Happiness And Resolution

81.7K 2.3K 1K
                                    

Bloody Crayons
Happiness And Resolution
----------------------------------------------------

Jerard

This time sigurado na ako. Alam ko na lahat ang nangyari.

Nakakatawa lang.

Threatened masyado ang killer kay Eunice. Simple lang naman talaga eh, simple lang. Hinawakan ko yung nokia xpressmusic at napangiti ako.

Siya nga talaga ang killer. It all fits. Aaminin kong nagulat talaga ako na totoo yung hunch ko. Pasok talaga yung sinabi ni Sherlock Holmes, all detectives start solving a case with a hunch.

Sino ba ang hindi magugulat. To go to such great lengths...

Ngayon isa na lang ang natitirang tanong ko na hindi parin nasasagutan. Bakit niya 'to ginagawa? May naiisip akong dahilan pero mababaw.

Pinatay ko na yung cellphone nang makuntento ako sa sagot. Mystery solved. Ang kailangan ko nalang gawin ay ipakita 'to sa iba para maniwala sila. It's game over for the killer.

Pero mali pala. Ako pala yung nagame over. Kasi pagikot ko nasa likuran ko na pala siya. Ni hindi ko nga naiwasan yung paghampas niya sakin.

Sumabay ang pagdidilim ng paningin ko sa pagdidilim ng screen ng cellphone na hawak ko.

* * *

XXX

Well done, as expected from the guy who solved a cold case.

Alam kong nandaraya ako sa ginawa kong ito pero sorry nalang kasi hindi pa ito ang tamang panahon para magtapos ang game na 'to. Magaling ka Jerard kaso, katulad ng iba, naïve ka rin. Ni hindi mo naisip na sinadya ko ang lahat ng ito para mapapunta ka rito. Pero kahit ganun, saludo ako sayo.

Kinuha ko ang xpressmusic sa kamay niya. No gadgets allowed. That idea was so fcking perfect. Dahil naïve ang mga kaibigan ko, nagtatrust silang wala nga talagang magdadala ng gadget. Ni hindi sila nagcheck ng bag.

Lumuhod ako sa harapan ni Jerard at itinakip ang mga mata niya as a sign of respect. Kung nasa ibang panahon sana kami, baka naenjoy ko pang makipagtagisan ng talino sa kanya.

Bumuntunghininga ako at inilabas ang isang piraso ng crayon. Indigo. Ang pang walong crayon. Kung gusto talaga nilang talunin ako, dapat huwag nilang pagtuunan ng pansin ang mga crayons. Pinahid ko ang crayon sa wasak na bungo ni Jerard. Napalakas ata ako nang hampas kasi nakikini kinita ko na yung utak niya.

Iniwan ko sa mga palad niya yung crayon at chineck ko kung may incriminating evidence pang natitira sa kwarto. Nung nakasigurado na akong wala, umalis na ako at iniwan ko siya.

Farewell my friend. See you in the afterlife.

* * *

Kyle

Kanina pa ako bukas nang bukas ng mga cabinet at aparador, papalit palit ng mga kwarto. Tumingin nga rin ako sa ilalim ng mesa sa kitchen pero wala talaga eh.

Siguro mga twenty minutes din akong naghanap bago ko napagdesisyunang tumigil na. Wala rin namang nangyayari, pinapagod ko lang sarili ko. Tsaka baka bumalik narin sa taas yung mga yun.

Nung pagpunta ko nga dun sa attic, nakita ko sila sa loob na parang may pinagkukumpulan. Tapos nung lumapit ako, nakakita ako ng trapdoor na may upuan sa loob. Yung upuan kung saan nakatali kanina si Kyamii. Pero ang nakapagtataka ay kung meron yung upuan, nasaan yung bangkay? Diba magkasama silang nawala? Ibig ba nitong sabihin na may nakahanap sa bangkay? At may nagtago uli?

Bloody Crayons #Recolored (Star Cinema Movie)Where stories live. Discover now