at kanina ka pa nakikinig. Bakit hindi mo buksan yang pintuan at pumasok ka? Olivia."

Mga ilang segundo rin kaming naghintay ni April bago bumukas ang pintuan at pumasok si Olivia.

I was right. The plan succeeded.

It was really a simple plan. Risky but simple. Kailangan lang naming palabasin si Olivia sa lungga niya. At pumunta siya sa lugar kung saan kontrolado naming apat ang mga mangyayari.

The plan consisted of three simple steps. Una, gawing lax ang defense niya at hayaan siyang magpapetiks petiks para magkamali siya. Pangalawa, ang gulatin siya para hindi siya makapalag at mataranta.

Nangyayari na ang pangalawa ngayon.

Medyo hindi sigurado at nalilito siyang pumunta papunta sa gitna namin. Yung isang kamay niya na may hawak hawak na mini chainsaw ay nanginginig kaya siguradong hindi niya kakayaning gamitin yun ng maayos.

Plus, apat kami ngayon at magisa niya lang. Napapalibutan siya.

Si Kyle na nasa balcony. Si Kenly na nakabantay sa hallway. At kaming dalawa ni April sa loob ng kwarto.

Kung baga, natakpan na lahat ang escape route niya. Gusto man niyang tumakas, wala na siyang magagawa. Huli na ang lahat. Sumugal man kami, mukhang nagtagumpay ang plano.

Mananalo kami.

At ang dahilan ng pagkatalo niya, ang dahilan para magsilbing futile ang mga plano niya ay siya rin lang ang may dahilan. Naging overconfident siya nang iwanan niya ang vial ng tetrodotoxin bilang clue. She's now having a taste of her own medicine.

Ang una naming ginawa ay ang classic misleading technique. Ginawa naming villain si April. At nang nakita niyang wala na si Kenly at Kyle na pwedeng lumaban pabalik sa kanya physically, lumambot ang gwardiya niya kaya pumasok siya rito sa kwarto.

Pero ang pagkakamali niya ay hindi niya naisip na meron parin sakin ang vial ng tetrodotoxin. Pati narin sa coke na dinala ni April.

Alam kong delikadong paglaruan ang tetrodotoxin pero nang nakita ko ang coke na dala ni April, nabuhayan ako ng loob.

We can use the sugar content para mashorten pa ang duration ng effect ng tetrodotoxin.

Kung gagamit kami ng tubig, ang hula ko ay tatagal ang "dead state" ng ilang oras. Ganun ang nangyari sa mga isdang pinageksperimentuhan ko.

Kung gagamitin namin ang tetrodotoxin, kailangan namin ng isang malaking lalagyan ng tubig. At kapag naman ginawa namin yun, makakahalata si Olivia. Kaya laking pasasalamat ko talaga nang nakita ko ang coke ni April.

Sugar gives energy. Sabi ko nga, mataas ang sugar content ng softdrinks. At kapag nilagyan yun ng tetrodotoxin, maaaring mapaiksi ang duration niya. Which totals to five minutes. Pero lahat ay theory lang, hindi ko ineexpect na magpoprogress ng ganito kasmoothly. Kung tutuusin, tsamba lang lahat ng nangyari at baka hindi na ulit pwedeng mangyari pa.

Sinuwerte lang talaga kami.

Alam naming hindi sapat ang tetrodotoxin trick para mauto si Olivia kaya kinailangan naming umakting. Medyo kinakabahan nga kami ni Kyle kaninang nagsasagutan kami sa dining room. Buti nalang boses lang ang kayang pakinggan ni Olivia at hindi niya kayang makita ang mga facial expressions namin.

"Pano mo nalaman na ako ang killer?" pambabasag ni Olivia sa katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkarinig ko sa boses niya. Wala na yung tonong bitchy. Napalitan ito ng nanginginig at takot na boses ng isang taong nahuli sa isang bitag.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon