Mini Game

131K 2.9K 3.2K
                                    

BloodyCrayons
Mini Game
--------------------------------------------------

Kenly

Ang hirap kung ikaw yung pinagsususpetsahan ng mga kaibigan mo na trumaydor sa kanila. Ang hirap pala kapag ikaw yung iniisip nilang pumapatay.

Pero ang pinakamahirap pala ay yung pakisamahan sila habang ganun ang turing nila sayo. Lalo na si Eunice. Pwede namang sabihin nang maayos. Pwede namang sabihin nang mahinahon. Kung makaturo sa akin parang may ebidensiya siya.

Minsan natatawa nalang ako. Dati akala ko solid yung pagkakaibigan namin. Dati akala ko malakas yung tiwala namin sa isa't isa. Kaso akala ko lang pala ang lahat.

Malalaman mo pala talaga kung sino talaga ang totoo mong kaibigan kapag nagkagipitan na.

Ang sakit lang kasi sa pride na yung inakala mong pagkakatiwalaan mo, hindi ka man lang pinagkakatiwalaan. Ang sakit lang kasing isipin na yung pinagsamahan niyo ganun pala karupok na pwedeng masira dahil sa isang minuto lang ng galit at takot.

Ano kaya ang magiging reaksiyon nila kung sasabihin ko ang pangalan nang pumatay kay Olivia?

* * *

Marie

Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ng mga kaibigan ko. Nakakatuwa sila. So peaceful. Wala ni isang trace ng takot sa nangyari kanina ang makikita sa mukha nila.

Serene. That's the word that I can use to describe their faces. Naïve. That's another one.

Nakakapagod pala kapag ganito. Hindi mo alam kung sino ang pagkakatiwalaan mo. Palaging mayroong takot na baka ang kausap mo ang siyang papatay sayo.

Tapos hindi parin mawaglit sa isipan ko na ako ang pumatay kay Olivia.

* * *

Kenly

Ano kaya magiging reaksiyon nila kapag nalaman nila kung sino ang pumatay kay Olivia? Sigurado ko naman na kapag ako ang nagsabi, maniniwala silang lahat sakin. Tutal ang dali naman nilang nagpapaniwala sa kung ano ano diba?

Pumasok na ako ng resthouse nang makaramdam ako ng lamig. Nakakagago lang. Kanina napakainit tapos ngayon napakalamig. Idagdag mo pang hindi ako nakapagdala ng Jacket.

Umupo ako sa sofa at binalot ang sarili ko sa kumot. Dito nalang ako matutulog sa sala kaysa samahan ko pa sila run sa kwarto nila. Alam ko naman kasing magiging tensiyonado lang sila kapag meron ako run.

Pinikit ko ang mga mata ko para makapagpahinga yung utak ko kaso mas lalo lang nagiging malinaw yung image ni Olivia na nakahilata sa higaan at duguan. Mas lalo lang lumalaki yung konsiyensiya na nadarama ko.

Napakatanga ko kasi eh. Kung tutuusin ako naman talaga ang pumatay kay Olivia.

* * *

Marie

Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng biglang tumulo ang mga luha ko. Napakatanga ko kasi.

Kung hindi ko sana hinatid si Olivia run sa kwarto hindi sana siya napatay ng killer. Sana hindi siya nagalaw ng killer. Sana buhay pa siya ngayon.

Minsan kasi galaw nalang ako nang galaw, react nalang ako nang react ng hindi ko man lang iniisip yung kahihinatnan ng mga aksiyon ko. Kung sakit lang talaga siguro ang katangahan, baka stage four na ang kondisyon ko.

Dahil sa padalos dalos ako, namatay si Olivia. Pinatay si Olivia. Nakakamatay pala talaga ang katangahan. Nakakapatay palang talaga ang katahangahan.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Where stories live. Discover now