Chapter 16

187 6 0
                                    


Chapter 16

Madaling araw palang ay gising na si Larissa. Hindi siya pinatulog ng party na iyon na gaganapin mamayang hapon, wala naman siyang gown o dress na susuotin sa nasabing party. Kahit noong 18th birthday niya ay hindi siya nagpa-party kahit gusto ng mga magulang niya.

Dahil hindi siya inaantok ulit ay nagpasya nalang siyang i-text ang kaibigan niya kung gising na ba ito. Dahil manghihiram na muna siya ng dress sa kaibigan niya.

"Hayst...pati sa party namroroblema pa ako, wala naman akong perang pambili..." bulong niya sa sarili niya. Tinignan naman niya ang notes niya, kung saan niya kosinusulat ang perang naiipon niya at mga nagastos niya minsan.

Napatikhim naman siya dahil napapansin niyang masyadong malaki ang nagagastos niya sa loob ng isang buwan. Malayo pa ang sweldo niya, kaya magtitipid nalang siya.

Medyo malaki rin ang nagastos niya sa tatay niyang na-hospital noong nakaraang buwan, binibigyan niya rin ang mga ito ng pang-gastos sa araw-araw na pangangailangan ng mga magulang niya. Malaki-laki rin ang sweldo niya kaya minsan ay nakakaipon siya.

Ibinalik niya nalang ang notes sa loob ng bag niya saka nakatihayang humiga at nakatitig lang sa kisame. Tahimik lang ang paligid at tanging mabibigat na paghinga lang ang maririnig.

Ilang oras na ganoon pa rin ang pwesto niya hanggang sa nag-umaga na at doon na niyang naisipang tumayo. Dumiretso naman siya sa banyo para maghilamos muna saka lumabas para asikasuhin ang kwarto ng binata.

"Lari!" bumaling naman ng tingin ang dalaga sa likuran niya nang may tumawag sa pangalan niya.

Gulat naman siyang lumapit dito. "Anong ginagawa mo rito?!" gilalas ni Larissa.

Ngumiti naman sa kaniya ang kaibigan. "Ang sabi mo, you need my help. So, pumunta ako dito!" tugon nito at inilibot ang paningon sa sala ng mansyon.

"Sabi ko, pupuntahan kita mamaya sa apartment. Hindi rito!" hindi naman siya nito pinansin. Napasapo nalang siya sa noo bago ito iwan sa sala mag-isa. Nakasalubong naman niya ang binata pero hindi niya iyon pinansin at diretso lang siya bumalik sa kwarto.

¤¤¤¤

"Grabe pala yang school niyo, may pa-party pa!" sambit ni Ken saka nilagpasan siya, napakamot nalang sa ulo si Larissa habang hawak ang isang dress.

"E, sa mayayaman talaga ang mga nag-aaral do'n." ani Larissa, lumapit naman siya sa baklang kaibigan niya na nag-aayos ng mga make-up kit nito.

"Friend! May nahanap na akong dress!" sabay naman napalingon ang dalawa dahil sa sigaw ng kaibigan nila, nagtatakbo naman itong lumapit sa kanila. "Charan!"

Ipinakita naman nito ang hawak na dress, agad naman pumalakpak si Ken tila tuwang-tuwa sa dress. "OMG! Iyan ang suotin mo mamaya! Ako bahala sa make-up mo!" pareho naman nagtalon-talon ang dalawa, habang si Larissa ay nakatitig lang sa dress.

"Bagong bili ba iyan? Mukhang hindi mo pa nasuot iyan." ani Larissa.

Nakapamewang naman ang kaibigan habang "Ano ka ba, Lari! H'wag mo na intindihin kung bago 'to!" nagkunwari naman itong nagagalit. Napangiwi nalang si Larissa rito saka kinuha ang dress at tinignan iyon ng mabuti.

"Ano? Gora ka na?"

Tumango nalang si Larissa bilang sagot, ang dalawa naman ay natuwa para pilit siya pinapasok sa banyo para maligo. Napa-iling nalang siya dahil sa dalawa.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Where stories live. Discover now