The Tears I Locked Up Inside Me

80.4K 2.3K 953
                                    

BloodyCrayons
The Tears I Locked Up Inside Me
-----------------------------------------------

Jake

Kahit anong gawin kong justification mali talagang maghiwa hiwalay kami. Sa ngayon kasi dalawa nalang yung suspects ko. Kung hindi isa sa amin yung pumapatay, isa sa mga patay yung pumapatay.

Problemado nga ako kung isa sa amin yung pumapatay. Kahit isa kasi wala akong maisip kung sino. Yung puro suspicion nalang ako na wala namang sapat na ebidensiya. Pwedeng si Marie, pwede rin namang si April. Pwede rin naman silang lahat.

Pero kung yung isa sa amin na namatay ang pumapatay. Simple lang. Kasi dalawa lang naman ang papasok sa isip mo. Si Kyamii o si Olivia. Syempre mas malaki yung chance na si Olivia. Tsaka siguro dulot narin ng katangahan namin kung bakit kami unti unting nababawasan.

Kung si Olivia nga yung pumapatay, nalaman na sana namin agad na prosthetics yung ginagamit niya kung chineck namin yung mga sugat niya. Pero hindi namin ginawa yun.

Dahil siguro sa masyado kaming nagulat kaya di namin siniguro ng mabuti. O kaya naman kasi maraming asar samin sa kanya kaya sa loob loob namin masyado kaming natuwa dahil namatay na siya.

Ang ginawa lang namin ay ang binalot siya ng kumot at ibinaba papunta sa basement. Yun lang.

Pero pano niya magagawa yun? Masyado siyang matapang. Masyado siyang mahilig isugal yung mga pangyayari. O baka talagang naisip niya na yun.

Kahit pinakamababa ang probability sa number skills ko, sapat na ito pa mapredict ko ang gagawin ng isang tao. Lalo na kung meron akong kumpletong data niya. Ano yung mga trip niyang gawin, emotional level, lahat. Kung ganun nga yung ginawa ni Olivia, ibig sabihin mas lalo dapat kaming magingat.

May problema lang sa deductions ko. Yung killer parang alam yung isla. At ang taong may alam lang sa isla ay si Marie.

Si Marie nga lang ba?

Pwede namang naikwento niya yung location ng isla sa isa samin tapos pumunta dito yung killer para iplano yung pagpatay niya.

Pero walang kaalam alam si Olivia sa isla diba? Natatandaan ko pa kahapon na inaway niya si Marie kasi ang tagal daw.

Masyado ko ng ginagamit yung utak ko. Naguumpisa nang kumirot ang ulo ko. Kailangan kong kumalma kung gusto kong magtagal pa ang buhay ko.

Mas mabuti pang ituon ko nalang ang atensiyon ko sa kung saan itinago ng killer ang bangkay ni Kyamii. Yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ko piniling tumambay dito sa attic.

Kahit naman incomplete parin ang data ko sa killer, kaya ko na siyang basahin. At pag tama yung hula ko, tinago niya ang bangkay ni Kyamii sa isa sa mga cabinet dito.

Linapitan ko yung isang cabinet tapos binuksan ko pero ang nakita ko lang ay sapot ng gagamba. Linapitan ko yung pangalawa at nung binuksan ko ay napangiti ako.

Bingo-- shit!

Pagkabukas na pagkabukas ko sa cabinet bumagsak sakin ang malamig na bangkay ni Kyamii. Ang bigat pa naman. "Sabi ko na eh. Dito ka tinago nung killer." Sandali lang kasi yung time frame na libre siya kaya ang pwede niya lang gawin ay isiksik si Kyamii sa isa sa mga cabinet.

Minsan hindi ko alam kung baliw ba talaga yung killer. Ang dami niya masyadong nalalaman na kung ano ano.

Tinulak ko yung bangkay ni Kyamii paalis sa ibabaw ko tapos nagpagpag narin ako. May balak pa ata akong rapin eh. Di ako mahilig sa necrophilia so sorry nalang.

"Peace pre! Nagjojoke lang." sabi ko. Mahirap na baka multuhin ako ni Jerard. Okay, oras na para ibaba yung bangkay ni Kyamii. Medyo mahirap to pero sige lang.

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Where stories live. Discover now