Cancellation and Disruption

126K 3.2K 1.7K
                                    

Bloody Crayons
Cancellation and Disruption
-----------------------------------------------------------------

 

 Kyamii

Ang tahimik. Sobrang tahimik.

A long time had passed since Kyle finished reading the letter but there is still no reaction from the whole gang. Isa isa kong tinignan ang mga mukha nila at pare parehas lang sila nang itsura. They all wore this pensive expression on their faces. Looks like everyone is busy digesting the meaning of the message.

I am not a professional message decoder. I am not even a linguist. I suck at words. Pero alam ko kung ano ang ibig sabihin nang narinig ko. Everything was clearly stated. The rules were explained.

Hindi lang si Olivia ang mamamatay sa aming labing apat. Hindi rin lang isa. O dalawa. Hindi to matitigil hangga't hindi kami nauubos. Hanggang hindi namin nalalaman at nahuhuli kung sino ang pumapatay.

Pero hindi yun ang kinabahala ko. Something bothered me even more than the notion of my death. Sa binasang tula ni Kyle, I heard this passage that made the back of my neck tingle. And when my nape tingles, it almost always means bad things will happen in the future.

Because the killer is also one, of all the fourteen friends.

I shivered as I remembered the line and its implications. Kung tama yung pagkakaintindi ko, isa sa amin ang killer. Pero kung isa nga talaga sa amin ang killer, sino?

Si April? Si Kenly? O si Kyle?

The gears on my brain started moving as I ran through the endless possibilities flashing through my mind.

Is it April? Sa kanilang tatlo, siya ang kahinahinala. Kasi siya lang naman ang huling nakasama ni Olivia sa kwarto. Tsaka hindi kapani paniwala yung hindi man lang siya nagising sa lakas nang sigaw ni Olivia. Only a drugged person can withstand that noise. Kahit anong gawin kong pagbabalik baliktad sa pangyayari, siya ang pinaka obvious na gumawa ng krimen.

Kakaunti lang naman kasi ang time difference ng pagsigaw ni Olivia at ang pagdating namin sa crime scene. You need to have the speed of sound to escape without being seen. Ibig sabihin, kung sino man ang killer hindi siya nalalayo sa crime scene.

Pero parang may mali. Alam kong hindi padalos dalos ang kriminal na gumawa ng lahat ng ito. Ano ba ang gagawin ko?

Get inside his shoes. Turn the board around.

The gears inside my head started moving faster. I learned this technique from Jerard. To know the enemy, you must think like the enemy. Stop thinking from your side of the board. Look at it from the enemy's point of view.

To know the enemy, you must be the enemy.

Kung ako ang killer, ang pinaka malabong gawin ko ay ang magstay sa crime scene. Di ako tanga. Wala na akong lusot if they caught me red handed. Kaya yung option na magtulug tulugan seems so... idiotic.

Kaya ang matitira nalang saking possibility ay lumabas ng kwarto. But If I did that, Kyle and Kenly will see me. Kung ako naman si Kyle at pinili kong lumabas ng kwarto, makikita ako ni Kenly. At kung ako si Kenly, the same thing will also happen. Malabo. If I can't get out of the room, the only possible thing left is to remain inside. Which cancels everyone out. Leaving me back to that square one named April.

Si April nga ba talaga ang pumatay? Tatanggalin ko na ba sila Kenly at Kyle? But that really sounds so weak. Pero isang possibility palang naman yun. The assumption that the killer is just a single individual. What if he has an accomplice? Paano kung marami sila at sabay sabay nilang pinagplanuhan 'to?

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Where stories live. Discover now