Chapter 4

392 8 0
                                    

Author's Note : Sorry for grammatically errors.

Enjoy reading!

Chapter 4

"Fvck!" agad itong napahawak sa ulo ng niya nang sinubukan niyang tumayo. Huminga naman siya ng malalim saka dahan-dahan tumayo at pumasok sa banyo niya. Tinignan naman niya ang sarili mula sa salamin, wala sa sariling napa-iling dahil sa itsura niya. Magulo ang buhok, gusot ang long sleeve niya, at nangangamoy alak din, kaya agad siyang naligo sa ilalim na malamig na tubig para mabawasan ang sakit ng ulo.

Isang oras ang inilagi niya sa loob ng C.R. at nang maibsan na ang sakit ng ulo niya ay kinuha na niya ang itim na twalya saka inilibot sa bewang para takpan ang kalahati nitong katawan bago lumabas ng banyo. Lumapit naman siya sa walk in closet saka kumuha ng isang gray na may sleeve saka tinernohan ng isang white  slack, saka puting sapatos.

Nang matapos ay lumabas na siya ng kwarto saka diretsong pumunta sa harap ng ref. Binuksan naman niya ito at kinuha ang isang pitsel at nagsalin ng tubig para uminom.

"Where have you been last night?"

Natigil naman sa ginagawa ang binata nang marinug niya ang boses ng kapatid, kaya bumaling siya sa likuran niya. "What?"

"Where have you been last night?" ulit na tanong nito. Habang seryosong nakatingin sa binata. Ibinaba naman ni Yevhen ang hawak na baso at pitsel sa malapit nitong counter bago sagutin ang kapatid.

"Nasa bar. Nagkasiyahan lang kami ng  mga kaibigan ko." sagot niya. Umayos naman siya ng tayo nang makita niya ang ama na papalapit sa kanilang dalawa. Lumapit naman si Selim para tulongan ang ama. "Günaydin baba."

*Good morning dad

Tumango naman ang matanda at pinasadahan siya ng tingin nito saka tumango na ikinabigla niya. "G-Gunaydin..." aniya saka pinapanuod lang ito ang ama na dahan-dahang umupo sa dining table.

"What was that? He's acting weird." puna ni Yevhen at bumaling sa kapatid. Tinignan lang siya nito saka nagkibit-balikat sa tanong nito.

Umupo naman siya nang ihain na ang mga pagkain sa lamesa kaya kumain nalang ito.

¤¤¤¤

NASA isang court naman ang binata na naka-upo habang pinapanuod ang mga ibang high school student na nagpa-practice. Dahil wala itong magawa sa bahay nila ay nagpasya itong mamasyal muna at doon niya nakita ang isang court na ngayon palang niya nakita.

Uminom naman siya sa hawak niyang C2 saka pinalibot ang tingin sa buong court. May mga damo sa kabilang gilid nito saka may nakatambak na lumang lamesa, upuan, at drums na hindi na ginagamit. At mahangin ang lugar.

'Matiwasay naman dito, pwede na magtambay...'

Napako naman ang tingin niya sa isang babae na tumatakbo papalapit sa mga nagpa-practice. Pinagmasdan niya ito, nangiti naman siya nang makita itong tumatawa. Parang pamilyar sa kanya ang mukha ng babae kaya pinanuod lang niya ito na nagtuturo ng sayaw.

'She's good at dancing, huh'

Dalawang oras na nakatambay ang binata nang marinig niya ang ring ng cellphone mula sa bulsa ng white slack. Tinignan naman niya kung sino ang caller kaya nagsalubong naman ang kilay niya.

'What does she want again?'

Pinatay naman niya ang tawag saka tinuloy ang ginagawa. Ilang sandali naman ay tumunog ulit ang phone nito kaya inis niya itong sinagot.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now