Chapter 1

1.6K 15 0
                                    

Author's Note: Marami po akong binago sa chapter na'to and i hope na magustuhan niyo. Enjoy reading! 😊

Chapter 1

Alas- siete na nang umaga ay nakahiga pa'rin ang binata sa higaan nito. Lumingon naman siya sa pintuan ng kwarto niya nang marinig niya ang sigaw ng yaya nito.

"WAAAHHH!?!?"

tumawa naman ng malakas ang binata dahil sa itsura ng matanda. Walang-magawa ang matanda kaya umalis nalang ito sa kwarto niya, tumayo naman ito sa higaan at dumiretso sa C.R para maligo. Ilang minuto lang ay lumabas na ito saka tinignan ang sarili sa salamin ngumiti ito saka sinuklay ang sariling buhok gamit ang kamay nito.

"Ang gwapo mo talaga Yevhen." wika nito sa sarili nang matapos ay agad siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina para kumain.

"What did you do?!" salubong ng ama nito sa kan'ya nang makapasok s'ya sa kusina. Hindi ito pinansin ng binata saka nagpatuloy lang ito sa ginawa. "Yevhen, kinaka-usap kita!" sigaw ulit ng ama nito. Pabagsak na inilagay ng binata ang hawak nitong kutsara sa lamesa para ma-ilang ang ibang maid nito.

Umiling nalang ang binata dahil ayaw nito makipagsagutan sa ama nya dahil alam na nya kung ano ang sasabihin nito.

"Kailan ka ba magtitino? Ilang maid na ang umalis dito sa'tin dahil sa mga ginagawa mo!"

Uminom muna ng tubig ang binata bago magsalita. "You know, what? I don't need them! And i don't need one!" usal nito. Bago umalis sa dining room at dumiretso ito sa sala para kunin ang bag nito saka lumabas ng mansion. Napabuntong-hininga nalang ang ama nito na nasa dining room.

Seven-thirty na nang makarating si Yevhen sa unibersidad at dali-dali itong ipinarada ang sariling kotse sa parking lot. Sinalubong naman s'ya ng mga kaibigan nya. "Yow! Bagong kotse, ah!" ani Elliot nang makalapit ito sa binata.

"Hi, guys!"

Agad naman lumingon si Yevhen pati ang ibang kaibigan nito sa likuran nya saka ngumiti sa bagong dating.

"I missed you!" wika ng dalaga nang makalapit ito kay Yevhen saka yumakap. "I missed you too..."

Kumalas naman ang dalawa nang marinig nila ang nang-aasar na boses ng tatlong kaibigan sa likuran. Napa-iling nalang si Yevhen at napatawa naman ang dalaga dahil sa inasta nito.

"Namiss ka namin, girl!" ani Joanna nang tuluyan itong lumapit sa dalaga at niyakap ito. Ngumiti naman si Beatrice.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Beatrice kay Xandra, ngumiti lang ito sa kanya saka lumingon kay Yevhen.

"Hindi pa ba tayo late sa lesson natin?" tanong nito. Kaya dali-daling nagsilakaran sa parking lot papunta sa hallway ang mga ito ng malaman kung sino ang unang prof nila. Habang mabilis na naglalakad ay nakakasalubong nila ang ibang students na nagbubulungan.

"Oh. My. Gosh! Nandito na pala si Xandra?!"

"Ang gwapo talaga ni Elliot!"

"Gwapo rin ni Yevhen!"

Bulungan ng mga kababaihang na nadadaanan nila. Nang makapasok na sila sa room nila ay agad na nagsitinginan ang mga classmates nila kasama ang isang professor na nagtuturo sa harapan kaya napayuko nalang sina Xandra at Joanna nang magsalita ang prof nito. "Late na kayo ng Thirty minutes! Bakit pa kayo pumasok? Na-iisturbo n'yo lang ang klase k!" inis na singhal ng kanilang prof kaya napakamot nalang sa batok ang binata dahil sa hiya.

"Oh? Tatayo nalang ba kayo d'yan? Upo na!" singhal ulit nito kaya mabilis na naglakad papunta ang mga ito sa kani-kanilang mga upuan.

Nang matapos na ang lahat ng subject ay pagod silang lahat na umupo sa isang bakanteng table sa cafeteria saka nag-order ang mga ito ng kani-kanilang pagkain."Grabe naman si sir naninigaw! Sakit ng tenga ko nun ah!" reklamo ni Elliot  bago kinagat nito ang burger na hawak nito. "shut up, Elliot. Baka may makarinig sa pinagsasabi mo." saway ni Beatrice habang nakatutok ito sa cellphone. Tumango naman ang lahat sa sinabi nya.

Habang umiinom ng cappuccino ang binata ay naramdaman nya na may nakatingin sa kanya kaya nilibot nito ang paningin sa paligid hanggang sa dumapo ang paningin nito sa pintuan ng cafeteria. May nakatayo na isang lalaki habang nakatingin ito sa binata.

"Kuya?" tawag ni Yevhen sa lalaking ngayo'y papalapit sa kanya.

"Long time no see, my brother." masayang sambit nito kay yevhen kaya napatayo naman ang mga kasama ng binata. "Bakit hindi mo 'ko sinabihan na uuwi ka ngayon?" tanong ng binata nang makalapit sa kanila ang kapatid nito. Hindi naman sya pinansin nito.

"Hi! Guys!" anito sa mga kaibigan ng binata. Kumaway naman pabalik ang mga ito saka tinapos ang kanilang ginagawa.

"kuya!"

"Woah! Easy, man!" natatawang wika nito sa kapatid na ngayon ay matalim na nakatingin sa kanya. "Okay, fine. I came here to tell you that our stepmom is coming home tomorrow."

Napatitig naman si Yevhen sa kapatid dahil sa sinabi nito at agad syang nakaramdam ng galit.

'her!?'

"W-What?! That woman?!" malakas na sigaw nito para lingunin sila na nasa loob ng cafeteria kaya inakbayan sya agad nito papalabas ng cafeteria papunta sa lugar na walang tao.

"Are you fvcking serious?!" sigaw nito nang maka-abot sila ng kapatid nya tumango naman ito bilang sagot. Di sya makapaniwala dahil makikita nya ulit ang babaeng kinasusuklaman sa buong buhay nya.

"So, gusto ni dad na umuwi ako ngayon?" tanong ni Yevhen sa kaharap nito na nakatingin lang sa paanan nito. "I guess... yeah." sagot nito sa kanya para bumuntong-hininga ang binata at pagak na tumawa.

'The hell?'

Napangisi naman ang binata sa inisip nito kaya lumingon sya sa kapatid nya at tinapik ang balikat nito. "Tell dad, uuwi ako." sambit nito saka tuluyan na umalis para maiwan ang kapatid nito doon.

Nang makarating na sa 2nd floor ang binata ay agad sya tinignan ng mga kababaihan saka samo't-saring bulungan ang naririnig sa paligid nya.

"Guys! Si Yevhen nandito!"

"Ilang taon na kaya sya?"

"Ang gwapo nya talaga..."

"Sayang... 2nd year palang sya..."

"Diba half-Turkish sya?"

"I love you! Yevhen!"

Kumaway naman ang binata sa mga nagkukumpulang babae at agad itong nagsitilian.

"Oh my gosh! Did you see that?! Kinawayan nya ako!"

"Please marry me! Yevhen!"

Agad naman sya huminga ng malalim nang makapasok na ito sa isang room kung saan naka-tambay ang mga kaibigan nya.

"Wow, abot dito yung mga sigaw nila. Gosh!" reklamo ni Joanna, sumang-ayon naman ang katabi nito si beatrice na tutok pa'rin sa cellphone. Napatawa naman ang binata dahil sa sinabi ng dalawa sa kanya.

"Ganyan talaga pag gwapo at sikat! Maraming magkakadarapa na mga babae. Pati siguro ibang mga lalaki sekretong nai-inlove na sa kanya!" natatawang wika ni Elliot para tignan sya ng masama ng binata.

"Kumusta yung pag-uusap nyo ni Selim kanina?" tanong ni Xandra sa kanya. "Okay naman, medyo..." sagot ng binata saka umupo sa upuan na nasa harapan nya.

"Balita ko umalis na naman yung bagong maid mo kaninang umaga. Why?" ani Joanna.

Ngumisi naman ang binata." I love playing pranks, and i don't need a maid!" aniya. "Eh, sa pang-apat mo yun." sabat ni Beatrice. Hindi nalang nya iyo pinansin at sakto ay nagsipasukan ang iba nilang kaklase tsaka guro para magsimula na ang kanilang klase.

Alas-sais na nakarating sina Yevhen at Xandra sa bahay nito. "Are you sure na hindi kana papasok sa loob?" tanong ni Xandra sa kanya gamit ang malambing nitong tono. Tumango naman ang binata sa kanya. "Yeah, paki-kumusta nalang ako kay tita." wika ni Yevhen saka tumalikod para umalis nang bigla syang pinigilan ng dalaga para mapalingon sya rito nang naramdaman nya ang labi ng dalaga sa labi nya. Ilang segundo ay kusa itong kumalas sa paghalik sa binata saka ngumiti ng matamis bago pumasok sa loob ng bahay nito. Naiwan naman na tulala ang binata sa labas saka wala sa sariling sumakay ng kotse papunta sa mansyon.

A/N: I'm sorry kung ngayon lang ako nakapag-update kase inulit ko 'tong chapter na'to, siguro kasama na'rin yung iba.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now